Chapter 2

1013 Words
Althea Alcantara's P.O.V *crasssssssssssssh* Nabasag sa harap ko yung isang vase. Hindi ko naman napigilan magpaiyak. Nasa harap ako ngayon ng parents ko and my Dad is angry, no... Furious. "ALTHEA! ANG TANGA MO! NAPAKA TANGA MO! NAGAWA MO PANG MAGPABUNTIS HABANG NAGHIHIRAP TAYO? SA TINGIN MO, NGAYONG MALAKI ANG PROBLEMA NATIN SA KOMPANYA ANONG IPAPAKAIN MO SA ANAK MO? HA? NAGIISIP KA BA? O NILAGAY MO SA PAA MO ANG UTAK MO?" sigaw ni Dad. Nakayuko lang ako. Katabi ko si Mom habang nakayakap sakin. "Hon! Huminahon ka nga, hindi makakabuti sa anak mo ang ginagawa mo! Hindi siya pwede ma-stress!" sabi ni Mom. Pero hindi nakikinig si Dad. "Dad, I'm Sorry!" sabi ko. Pero parang sarado ang utak ni Dad ngayon. "Hindi ko makakain ang sorry mo. At mas lalong hindi ko maipagbibili ang sorry na sinasabi mo. HINDI ANG SORRY MO ANG MAKAKAPAGPAAHON SA KOMPANYANG ITINAYO KO NG MAHABANG PANAHON!" galit na galit na sabi ni Dad. Nakita ko yung mga maids na may ibinababang gamit. Mga gamit ko... "Hon, ano 'to?" tanong ni Mom. Pero hindi siya tingnan ni Dad bagkus sakin siya nakatingin. "Lumayas ka sa pamamahay ko! AYOKO NG ANAK NA DISGRASYADA! LUMAYAS KA AT WAG NA WAG KANG MAKABALIK-BALIK DITO! NAIINTINDIHAN MO AKO? LAYAS!" galit na sabi ni Dad. Napaiyak na ako. Never in my whole life na naging ganto si Dad. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. "Sorry po," mahinag sabi ko. "ANO BA ANTONIO?! ANAK MO SI ALTHEA! HINDI SIYA ISANG PUSA PARA PALAYASIN MO!" sabi ni Mom. Pero hindi nakinig si Dad. Hinawakan ako ni Dad sa braso. Napadaing ako ng dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin. Tumingin siya kay Mom. "Wag kang makielam dito Miranda!" sabi ni Dad at hinatak ako patayo, palabas ng bahay namin. Pasalya niya akong pinakawalan ng makalabas na kami. Muntikan na akong ma-out of balance. Kaya agad akong napahawak sa tyan ko. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. "ANTONIO!" sumunod si Mom pero pinigilan siya ni Dad. "WAG NA WAG KA NG BABALIK DITO! NAINTINDIHAN MO AKO! LUMAYAS KA NA! AT WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN NA DISGRASYADA KA!" sabi ni Dad at hinila si Mom papasok. Inutusan naman ni Dad ang isang maid na isarado ang gate. "Althea! Althea! ALTHEA!" tawag ni Mom sakin. Bago tuluyan maisara ang gate ay ngumiti na lang ako kay Mom. Para yun ang huli naming pagkikita ngiti ko ang matatandaan niya. Hindi pa rin ako natapos sa pag-iyak ko. Ngayon ko lang naisip yung mga masasamang ginawa ko kay Elleina. Bumabalik sakin yung ginawa at sinabi ko sa kanya. Karma ko na siguro 'to. Tumayo na ako at pinunasan ko yung luha ko. Kailangan kong magpakatatag para magiging anak ko. Hindi ako pwede lumapit kay Rafael. Dahil... sabi niya ay kalimutan na namin ang nangyari saming dalawa. I decided na mag punta muna ng hotel para doon muna tumigil ngayong gabi. Now, anong kailangan kong gawin? Rafael Arellano's P.O.V Kakalabas ko lang bar dahil natapos na ang celebration namin ng makatanggap ako ng isang tawag. Napa-face palm ako. Bakit ba