Althea's P.O.V Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi e! Paano ba naman mukhang power house sila Rafael, Christian at Keefer. Kahit isang point hindi man lang nakakuha sila Jan. "Tae mga power rangers ba kayo? Lakas n'yo!" Hinihingal na angal ni Jan. Lumapit na sila Rafael samin. Binigyan ko siya ng towel at tubig. Nakahiga na sa si Val sa stroller nila. Sila Mike naman nakahiga sa damuhan sa garden. “Paano ba naman mga pro basketball player ang hinamon!” Sabi ni Danielle at nilapitan si Alvin na nakaupo at hingal na hingal. Nasabi kasi ni Elleina na captain si Christian nung highschool pati na rin si Keefer. Si Rafael naman ay kasama sa College basketball team at lumalaban sa labas ng school. “Hindi naman namin alam na mga power rangers ‘yang mga yan!” Napailing nalang akosa sinabi n

