Nagising si Mikaellah sa mahinang katok sa kanyang kwarto. " Mommy.." Narinig n'yang tawag sa kanya ng boses ng anak n'yang si Shen sabay katok nito sa pinto. Kahit tinamad pa s'ya ay napilitan na lang s'yang bumangon. Nanaog s'ya sa kama at tinungo ang pintuan at binuksan n'ya agad iyon. " Good evening, Mommy. Dinner is ready po." Matamis na bungad sa kanya ng kanyang anak na panganay. Nginitian din n'ya ito. "Thank you, anak. Oh sige, susunod na lang ako." Wika n'ya rito. Pumasok ito sa kanyang kwarto. " Sabay na lang tayong bumaba, Mommy. Hihintayin na lang kita." Sabi ni Shen sa kanya. " Sigurado ka?" Aniya rito. " Yes, Mommy." Anito sa kanya. " Oh, Sige, maghaft bath lang muna ako at magbihis bago tayo bababa, hindi ko pa napalitan ang suot ko mula kanina sa byahe,

