" Sierge, hon? bakit?" Tanong pa ni Nathalie sa kanya.
" Ahh, no, hon. Wala, hali kana." Sabi ni Sierge habang karga niya ang anak nila ni Nathalie.
Dahil araw ng linggo ay ipinasyal ni Sierge ang asawa't anak. Kakain muna sila sa restaurant bago mamasyal.
_____
Habang nagmamaneho naman si Mikaellah sa kanyang sasakyan papunta sa bahay ng kanyang kaibigang si Michelle ay di niya naiiwasang muling lumuha sa kanyang nakita. Nakita niya ang asawang si Sierge kasama ang bagong asawa't anak nito ngayon. Di niya talaga maiiwasang masaktan at iiyak kapag makita niya itong may bago nang minahal na asawa.
Kinabahan siya dahil nakita niyang nagulat ito nang makita siya nito. Pero bahala na kung nakilala man siya nito. Hindi niya maiiwasan ang lahat ng ito at kailangang mas maging matatag pa siya kung sakaling makakaharap na niyang muli ang dating asawa. Pilit niyang winaglit sa kanyang isipan ang tagpong iyon. Dapat ay masanay na siya sa masakit na katotohanan. Sana ay masanay na nga siya at di na iiyak pa.
Pagdating niya sa bahay ng kaibigang si Michelle ay tamang-tama naman nandon ito. Kapag Saturday at Sunday ay nasa bahay talaga nila ito at kapag Monday to Friday naman ay nasa condo ito. Natuwa ito nang makita siya nito.
" Thank you beb, dinalaw mo ako, balak ko pa sanang ngayon ka din dalawin sa inyo kaya lang ay sabi ni Tita Camela nang tumawag ako sa kanya bago lang ay papunta ka raw dito." Sabi nito sa kanya sabay nakipagbeso-beso sa kanya.
" Yes beb. May kailangan kasi ako sa'yo kaya nandito ako." Tugon naman niya rito.
" Halika, sa loob tayo mag-usap." Sabi nito sa kanya na pinasunod siya nito sa loob ng bahay nito.
Sumunod naman siya nito sa loob. Naupo sila sa malaking sofa sa malawak na sala ng bahay ng mga ito.
"Nagtake out ako ng favorite nating menu sa restaurant na lagi nating kinakainan dati at dito na ako mag lunch, beb." Nakangiting wika niya sa kanyang kaibigan.
" Wow, thanks beb." Sabi nito.
Tinawag naman agad nito ang katulong ng mga ito at ipinahanda sa mesa ang pina take out niyang pagkain.
"Kumusta kana pala? okay ka na ba?" Tanong ng kanyang kaibigan sa kanya.
" Ahhm, o-okay lang beb. Wala na rin naman akong magagawa diba? nakita ko siya sa labas ng restaurant kasama ang kanyang bagong asawa at anak." Sabi naman niya sa kaibigan.
"Hayaan mo na beb, kaya mo yan, kaya mo ang lahat para sa mga anak mo. Gawin mong inspirasyon ang mga anak mo upang labanan ang lahat." Sabi ng kaibigan.
"Thank you beb, yes, gagawin ko 'yan." Tugon niya sa kaibigan.
"Siya nga pala, ano pala ang kailangan mo sa akin beb?" Tanong nito sa kanya.
"Wala kabang gagawin bukas? gusto ko sanang magpasama sa'yo sa Leyte sa pamilyang umampon sa akin. Kung... kung yan ay may time ka." Sabi niya sa kaibigan.
"Meron nga sana akong lakad bukas beb, pero sasamahan kita basta ikaw, i-cancel ko nalang muna ang lakad ko bukas." Sabi nito sa kanya.
"Thank you beb." Natuwang wika niya rito.
"Gusto ko ring makapunta sa lugar na yan." Excited pang sabi nito.
" Babalikan ko ang pamilyang sumagip sa akin. Tinulongan nila ako at hindi pinabayaan sa loob ng labing apat na taon kaya tutulongan ko rin sila sa kagipitan nila sa kanilang pamumuhay." Sabi niya sa kaibigan.
"Yes beb, dapat lang talaga na hindi mo sila kakalimutan." Sabi naman ng kaibigan niya.
_____
Hindi mapalagay si Sierge sa kanyang nakita kanina. Kauuwi lang nila ng asawa mula namasyal ngunit hindi parin mawaglit sa kanyang isipan ang tungkol sa babaeng nakita niya kanina. Kamukha talaga ito ng kanyang asawang matagal nang nawawala.
Bigla namang bumabalik sa kanyang isipan ang pamilyar na boses ng babaeng nakausap niya sa Telepono ng mga De Chavez. Bigla siyang kinabahan. Ngayon niya naalala at naiisip na ang boses na iyon ay pareho pala sa boses ng kanyang dating asawang si Mikaellah.
" My god, tama ba ako?" Ani Sierge sa sarili.
Hindi kaya namalik-mata lang siya sa kanyang nakita kanina? at hindi kaya nagkamali lang ang pandinig niya na parang boses ng asawang si Mikaellah ang kanyang naririnig sa Telepono ng mga De Chavez?
Naisip ni Sierge na bukas ng hapon ay pupunta na talaga siya sa mga De Chavez upang makakausap niya ang kanyang mga anak. At gusto din niyang mauusisa kung sino ang babaeng nakasagot sa kanya sa Telepono.
