" A-ano pong nangyari sa akin? s-sino po kayo?" Tanong niya sa mga taong kaharap niya ngayon na hindi naman niya kilala.
Nagkatinginan naman ang magkapatid na babae na nasa harap niya.
" Naku, Sa wakas baka bumalik na po ang mga alaala niyo, sa ilang taon ka naming naampon." Sabi pa ng isang babaeng nasa harapan niya.
Pilit siyang bumangon kahit mabigat ang kanyang pakiramdam at tiningnan ang paligid. Nakita niyang nasa simpleng bahay lang siya ngayon. Noon niya naalala ang nangyari sa kanya, na crash ang eroplanong sinakyan niya. At anong nangyari sa kanya? nasaan ba siya ngayon?
"Nasaan ba ako? huli kong natandaan ay na crash ang eroplanong sinakyan ko at pagkatapos ng lahat ay wala na akong alam sa susunod na nangyari sa akin." Wika niya sa mga ito.
"Ikinalungkot po namin ang nangyari po sa'yo ate, ilang taon kana pong nasa pangangalaga ng pamilya namin." Malungkot na sabi ng isang babae.
Nagulat siya sa narinig.
" I-ilang taon? bakit, ilang taon na ako dito?" Kinabahang tanong niya.
Okay lang sana kung buwan lang pero taon ang binanggit ng mga ito.
"Fourteen years na po kayo dito sa bukid namin, nakita lang po kayo ng mga magulang namin sa baybayin ng probinsya sa Cebu noong nagbakasyon sila noon sa Cebu sa tita namin. Mahirap lang ang pamumuhay nina tita sa Cebu kaya napilitang dalhin ka ng mga magulang namin dito sa bukiran ng Leyte. At kanina ay inatake nalang kayo bigla sa sakit ng ulo niyo at biglang nawalan ng malay. Hindi namin akalaing babalik pa ang memorya niyo dahil sa ilang taon na hindi mo parin kilala ang sarili niyo. Sino po ba talaga kayo?" Mahabang sagot nito sa kanya.
Mas nagulat siya sa narinig nang malamang Fourteen years na siyang nasa poder ng mga ito. Bigla siyang napaiyak nang maalala ang kanyang dalawang anak at asawa. Kumusta na kaya ang pamilya niya at ano na ang takbo ng buhay nila sa ilang taon siyang wala sa piling ng mga ito?
Mas naawa sa kanya ang magkapatid na tiningnan siya, na sa tingin niya'y nasa twenties palang ang edad ng mga ito.
" A-ako po si Mikaella De Chavez. Kailangan ko pong makauwi agad sa amin, kailangang makita ko ang pamilya ko, lalo na ang dalawang anak ko at ang asawa ko, kailangang malaman nilang buhay pa ako." Wika niya na hindi napigilang umiyak ng tuloyan sa harap ng mga ito. Siguro'y akala ng pamilya niya lahat na wala na talaga siya. Akalain mo bang Fourteen years siyang nandito sa pamilyang umampon ngayon sa kanya? Nakita niyang mahirap nga lang ang pamilyang nagsasakripisyo sa kanya kaya babawi siya sa mga ito, tutulongan niya ang mga ito sa kahirapan.
" Nasaan ang Nanay at tatay niyo?" Tanong niya sa magkapatid.
" Kapag sabado po ay namamalengke po sina Tatay at Nanay para sa Isang linggong gagamitin natin dito sa bukid. Wala kasing tindahan dito kaya kailangan talagang iisahing bilhin lahat na kakailanganin para sa loob ng isang linggo, Ate." Wika ng panganay sa magkapatid.
"Huwag kayong mag-alala, ngayong bumalik na ang alaala ko ay tutulongan ko kayo bilang ganti sa malaking tulong na nagawa niyo sa akin. Uuwi muna ako at babalikan ko kayo." Pangako niya sa mga ito.
Napansin niyang nangingitim nga ang balat niya at ang layo na niya sa dating hitsura noon. Dahil na stay siya ng ilang taon sa bukid na ito kaya ito ngayon ang nangyari sa kanya.
"Taga saan po kayo ate?"
" Taga Makati City ako." Sagot niya habang patuloy na umiiyak. Kailangang hindi niya pipigilan ang kanyang naramdaman, kailangang ipalabas niya ang lahat upang gumaan man lang saglit ang kanyang pakiramdam sa nangyari sa buhay niya.
_____
Kahit nasasaktan ang pamilyang umampon sa kanya sa loob ng labing-apat na taon na siya'y aalis na at uuwi sa kanyang pamilya ay walang nagawa ang mga ito. Natuwa nalang ang mga ito nang pinangakuan niyang babalikan niya ang mga ito upang tulongan sa kahirapan ng mga ito.
Umuwi nga si Mikaella sa Makati. Sobrang sakit isipin na ang pinagdaanan ng kanyang inang si Camella ay maulit ngayon sa kanya. Mas malala nga lang ito ngayon sa kanya dahil Fourteen years talaga ang kanyang pagkawalay mula sa kanyang pamilya at samantalang ang Ina niya noon ay Ten years lang.
Sa loob ng ilang taon ay may mga nagbabago din sa Makati ngunit hindi parin niya nakakalimutan kung saan banda ang bahay nila ng kanyang Asawa. Siyempre, uunahin niya munang pupuntahan ang asawa't mga anak niya bago ang kanyang mga kapatid at magulang. Miss na miss na niya ang mga ito.
Ang lakas ng kanyang kaba nang nasa tapat na siya ngayon ng gate ng bahay nila ng kanyang asawang si Mr. Seirge Saleem. Kahit may pagbabago at lumaki ang bahay nila ng kanyang asawa ay kabisado parin niya ang paligid. Excited na talaga siyang makita ang kanyang mga anak at asawa. Alam niyang masorpresa ang mga ito kung makikita siya ng mga ito na siya'y buhay at bumabalik siya'y nagbalik ngayon. Nais na sana siyang mag doorbell ng gate ngunit napatda ang gagawin niya sana nang makitang may dalawang lumabas mula sa loob. Kapwa nakabihis ang mga ito at maporma. Mabilis Naman siyang nagtago at sinilip ang mga ito upang makilala niya kung sino ang mga lumabas mula sa loob ng kanilang bahay ng Asawa.
Natigilan siya at parang natulala nang makilala ang lalaki. Ang kanyang asawa iyon at kaakbay nito ang isang maganda at seksing babae!
"Thank you so much for your time, Hon. And happy Anniversary too." Narinig pa ni Mikaella na wika ng babaeng kaakbay ng asawa at sabay naglapat pa saglit ang mga labi ng mga ito.
"Welcome, Hon. I love you." Tugon pa ng kanyang asawa.
" How Sweet. I love you too." Malawak ang ngiting tugon ng babae.
At nakita niyang pumasok ang mga ito sa kotse na alam niyang may lakad ang mga ito.
Biglang nanginig si Mikaella sa kanyang kinaroroonan. Para siyang binagsakan ng langit at Lupa sa kanyang narinig at nasaksihan. Dahil sa sakit ng kanyang naramdaman ay nagmamadali siyang tumakbo paalis ng bahay nila ng kanyang Asawa. Kailangang makalayo Siya upang di siya makita ng mga ito. Wala na pala siyang babalikan, may bagong asawa na pala ang kanyang asawa ngayon. Sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha habang siya'y nagtatakbo palayo. Sobrang sakit. At parang hindi niya kaya ang lahat. Ang lalaking mahal na mahal niya at mahal na mahal din siya noon ay may bago na ngayon.