Mahal na mahal ni Sierge ang asawa kaya iisa na ang kanyang desisyon, susuportahan na lang n'ya ang kanyang anak kay Nathalie. Kailangang pipiliin n'ya ang unang asawa dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng tunay na kaligayahan at hindi si Nathalie. Patuloy na pinagmasdan ni Sierge ang natutulog na asawa. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay may kumatok sa private room na kinalalagyan nila ng asawang si Mikaellah. Tumayo si Sierge at binuksan iyon. Bumungad sa kanya si Mico, ang Kapatid ng asawa kasama nito ang asawang si Kristina. " Mico! kumusta?" Agad na tanong ni Sierge rito. Ni hindi man lang ngumiti si Mico sa kanya. "Bakit ka nandito, ikaw lang ba ang nagbabantay sa kapatid ko dito, Sierge?" Tanong ni Mico sa kanya. " Ahh, yes. Ako lang, pinapauwi ko muna si Mama Camela dahil

