Chapter 5 pt.3

1649 Words
Rafael’s P.O.V Hyper na hyper si Alvin ngayong gabi. Napapailing na lang ako at napapaligiran na naman ng babae si Alvin. Kung ano si Danielle, hiniwalayan ko na ang lokong ‘to. “I will not be surprised if Danielle will knock on my door and asked me to help her annul her marriage with Alvin,” iiling-iling na sabi ni Jan. I drank the beer in front of me. Kaming dalawa lang ni Jan ang nakaupo sa table naming habang si Mike ay may kausap sa cellphone niya, probably work-related. Si Ralph baka meron na siyang ka make-out na babae. Ayun pa, mas babaero ‘yun kesa kay Alvin. “So, I never heard this Althea before. Who is she?” Narinig kong tanong niya. Napabuntong hininga ako. “Althea is my classmate in College,” I answered. Tumango siya. “Is that so… So, how did this happen? I mean, I am happy that you are married, but why it’s too sudden, though?” Jan asked curiously. I shrugged my shoulders. “It’s because I got her pregnant, Jan.” Nakita ko na napakunot noo siya. “Are you sure that you’re the father of her child? Pinilit ka ba niya?” Tanong niya. Umiling ako. “I am sure that I am the father of her child. And no, she didn’t force me because I was the one who forced her to marry me.” Nakita ko ang di makapaniwalang reaksyon sa mukha ni Jan. “Woah! Really?” He asked. I nodded. “Yeah, she didn’t want to marry me, but I said I want to do it. I want to be responsible for the child,”  I said. Tumango si Jan. “You can be responsible for the child even if you two didn’t get married.” Napalingon kaming dalawa ni Jan ng marinig ang boses ni Ralph. Umupo siya sa tabi ni Jan at kumuha ng bote ng beer. Napakunot noo ako. “Marrying her is the right thing. I want our child to live in a place where they have both parents,” sabi ko. Ngumisi si Ralph. “You two will live in one house without love, Rafael. What do you think will happen to the child?” said Ralph. I sighed. I get Ralph’s point. His parents left him in his nanny’s care and ignored him. “My child will live a life with love, Ralph. We will never leave them in the care of a nanny,” I said. Ralph smirked. “We’ll see,” sabi ni Ralph before a girl sat on his lap and kissed him. I shook my head and drank my beer. Tinapik naman ako ni Jan sa balikat. “Don’t get it to heart, Rafael. Maybe Ralph doesn’t want the child to live the same way as him.” I got what he wants to say, but I know what I am doing. And I will never let my child get hurt by me. After an hour, umalis na din ako at umuwi na sa condo. Pagpasok ko ay nakita ko na nakahiga si Althea sa sofa. Napakunot noo ako ng makita ang ang pantulog niya. Althea is wearing a thin dress, and she doesn’t have a blanket to use. Lumapit ako sa kaniya at nakita ko sa mukha niya na parang pagod na pagod. What happened to her?   Also, I saw her hands. What happened to her hands? Bakit may mga sugat ‘to? And why she’s sleeping here? She should use the room instead of sleeping here. I sighed and picked her up. She’s so light, and I hope she eats more. I went to my room and carefully put her down. Her hair is still damp, and there is a familiar scent I can smell from her. Did she use my body wash and shampoo? Napahilot ako ng sintido ko. Something started to build up, but I ignored it and looked for the medicine kit to treat her injuries. After a few minutes, umupo ako sa tabi niya at ginamot ang sugat sa kamay niya. I looked at Althea’s sleeping face. Mabait tignan kapag tulog pero kapag gising suplada naman. Napangiwi ako. Napatigil ako sa paglalagay ng gamot sa kamay niya ng biglang tumihaya ng pwesto si Althea. Maya maya nang maramdaman ko na hindi na siya gagalaw, I relaxed. Napatingin ako sa tyan niya. Soon, there will be a visible baby bump on her stomach. I pat that part lightly. After eight months, the baby will be born. I still can’t believe that I am a father now. This baby is unexpected and unplanned.  I am a little happy but also kind of- Disappointed. The mother of my child is not the one I want to spend my life with. Instead, she’s somewhat the antagonist of the story. My cellphone vibrated, and I received a text from Mike.   MIKE Call me, and I have something to report! 