Chapter 3

1182 Words
“Wala kang upload last week. Hanggang ngayon na Wednesday na, wala ka pa ring upload! Nakatengga ’yung story mo. Maraming naghihintay sa bagong chapter. Huwag mong hintayin na makalimutan nila ’yung story mo!” Napapikit na lang ako sa sigaw ng boss ko at yumuko. Nandito ako sa office ngayon dahil pinapatawag ako ng boss ko. Na-writer’s block ako ngayon. Wala akong maisip na bagong chapter. Wala akong maisip na scene. Hindi ko alam kung bakit. Walang pumapasok sa utak ko. Wala akong emosyon na nararamdaman. Masaya dapat ’yung susunod na chapter, kaso wala akong maramdaman na saya! Ito ang problema sa akin, e. Kailangan maramdaman ko ’yung emosyon para ma-express ko sa mga story ko. Kung malungkot ’yung scene na isusulat ko, dapat malungkot din ako. Kung masaya, dapat masaya rin ako. Dapat masaya ’yung puso ko, kaso hindi. Hindi ako masaya. Wala akong gana nitong nakaraang linggo. R-18 pa naman ’yung sinusulat ko ngayon na naka-pending. “Kailangan this week may ma-upload ka na,” paniniguradong saad niya. “Opo,” Tumango-tango pa ako. Nagbuntong-hininga siya at napahawak sa noo, “Lumabas ka na bago pa kita patupi sa walo,” stress niyang sabi. Yumuko naman ako at nagpaalam sa kaniya. “Opo. Sorry po.” Lumabas na ako ng office niya at bumalik sa working table ko. Pagkaupo ko, ilang segundo lang akong nakatitig sa computer. Blanko. Walang laman ang utak ko. Binuksan ko ang document ng story ko at tinitigan ang huling chapter na ginawa ko. Ilang minuto akong nakatitig doon. Wala. Kahit isang linya, wala akong maisip. Binuksan ko ang notes ko kung saan nakalagay ang mga ideas ko para sa susunod na chapter. Binasa ko isa-isa. Wala pa rin. Napabuntong-hininga ako at sinubsob ang mukha ko sa lamesa. “Paano ba ’to?” Bulong ko sa sarili ko. Ilang araw na akong ganito. Kahit pilitin kong mag-isip, parang ayaw talaga gumana ng utak ko. Kumuha ako ng cellphone ko at tumingin sa oras. Wednesday na. At wala pa rin akong bagong chapter. Mas lalo akong nainis sa sarili ko. “Writer’s block ka lang,” bulong ko sa sarili ko. “Lilipas din ’to. Makakaisip din ako ng next scene." Pero kahit ako, hindi kumbinsido sa sinabi ko. Umangat ako ng ulo at tumingin sa screen. Binasa ko ulit ang huling chapter na naisulat ko. Napakunot-noo ako. Napahilig ako sa upuan at pumikit. Siguro kailangan ko lang ng pahinga kaso wala naman akong ginawa buong linggo para mapagod. “Kaya pa?” Napatingin ako sa nagsalita. Si Courtney, isang author din na kasama ko sa KOW Publishing Company. Lumapit siya sa akin at sumilip sa screen ng computer ko na hanggang ngayon ay blanko pa rin. “Linis niyan, girl.” Inirapan ko siya. “Call a friend, please.” Pagmamakaawa ko sa kaniya. “Aga-aga, sinermonan na ako noong boss mo.” “Na boss mo rin,” natatawang sagot niya habang hinihila ang bakanteng upuan sa tabi ko. “Anong nangyari ba sa’yo? Ilang araw ka nang ganyan. Huwag mong sabihing wala kang s*x life?” Napatingin ako sa kaniya. “Ha?” “Baka kailangan mo lang ng inspiration.” “Courtney…” “Mag-download ka kasi ng dating app!” diretso niyang sabi. “Sinasabi ko sa’yo, para magkadilig ka!” Napabuka ang bibig ko bago ko siya irapan nang masama. “Grabe ka. Aga-aga, libog agad ang topic natin?” “Eh, effective naman sa akin.” “Heh! Igagaya mo pa ako sa’yo,” mataray kong sabi. “Tinutulungan na nga kita. Suggestion lang, duh.” “’Yan ba ang tawag mo roon?