ako nanghingi ng tulong sa pinsan ko para sundan si Althea? Napapailing na sinagot ko yung tawag. "Hello, Mike?" nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya. "Yow, cousin! Kamusta?" tanong niya pabalik. Napasandal ako sa kotse ko. "Tinawagan mo ako para kamustahin ako?" tanong ko sa kanya. Nakarinig ako ng ngisi sa kabilang linya. "Well, hindi lang din naman para kamustahin ka. Para na rin mag-report sayo," sabi niya. Napabuntong hininga ako. "Okay, let's hear your report then," sabi ko. "Well, napalayas si Althea Alcantara sa bahay nila," panimula niya na nakapag patayo sakin ng maayos. What? Her father loves her so much. Alam ko yun dahil ilang beses ko ng nakausap at nakaharap si Mr. Alcantara. Palagi niyang ipinagmamalaki si Althea. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Nakarinig ako ng buntong hininga. "Tinawag siya ng ama niya na disgrasyada," sabi ni Mike. Nanlaki ang mata ko. What? Bakit? "Nang pinalayas siya, muntikan na siyang mabuwal kanina. Agad siyang napahawak sa tyan niya na parang pinoprotektahan ito," sabi niya. Parang pinoportektahan? "Alamin mo kung bakit," sabi ko sa kanya. Nakarinig ako ng ngisi sa kabilang linya. "Bakit mo ba siya pinapasundan sakin, Rafael?" tanong niya. Nailing naman ako. Kahit ako hindi ko rin alam sa sarili ko. "Gawin mo na lang yung sinasabi ko, binabayaran kita baka akala mo," sabi ko sa kanya. Narinig kong tumawa siya. Anong nakakatawa? "Ayun na nga ehh, binabayaran mo ako para lang sundan itong babaeng 'to. Importante ba siya sayo?" tanong ulit niya. Bakit ba ang kulit ng lahi nito? Tss... magkalahi nga pala kami. "Tsk. Gawin mo na ang pinagagawa ko, Mike!" sabi ko sa kanya at binuksan ang pinto ng driver seat para makapasok na ako. Pero nagulat ako sa sinabi niya. "Actually, nagawa ko na. Nagpunta ako sa ospital na pinuntahan niya kanina at inalam ko kung bakit siya nandoon. Gamit ang koneksyon ko, nalaman ko na nagpakunsulta siya sa ob-gyne. At hindi lang yun ang ang nalaman ko... She's 3 weeks pregnant, Rafael. Tatanungin kita, may kinalaman ka ba sa pagbubuntis niya?" tanong niya. Bigla akong natuod. 3 weeks na siyang buntis? Isang buwan na rin ang nakakalapas ng may mangyari sa aming dalawa. Hindi kaya... no... isang beses lang yun... pero... F*ck! Paulit ulit ko siyang inangkin. Hindi malabong... Mabuntis ko siya. At base na rin sa mga report ni Mike, wala naman siyang mababanggit na kinakatagpong lalaki ni Althea kundi nauubos ang oras nito sa paghahanap ng investors na maaring makatulong sa kanila. Ako ang ama ng anak ni Althea? "Rafael!" tawag pansin ni Mike. Napalunok ako. "Nasaan si Althea ngayon?" tanong ko. No doubt I'm the father. "Ahh... Nasa isang hotel siya ngayon tumutuloy," sabi ni Mike. Napabuntong hininga ako. Kanina, iniisip ko kung kailan ako magiging Ama... baka nga ngayon, isa na akong Tatay. Binaba ko ang tawag at napatulala. Nagulat ako sa nalaman ko. Pero ang tanong, may balak ba siyang sabihin sakin na buntis siya sa anak ko? That woman!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD