Naiinis na tumayo si Loui mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Kanina pa siya naririndi at naiirita sa babaeng kaharap na hindi pa rin lumalabas ngayon. Kanina pa siya nito nilalandi at halos maghubad na rin ito sa harapan niya. Kung noon ay malamang patulan niya ito ngunit ngayon ay wala na itong ka-appeal-appeal sa kanya. Halos lahat ng babae ay wala ng appeal sa kanya dahil tanging si Rose na lamang ang nakikita niya. Lahat ikinukumpara niya kay Rose. So kung ayaw nitong lumabas siya na lamang ang lalabas ng opisina niya. Gusto niyang kaladkarin ito palabas ng opisina niya, pero malaki pa naman ang respeto niya sa mga babae. And he wasn't the violent type of guy when it comes to women. Hindi niya alam kung sino ang nagpapasok sa babae but he knew it wasn't his staff dahil simula't sapo