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Oo,” Sabay hawi ng buhok niya. “Hindi ko kailangan.” “Sure ka?” Paninigurado nito. “Oo.” “Baka naman kaya ka walang maisulat kasi kulang ka lang sa lambing.” “Courtney!” Bulong na inis ko sa kaniya. Tawa lang siya nang tawa habang ako naman ay napapailing. Dating app? Hindi ko kailangan ’yon. Pass sa commitment. Ayokong magkaroon ng ka-chat na bigla na lang manghihingi ng number ko, tapos pagkatapos ng ilang araw, gusto nang makipagkita. Mas gusto kong tahimik ang buhay ko. Walang commitment. Walang drama. Walang taong kailangan kong isipin araw-araw. Hindi ko rin kailangan ng may magpapaligaya sa akin. “Babalik ako rito, ha?” Fuck! Bakit naisip ko iyong sinabi nung lalaking iyon?! Hindi dapat! “Try mo lang!” pangungulit niya. “Wala namang masama, e.” “Meron.” “Ano?” “Baka ma-stress lang ako lalo.” “Eh, baka naman hindi.” “Courtney, writer’s block ang problema ko. Hindi boyfriend.” “Malay mo, maging solution.” Napailing ako. “Hindi ka talaga titigil, ’no?” “Hindi.” “Bwiset ka.” “Thank you.” Sabay flip ng hair niya. Napabuntong-hininga ako at muling tumingin sa blankong screen. Sa totoo lang, mas madali pang magsulat ng love scene kaysa makipag-date. At least sa story, ako ang may kontrol. *** Pagsapit ng alas-singko ng hapon, nagligpit na ako ng gamit at nag-out na. Huwag na tayong maglokohan pa. May na-type naman ako ngayong araw, pero kulang pa rin. Wala pa nga sa kalahati ng target ko. At least, may nagawa kahit papaano. Kinuha ko ang bag ko at tuluyan nang lumabas ng office. Saktong paglabas ko, may pumaradang kotse sa harapan ko. Napatingin ako sa sasakyan at saktong bumaba ang bintana nito. Doon ko nakita kung sino ang nasa loob. Kailan ko ba siya huling nakita? Dalawang linggo na? Oo. Dalawang linggo na mula noong huli ko siyang nakita. Pagkatapos no’n, wala na. Hindi na siya pumunta sa bahay. Bakit? Hindi ko naman alam. At wala rin naman akong karapatang magtanong. Wala naman kami. Ni hindi nga kami magkaibigan. Hindi rin kami close. Well... Nag-s*x kami. Oo. Pero hindi naman namin pinag-usapan kung ano kami. So, ano bang pakialam ko kung hindi siya pumunta? Wala. Dapat wala. Noong huling pumunta siya sa bahay na may dalang pagkain, wala namang nangyari sa amin. Alam niyang pagod ako, kaya kumain lang kami at natulog. Nakakapagtaka nga. Akala ko katawan ko ang habol niya sa akin. Well, hindi nga pala ako sexy para maghabol siya sa katawan ko. Pero hindi. At mas nakakapagtaka dahil isang beses lang siyang pumunta sa bahay ko para mag-deliver, pero kabisado na niya agad kung saan ako nakatira. “Hi, Madam! Uwi ka na? Sabay ka na sa akin,” nakangiting sabi niya. Natigilan ako. Nakatitig lang ako sa kaniya. Pucha. Bakit gano’n? Bakit parang bumibilis ang t***k ng puso ko noong ngumiti siya? Umiling ako. “Hindi na. Mag-book na lang ako.” “Huwag na. I insist. Hatid na kita.” Lumabas siya sa driver’s seat at hinawakan ako sa kamay para papuntahin sa passenger seat. At ako? Sumunod. Ganoon ganoon lang. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa sasakyan niya. Hinayaan ko na naman siya! Pucha talaga. Bakit ba ang dali kong sumunod sa kaniya??? Parang automatic itong katawan ko na susunod sa kaniya. Hindi pwede ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD