CHAPTER 2

1575 Words
Alam ni Sierge na kung nasaan man ngayon inilagay ng panginoon ang unang asawa ay nasa mabuting kalagayan ito. Sobrang bait ni Mikaella dahil nagmana ito sa kanyang biyenang babae na si Mama Camela. Samantalang si Mikaella ay pansamantalang tumuloy muna sa kanyang kakilala na dating kaibigang si Michelle at maging ito ay nagulat nang makilala siya ng kaibigan. Ayaw na muna niyang harapin ang kanyang mga magulang na ganito ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang pakalmahin muna niya ang kanyang sarili bago siya tuloyang uuwi sa Mansion nila. Gusto niyang matibay na siyang harapin ang katotohanan. At sa kanyang matalik na kaibigan una niyang pinalabas ang kanyang samà ng loob. " My gosh, Five years nang nag-asawa ang asawa mo, beb." Sabi pa nito sa kanya. " Beb, parang.. parang hindi ko matatanggap ang katotohanang ito eh. Sobrang sakit nito, beb." Aniyang patuloy na umiiyak sa harap ng kaibigan. . "Bukas, kailangang magpakita kana kina Tita Camela, nasa Mansion ng mga magulang mo ang dalawang anak mo." Sabi pa nito sa kanya. Natigilan siya at nag-angat ng tingin rito. " A-ano?? n-nasa mansion nina Mama at Papa?" Nagtatakang wikang tanong niya rito. " Yes Beb, Four years na ang mga anak mo na nasa Mansion niyo. Nang mag-asawa at magpakasal kasi si Sierge sa wife niya ngayon ay narinig kong masamà daw ang ugali ng pangalawang asawa niya kaya lumayas yung mga anak mo, sinasaktan kasi daw ng lihim ng asawa ni Sierge ang bunsong anak niyo. At ayun, hindi na talaga nagbalik ang mga anak mo sa Daddy nila." Sumbong sa kanya ng kaibigan. " Ano?? Kawawa naman ang mga anak ko." Mas nasasaktan pa na wika niya sa kaibigan. " Okay pa sana yun, noong hindi pa nag-asawa ang asawa mo. Masaya pa silang tingnan habang namamasyal kahit wala ka na. May time pa lagi si Sierge na ipasyal yung mga anak niyo. Pero nagbago ang lahat nang makilala nito si Miss Nathalie Dela Cruz. Lalo na nang magpakasal na talaga ang dalawa. At hanggang magkababy na ang asawa mo at ang second wife niya ay yun na ang simula, Sa narinig ko parang gusto daw ng second wife na laging sa baby nalang nila ang time ni Sierge." Mahabang dagdag pa ni Michelle. Pinahid ni Mikaella ang kanyang mga luha. "Hayaan mo na Beb, hayaan mo na ang asawa mo. At ngayong nandito kana at bumalik kang muli ay focus ka nalang sa mga anak mo at bumawi sa lahat sa kanila sa ilang taon kang nahiwalay. Bahala na si Sierge sa buhay niya, masaya na siya kaya huwag kanang lumapit pa at makipag-usap sa kanya. Wala na rin namang saysay hindi ba? dahil may asawa na siya at may anak sa Second wife niya." Muling dagdag ni Michelle. "Tama ka, Michelle. Salamat sa mga advice mo ha, kahit ilang taon na tayong hindi nagkita ay hindi ka parin nagbabago. Ikaw parin ang dati kong kaibigan." Aniyang pinigilan na ang muling pagtulo ng kanyang mga luha. " Yes naman beb, ako parin to. Hindi ako nagbabago at sobrang saya ko na buhay ka pa pala. Napaka unfair nga nito sa pamilya mo dahil dito ka unang nagpakita sa akin." Sabi din nito sa kanya. "Ayokong maglumpasay ng iyak sa harap ng mga magulang ko dahil sa muling pag-aasawa ng asawa ko. Gusto kong maging kalmado na ako sa harap nila." Sagot niya rito na saglit pinahid na naman ang kunting luha na kusa talagang lumabas sa kanyang mga mata. " Oh my god, hindi ko pala nabanggit beb, dalawang taon na palang wala na ang Papa Brent mo. W-wala na si Tito Brent, sa edad niyang 70 ay p-pumanaw na ang Papa niyo sa sakit niyang High blood." Wika ng kanyang kaibigan. Parang na freeze si Mikaella sa kanyang narinig. Gusto niyang sumigaw sa narinig. Doble yata ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang pagbabalik. Napaka malas naman ng Buhay niya. Para siyang biglang nanghina na di niya maintindihan. Sobrang sikip ng kanyang dibdib. Nagmamadali naman siyang nilapitan ng kaibigan upang alalayan siya nito at niyakap nga siya nito para ma comfort siya sa kanyang sakit na nararamdaman. " I'm s-sorry beb, nabigla ba kita? sorry.." Parang naiiyak na rin na wika nito sa kanya nang makita nito ang kanyang reaksyon. " A-ang sakit ng lahat na ito, beb. Sobrang sakit!! My god.." Hagulhol na namang iyak niya dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. " I know masakit talaga ang mga katotohanan beb, pero kailangang tanggapin mo ang lahat." Hindi na rin napigilan ng kaibigan ang maiyak. "Wala na akong magagawa, kailangang harapin ko ang lahat ng ito. Bukas ay kailangang maaga pa akong uuwi sa mansion. Hinding-hindi