Nagdischarge na nga sila pagkatapos nilang mag almusal roon. Walang pagsidlan sa kaligayahan si Mikaellah na kasama n'ya ang asawang si Sierge pauwi ng kanilang Mansion. Pagdating nila sa Mansion ay nakaalis na rin sa school ang kanilang mga anak. Ikinasorpresa naman ni Madam Camella ang pagkabalikan ng anak at ng asawa nitong si Sierge. " Mama, dito na muna kami ha, sa pamilya ko. Bubukod din kami kung matapos akong magpagawa ng bahay para sa kanila. Magpagawa ako agad para sa bago naming tirahan." Sabi ni Sierge. " Naku, bakit niyo pa gagawin iyon, Sierge. Nakapangalan kay Mika ang Mansion na to. Hindi na mangingialam ang mga kapatid niya dito. Ibinigay na nila ng buo ito sa bunso nilang kapatid. Kaya hindi ka na dapat pang magpagawa. Mas mabuti ngang dito na kayo forever, upang ma

