"Mabuti naman at pumasok ka na?" bungad ni Angie kay Rose. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair at nakahalukipkip ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. Pinandilatan niya ang kaibigan dahil sa sinabi nito. Wow! Nagbago na ba ang boss niya at ito na iyon? "Ano namang akala mo sa akin? I was here yesterday. Nag-half day lang ako." "'Yun nga eh! Lagi kang half-day." Tumayo ito at hinarap siya. "Ano bang ganap mo?" She eyed her friend with her question. "Explain ganap?" balik tanong niya sa kaibigan. "Lagi kang missing in action. Hoy! Hindi porke't kayo ang may-ari nitong kompanya ay lagi kang ganyan. Kawawa naman ‘yong mga naiiwan mong trabaho at sa akin lahat bumabagsak iyon," panenermon nito sa kanya na ikinailing niya. Pero tama nga naman ito, lagi siyang nawawala since that acciden

