"Alam na ba niyang-" " Yes, beb. Alam na n'ya." Agad niyang salo sa tanong ng kaibigan at hindi na pinapatapos ang tanong nito. "So, gusto n'yang makipag-usap sa'yo?" Muling tanong nito. " Oo, beb. Pero hindi ko alam kung pa'no ko s'ya pakiharapan. Mas nasasaktan ako kapag makita s'ya, ano pa kaya kapag kausap ko na s'ya?" Sabi n'ya sa kaibigan. "Hindi mo 'yan maiiwasan, makakausap at makakaharap mo talaga ang asawa mo, beb." Wika ng kaibigan n'ya. Napabuntong-hininga nalang s'ya. Bigla namang nag ring ulit ang kanyang cellphone. Muli silang nagkatinginan ng kanyang kaibigan bago n'ya tiningnan kung sino ang tumawag. Ang kanyang asawang si Sierge na naman iyon. Tinitigan lang n'ya ang tawag nito at hindi sinagot. " Sino yan, beb? ang asawa mo na naman ba?" Tanong na naman ng k