11:00 PM Month XX, XXXX   I rolled my eyes. Bakit hindi na lang siya ang tumawag? Lumabas ako ng kwarto at umupo sa sofa na kanina ay tinutulugan ni Althea. I called Mike at agad naman siyang sumagot. "There are some leads sa investigation na makakatulong kay Mr. Alcantara para malinis ang pangalan nito," agad na bungad ni Mike. Napaayos ako ng upo. This is a good thing. “That’s good. Malaki ba ang chance na ma-clear ang name ni, Mr. Alcantara?” Tanong ko. "Yep, malaki ang tyansa na niya. It's a good thing dahil na-recover ang mga ebidensya. Someone set him up kaya siya ang napagbintangan." Napabuntong hininga ako. "Alamin mo kung sino," sabi ko. Nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya. "Swerte ka talaga dahil kasama siya sa kasong hawak ko. Don’t worry, and I will make sure na malilinis ang pangalan ng father-in-law mo.” I rolled my eyes at agad na binaba ang tawag. Sumandal ako sa sandalan ng sofa at napabuntong hininga. I have so many thing to do.   Althea’s P.O.V I was woken up by the sudden urge to vomit. Nagtaka pa ako ng makita na nasa loob ako ng kwarto ni Rafael pero hindi ko muna inisip ‘yun at agad akong pumunta ng banyo at nagduduwal sa bowl. Damn morning sickness! Don’t tell me the whole duration of my pregnancy may morning sickness ako? Naramdaman ko na may humagod sa likod ko kaya napalingon ako only to find it was Rafael. I can see in his eyes that he is concerned. “Are you okay?” Tanong niya. I nodded kahit na nanghihina ako. Tinulungan niya akong tumayo and he flushed the bowl. Pumunta ako ng lavatory he pass me a cup para magmumog. I saw my reflection, and I’m a little pale. Nagmumo na ako at naghilamos. Lumingon ako at nakita ko si Rafael na nakatayo sa hamba ng pintuan. “Hindi ka ba papasok ngayon?” Tanong ko sa kaniya. “Papasok ako ngayon. I want you to meet someone,” sabi niya at nauna na siyang lumabas ng banyo. Kinuha ko naman yung naka-fold na towel na malapit sakin at pinunasan ko ang mukha ko. Lumabas ako ng banyo ng kwarto ni Rafael. Nakita ko ang higaan na magulo at napakuno noo. Don’t tell me dinala ako ni Rafael dito? Did he sleep together with me last night? “ALTHEA!” Napaikot ang mata ko ng tawagin ako ni Rafael mula sa labas ng kwarto niya. “Nandyan na!” Sigaw ko palablik. Isinampay ko yung towel sa sandalan ng upuan malapit sakin at lumabas ng kwarto. Nakita ko ang isang matanda na nakangiti sakin. Napakurap ako at napatingin kay Rafael. Seryoso ang itsura niya. Mukhang papasok na nga si Rafael dahil naka ayos na siya. “Althea, I want you to meet Nanay Imelda. She will be with you the rest of the day. Pag wala ako siya ang kasama mo,” sabi ni Rafael. Tinignan ko ang matanda na nakangiti sakin. Nginitian ko siya. “Hello po, I’m Althea. Rafael’s wife,” Pagpapakilala ko. Weird pa rin sa pakiramdam na magpapakilala ako as Rafael’s wife. Lumapit si Nanay Imelda sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. “Akala ko hindi na magaasawa ang batang ‘to,” sabi ng matanda. Narinig ko ang pagubo ni Rafael. “I am not ready that time, Nanay. Atsaka bata pa naman ako.” Tumawa lang ang matanda. “Pero ang tatay mo gusto ka nang magasawa! Buti na lang at nakahanap ka ng asawa mo. Ke gandang bata naman ire,” react ni Nanay Imelda. Tumango ako ng may ngiti sa labi. Maganda daw. “Salamat po,” sabi ko. Tumingin naman ang matanda kay Rafael. “Aba’t bakit nandito ka pa? Baka ma-late ka sa trabaho mo,” sabi ng matanda kay Rafael. Napabuntong hininga si Rafael at tumingin sakin. “I might go home late, Madami akong naiwan na trabaho nang mag-leave ako kahapon,” sabi ni Rafael. Tumango ako. May time ako para makabili ng mga gamit ko. “Ingat ka,” sabi ko at tumingin sa kusina. Nakaramdam ako ng gutom. “Sige na Hijo, magiingat ka ah!” Nakangiting sabi ng Matanda. Tumingin muna sakin si Rafael at umalis na. Naiwan kami ni Nanay Imelda. Tumingin ako sa kaniya at tumingin rin siya sakin. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. “Nagugutom ka na ba?” Tanong niya. Tumango ako. Dinala niya ako sa kusina at ipinaghanda ng almusal. Nagpasalamat ako at nagsimula kumain ng agahan na ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD