Althea’s P.O.V
Nagising ako sa pangangasim ng sikmura ko kaya agad akong napatakbo papuntang banyo at doon magduduwal sa bowl. For how many days akong ganito? Tumayo ako at nagpunta sa sink nang maramdaman ko na na hindi na ako duduwal. Nagmumog ako at naghilamos ng mukha. Mukha akong haggard sa itsura ko ngayon. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog kagabi sa sinabi ni Rafael. Lumabas ako ng banyo at umupo sa kama. Hindi naman totoo yung sinabi niya diba? Ano kaya kung umalis na ako dito? Pero saan naman ako pupunta? Bahala na nga!
Tumayo ako at nagsimulang magimpake ng mga gamit ko nang makarinig ako ng katok sa pintuan. Kinabahan ako, baka si Rafael na ‘to ah! Lumapit ako sa pintuan, tumingin ako sa peephole at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng uniform ng hotel. Nakahinga ako ng maluwang. Binuksan ko ‘yung pintuan at ngumiti.
“Bakit? Anong kailangan mo?” Tanong ko. Ngumiti din siya sakin.
“Ma’am baka gusto n’yo po magpa room service?” Tanong niya sakin.
“Um, mamaya na lang siguro since aalis na din naman ako pagkatapos ko magimpake,” sagot ko sa kaniya. Tumingin siya sa likod ko at tumango.
“Sige po, Ma’am!” Sagot naman niya at umalis na din. Isinara ko ‘yung pintuan at bumalik sa pagiimpake ko. After 20 minutes, natapos na ako sa pagiimpake ko at kinuha ko ‘yung susi ng kwarto at lumabas na. Nakarating ako ng lobby at sinauli na yung susi bago pa man ako makalabas ng hotel ay may nagsalita sa likod ko.
“Where are you going?” Agad akong napalingon at nakita si Rafael na nakatayo sa likod ko. Seryoso ang mukha niya at nakakunot noo. Kahit seryoso ang mukha niya gwapo pa rin siya. Ack! Teka anong iniisip ko? Atsaka anong ginagawa niya dito?
“Rafael!? What are you doing here?” Tanong ko sa kaniya. Napataas ang kilay niya.
“A friend called me and told me that ‘someone’ is leaving the hotel and I should get my a** here or I won’t be seeing that ‘someone’ anymore,” sagot niya. Who’s that friend? F*ck! Whoever that person is, sana madapa siya!
“I’m not leaving? I’ll visit the spa,” sabi ko. Ngumisi siya.
“Spa? Are you kidding me? With your clothes in tow? I don’t think so,” he said and sighed. “Let’s go, we need to get to the judge’s office.” Kinuha niya yung gamit ko mula sa kamay ko at hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman na iwinasiwas ang kamay ko mula sa kaniya.
“Ano ba! Sinabi ko ng ayoko magpakasal sayo! Mahirap bang intidihin ‘yon?” Tanong ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan mapaikot ang mata sa kaniya. Kita ko sa mukha ni Rafael na nagsisimula na siyang mainis.
“Didn’t I told you yesterday that whether you like it or you don’t, you will marry me. There is no other option that I will take other than yes,” he said. Napahinga ako ng malalim. Ang kulit n’ya talaga! Kainis!
“Give me back my stuff!” Inis na sabi ko. He gave me a smirk. I don’t know what happened to me but I got frozen. Damn! Why is he so hot and handsome! F*ck! What did I just think!
“You’ll get it later, baby.” Double damn! Why do I feel like it has a double meaning to me?
“Is there something wrong, Ma’am? Sir?” Napalingon ako ng may marinig akong nagsalita sa likod ko. Yung gwapong receptionist sa lobby! Omg! I like chinitong guy!
“There is nothing wrong. Thank you,” narinig kong sabi ni Rafael. Napatingin ako sa kaniya. At tinaasan ko siya ng kilay. May mali dito at ang mali dito ay ikaw! Tumingin ako sa chinitong receptionist.
“The proble-“ pero bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay kinabig ni Rafael ang labi ko at hinalikan ako. Also, he wraps his arms around my waist. I was so shocked! It lasted for 5 seconds!
“My wife and I got an argument and we just got reconciled. We’ll be going, thanks.” Para akong robot na sumunod sa kaniya. Tsaka lang ako nakabawi ng mapansin kong nakaupo na ako sa kotse niya. I looked at him and I saw him smirking. Nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya ngumiti siya.
“Got yourself back?” Nakangiting tanong niya. Inirapan ko siya at naapailing. Anak! Your dad will be the death of me!
Rafael’s P.O.V
I just got 1 hour of sleep and right now Mike is calling me! What the hell! Agad kong sinagot yung tawag ni Mike.
“Dude! Where are you?” Humiga ulit ako pagkasagot ko ng tawag. Ramdam ko sa boses niya na aligaga siya.
“What is it? Alam mo bang isang oras lang ang tulog ko?” Inis na sabi ko sa kaniya.
“Sige matulog ka na lang! If you don’t get you’re a** up here, you’ll never see your future wife and child anymore!” He said. Agad akong napaupo! What the f*ck! Nagising ako sa sinabi ni Mike.
“Where is she?” Tanong ko sa kaniya. Kinuha ko yung susi sa bedside table ko at agad na lumabas ng condo na tinitigilan ko.
“She’s still inside the hotel! But if you don’t speed up right now she’ll leave!” F*ck! Sumakay kaagad ako ng kotse at pinasibad ito papunta ng hotel na tinitigilan ni Althea. After 20 minutes ay nakarating din kaagad ako and I saw her, giving back the key she used. I hid behind a tall pot-planted plant near me and observe her. Dala niya yung gamit niya at palabas na siya ng maglakad ako sa likod niya.
“Where are you going?” Tanong ko. Napalingon siya kaagad at napatunganga. Seryoso ang tingin ko sa kaniya at napakunot noo. Anong tinutunganga ng babaeng ‘to? Tapos itatanong niya pa sa akin kung bakit ako nandito? Kung hindi ba naman siya aalis, pupuntahan ko ba siya dito? Also, didn’t I promised to marry her? Bakit ba ayaw niya? Isn’t it a good thing to marry the woman I got pregnant with?
“Is there something wrong, Ma’am? Sir?” Tanong ng lumapit na lalaki samin. Siya yung receptionist na nasa lobby. Napakunot noo ako ng makita ang tingin niya kay Althea. Of course, I know Althea is beautiful and hot right now but she’s the mother of my child and I don’t like his stare. I grunted in disgust.
“There is nothing wrong. Thank you,” I said. Nakita kong tumingin sakin si Althea at tinaasan niya ako ng kilay. F*ck this woman! Before she says anything, I kissed her on her lips. These lips that I claimed a month ago. These addicting sweet and soft lips. I want to explore it more like before but I need to get my rationality back! I wrapped my arms around her waist and pulled back. I saw her shocked but with a tint of light pinkish on her cheeks. I smirked.
“My wife and I got an argument and we just got reconciled. We’ll be going, thanks.” I guided her towards my car and let her seat on the passenger seat beside the driver seat. Mukhang shock pa siya kaya ako na ang nagsuot ng seat belt sa kaniya. Sumakay na ako at pinasibad ang kotse paalis. Now, I will push the marriage a little early today.