Kinabukasan nga ng umaga ay maagang umalis si Mikaella kasama ang kanyang kaibigang si Michelle papuntang Leyte. Nasa Office din si Sierge ng mga sandaling yun at minadali ang kanyang mga pinermahang papeles sa kanyang Desk. Siguro mga 3:00 pm ay matatapos na niya iyon at mag out agad siya sa dito office niya para pupunta na agad sa Mansion ng mga De Chavez. Mga 4:00 pm ay alam niyang pauuwi na rin ang kanyang mga anak mula sa School. Miss na miss na rin niya ang kanyang mga anak kay Mikaellah. Mga two months na rin na di niya nakita ang mga ito.
Sumapit nga ang hapon at 2:30 pm pa nga lang ay nag out na siya sa Office dahil tapos na ang kanyang ginagawa. Medyo malamig ang panahon at umaambon kaya dumaan muna siya saglit sa Coffee shop para magkape bago tuloyang pupunta ng mansion ng mga De Chavez.
Habang nakaupo siya sa Coffee shop at hinigop ang kanyang mainit na kape ay may dumating naman sa Coffee shop na kakilala niya, Si Mr. George Ferrer, isa ito sa malapit na kaibigan ng mga anak na lalaki ng mga De Chavez. Kaibigan ito nina Mico at Greggy, ang mga kapatid ng kanyang dating asawang na missing.
" Oh, Mr. Sierge Saleem! ikaw pala ito." Nakangiting bati nito sa kanya.
"Mr. Ferrer." Sambit din niyang tugon na bati rito.
Kusa na itong napaupo sa kanyang harapan at nag join sa kanyang coffee table na inookopa. Agad itong nag order ng plain coffee at pagkatapos ay kinausap siya nito.
"Mula ka pa ba sa office, Mr. Saleem?" Tanong pa nito sa kanya.
"Yes, Mr. Ferrer. Nagkape muna ako at pagkatapos ay dadalawin ko ang mga anak ko sa mga De Chavez." Sabi niya rito.
"So, alam mo na ring nauwi ang asawa mong si Mikaellah?" Tanong pa nito sa kanya na ikinagulat niya at muntik na siyang masamid sa ininom na kape dahil sa sinabi nito.
" What?? a-anong sinasabi niyo?" Tanong niya rito.
" Oh, bakit, hindi mo pa ba alam na umuwi ang asawa mo noong mga nakaraang araw? hindi mo pa pala alam na buhay ang una mong asawa?" Kampante pang tanong nito sa kanya ng sunod-sunod.
Muli siyang nagulat at nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig mula kay Mr. Ferrer.
" H-huwag mo nga akong biruin ng ganyan, Mr. Ferrer." Nauutal na wika niya rito.
" Mr. Saleem, hindi kita binibiro, nauwi nga ang unang asawa mong si Mikaellah. Nagkausap kami ni Pareng Mico. Naibalita sa akin ng Brother in-law mo." Seryosong wika ni Mr. Ferrer sa kanya.
" What!!?" Di makapaniwalang sambit ni Sierge at noon nasagot ang kanyang mga tanong sa isipan kung sino ang babaeng nakasagot sa kanya sa Telepono ng mga De Chavez. At ang babaeng nakikita niya sa harap ng restaurant ay talagang si Mikaellah pala talaga iyon, ang kanyang asawa!
" Bakit ba di mo alam, ahh .. siguro di ka na pinapaalam pa dahil may bago kana palang asawa ngayon at may anak kana rin sa bago mong Asawa." Sabi pa ni Mr. Ferrer sa kanya.
" Sh*t!!! karapatan ko paring malaman na umuwi at bumalik ang asawa ko! hindi magandang pakinggan na ako pa ang asawa pero ako pa ang huli sa balita!" Galit na galit niyang wika.
" Pasensya kana, Mr. Saleem. Akala ko rin ay alam mo nang nandito na ang una mong asawa." Sabi pa ni Mr. Ferrer.
Galit na galit si Seirge ng mga sandaling iyon. Hindi niya tinapos ang kanyang kape at tumayo na siya at nagpaalam sa kaibigan ng kanyang Brother in-law na si Mico De Chavez.
"Mauna na ako sa'yo Mr. Ferrer. Kailangan ko nang umalis at pupuntahan ang asawa ko. Kailangan ko siyang makakausap." Walang kangiti-ngiting wika ni Sierge at paalam. Masikip ang kanyang dibdib sa nalamang balita.
" Oh Sige, Mr. Saleem. Good luck sa muling pagkikita niyo ng una mong asawa." Sabi pa sa kanya ni Mr. George Ferrer.
Mabilis na umalis si Sierge, gustong-gusto niyang makarating agad sa mga De Chavez upang muling makita ang kanyang unang asawa. Kay tagal niyang naghintay at umaasang buhay ito at babalik sa kanila balang araw. Ilang taon din siyang nagluksa sa pagkawala ng kanyang unang asawa.
Magkahalong tuwa at excitement sa mga mata ni Seirge sa nalaman. Ngunit galit siya dahil walang ni isang nagsabi sa kanya at tumawag man lang na nandito ang kanyang unang asawa. Kahit mga anak man lang niya ay hindi rin siya tinawagan at ang kanyang biyenan upang ipapaalam man lang na nandito si Mikaellah.
Biglang nanlumo si Sierge nang maisip ang kanyang ikalawang asawa. Bigla tuloy siyang nagulohan kung ano ang kanyang gagawin. Ngunit winaglit muna niya ang problemang iyon. Ang gusto niya ngayon ay makikitang muli ang kanyang unang asawa.
" My god, sino ba ang mag-aakala na sa loob ng Fourteen years ay muling babalik ang una kong asawa?" Usal pa ni Sierge sa kanyang sarili na halos di parin makapaniwala sa nalaman.
Nang magmaneho na siya sa kanyang kotse papuntang mga De Chavez ay halos paliparin na niya iyon upang siya'y makarating agad.