Nakita ni Mika kung paano bumadha ang kalungkutan sa mukha ng kanyang dating asawang si Seirge. At nakita n'ya ang sunod-sunod na pagtulo sa mga luha nito. " Wala na ba talaga akong puwang kahit kunti sa puso mo, Mika?" Tanong nito sa kanya. " Ikaw mismo, alam mo kung gaano sana kita kamahal noon. Ngunit grabe na ang mga pinagdaanan ko sa'yo, Sierge. Paulit-ulit mo na akong nasaktan. At mas pinahalagahan mo pa ang hindi mo legal na pamilya kaysa sa amin dahil mas pinili mo sila, mas pinili mo si Nathalie kaysa sa akin kaya bakit pa kita mamahalin? diba katangahan na kung gagawin ko yan? at ngayon ay muntik pa akong mamatay dahil sa ginawa ng disperadang kabit mo dahil sa pagpapalapit mong muli sa akin at idagdag pang s'ya din pala ang dahilan ng pagkawala ko noon. Tama na Sierge, kun

