Nagising si Rose nang may marinig na ingay mula sa labas ng pinto ng kwarto. May tao. She was sure about it. She hurriedly went to the door and slammed it so hard. Kailangan niyang makahingi ng saklolo kung hindi ay baka kung ano pa ang mangyari sa kanya rito. "Open the door! Buksan niyo itong pinto!" malakas na sigaw niya. Nakirinig pa siya ng ilang kalabog mula sa labas ng pinto. Muli siyang sumigaw upang makuha ang atensiyon ng kung sino man sa labas. Then she heard footsteps towards the door. Papunta ito sa kinaroroonan niya. KInabahan man siya dahil hindi niya sigurado kung sino ito ay kailangan niyang sumugal. "Buksan niyo 'to! Palabasin niyo ako rito! Parang awa niyo na!" malakas na sigaw niya at walang tigil na binabayo ang pinto. "Flower?" Narinig niyang tawag sa kanya mul