ko matatakasan ang mga masasakit na katotohanang ito at kailangang matibay kong harapin ang lahat ng ito." Humagulhol na iyak niyang wika sa kaibigan. "Tama beb. At kailangang ibalik mo yung dating ikaw, kawawa ang hitsura mo ngayon oh. Ang layo mo na sa dating si Mikaella. Pero I know, mababalik din agad ang dating ganda mo ngayong nandito ka na. Fight lang beb sa mga trials sa buhay. Alam kong malalampasan mo rin ang lahat ng ito, alam kong ma adjust mo rin ang sarili tungkol sa muling pag-aasawa ng hubby mo at ang pagkawala na ng Papa mo." Anang kaibigan. Nasa Condo siya ng kaibigan kaya sila lamang dalawa. Nakatulog naman siya sa puyat niya dahil sa tagal ng kanyang pag-iiyak. ______ Kinabukasan. Tamang-tama ang araw na iyon, walang pasok ang mga bata sa school dahil araw ng sabado. Nasa mansion lang sina Sendrick at Shen. Madalas nagtatambay ang dalawang bata sa Library room ng mansion kapag walang pasok at ginawang libangan ng mga ito ang pagbabasa ng mga books. Nasa Dining room naman si Madam Camela nang marinig niyang may nag doorbell sa kanilang gate. May guard naman ang kanilang gate kaya alam ng matanda na bubuksan agad ng guard kung sino man ang nag doorbell. Naitanong ni Madam Camela sa sarili kung sino kaya ang bisita nilang nag doorbell? hinintay nalang niya kung sino nga ba iyon. Di naman nagtagal ay humihingal na lumapit ang isang katulong Kay madam Camela. Mula ito sa labas kaya nagtataka naman si madam Camela kung bakit. " Madam! OMG, madam!" Sabi pa nito. " Bakit Memang? ano bang nangyari sa'yo?" Nagtataka namang tanong ni madam Camela sa isa nilang katulong. "Eh, may biglang dumating po kayong bisita, madam. Anak mo raw siya, siya daw si Mikaella. Diba siya ang nabanggit niyong anak niyo na nawawala na ilang taon na ang lumipas?" Sabi pa ng katulong. Nanlaki ang mga mata ni Madam Camela at gumuhit bigla ang tuwa sa mukha nito. " A-ano!?? na-nandito ang anak ko? buhay siya?" Umiiyak agad na sambit ni Madam Camela. Hindi pa man nakatayo si madam Camela ay pumasok na si Mikaella sa Dining room kung nasaan ang ina. Nakasunod lang pala ito sa katulong. "Mama?" Sambit ni Mikaella sa Inang nakatalikod buhat sa kanya. Natigilan man si Madam Camela ay mabilis naman agad niyang nilingon ang anak. "Mikaella!!?? My god!! anak ko, buhay ka!!" Hagulhol na iyak nito at mabilis siya nitong sinalubong ng mahigpit na yakap. Hindi parin napigilan ni Mikaella ang pag-iiyak at paghagulhol sa harap ng Ina. Gumanti rin siya ng mahigpit na yakap rito. Matanda na ang kanyang Ina. Matagal silang hindi naghiwalay sa pagyakap ng mahigpit sa isa't isa ng kanyang Ina habang walang tigil ang iyakan nila. "Wala na ang papa mo anak. Wala na siya." Wika pa nitong patuloy sa pag-iiyak. " Alam ko po, alam kong wala na si papa. Alam ko na po ang lahat, Mama. Alam ko ring nandito rin ang mga anak ko sa'yo na kapwa maliliit pa nang mawalay ako sa kanila." Ang sagot niya rin sa kanyang Ina. Nang magkalas sila sa pagyakap ay hinawakan ng kanyang Ina ang kanyang pisngi. " My gosh, ano bang nangyari sa'yo iha. Bakit ganito kana ngayon?" Umiiyak paring tanong nito habang nakatingin sa kanyang mukha. Maitim kasi siya at payat. Sa loob ba naman ng labing apat na taon niyang natambay sa bukid ay ito talaga ang nangyari sa kanyang hitsura. Pero lumilitaw parin naman ang ganda niya kahit payat at maitim siya ngayon. "Isang pamilya sa bukid ang nakasagip sa akin, Mama at utang ko ang buhay ko sa kanila, kaya babalikan ko talaga sila Mama at tutulongan." Sabi niya sa kanyang Ina. " Pero bahala na, makabawi ka rin, ang mahalaga ay nandito kang muli anak at bumalik kang buhay." Ang sabi nito sa kanya. "Miss na miss ko kayong lahat, mama.Kailangang tatawagan agad natin sina Kuya Mico at Kuya Greggy na nandito ako at buhay po ako, mama." Sabi niya sa Ina. " Oh Sige, pero bago ang lahat at bago tayo mag-usap ay ipapatawag ko muna ang mga anak mo, nasa library room sila. Tiyak kong ikakatuwa nila ng labis ito iha, na nandito ka, na buhay ka at bumalik ngayon." Ngiti ng kanyang Ina. Ngiti na puno ng mga luha ang mga mata. Mga luha ng kaligayahan. " Sige po, Mama. Maghihintay ako sa mga anak ko. Gustong-gusto ko nang makita ang mga mukha nila ngayong malaki na sila, babawi ako sa mga anak ko, Mama, ngayong nandito na ako ay punan ko ang mga panahong wala ako sa tabi nila." Aniya sa Ina at parang walang katapusan ang paglandas ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi ng mga sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD