PAUWI na ako ngayon at nag-book ako ng sasakyan. Gustong-gusto ko nang humilata dahil pigang-piga na ang utak ko.
Tapos na ang report ko rito. Isa akong author under KOW Publishing Company. Ang sinusulat kong genre ay depende sa trip ko minsan, kaya may Teen Fiction, Romance, o Mature akong sinusulat. Ngayon, ang trip kong isulat ay R-18.
Pero sa R-18 ako nakilala ng mga readers ko. Mga kuwentong puno ng tension, complicated relationships, at mga eksenang siguradong hindi basta-basta mababasa ng kahit sino.
Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa gilid ng kalsada, hawak ang cellphone ko. Tumingin ako rito nang may nag-notif.
Finally! May tumanggap na sa booking ko.
Maya-maya, dumating na sa harapan ko ang sasakyan. Kinatok ko yung bintana ng driver's seat bago ako pumasok sa likod. Bumaba yung bintana at lumitaw ang matandang lalaki.
“Leyra Campo po?” magalang na tanong ko.
Ngumiti ito at tumango, kaya pumasok na ako sa loob.
Sa wakas! Nakaupo na rin at pauwi na.
Tahimik lang sa loob. Tamang patugtog lang si Tatay ng radyo ng sasakyan. Maya-maya, napansin kong may kinuha siya sa gilid niya. Biscuit.
Tumingin siya sa rear mirror kung saan kitang-kita niya ako sa likuran. “Okay lang po ba kumain ako, Ma’am? Hindi pa po kasi ako kumakain.”
“Okay lang po, Tay. Biscuit lang po ang kakainin niyo?” maingat na tanong ko sa kaniya.
“Opo, Ma’am. Nagpa-gas po kasi ako kanina. Kailangan may matira po pag-uwi ko para may maiuwi ako sa misis ko na pera at pangkain po namin.”
Nagsimula na siyang kumain.
Ang mahal ng gas ngayon.
“May anak po ba kayo?” tanong ko sa kaniya.
Tumango naman ito. “Meron po. Apat. May kani-kaniya nang pamilya. Hindi na nila kami binibisita at kinakamusta man lang. Kami na lang ni misis ang nasa bahay. Kaya todo kayod ako para may pangkain kaming dalawa. Ayoko rin naman na paghanapin siya ng trabaho. Okay na iyong ako na ang mag trabaho para may pangkain kaming dalawa. Mahirap pero kakayanin. ”
Hindi ko kaya yung ganito. Masyado akong soft pagdating sa matatanda, e. Sa sobrang mahal ng bilihin at gas, hirap na talaga yung iba na pagkasyahin yung kinikita nila ngayon.
Sinabihan ko si Tatay na dumaan muna sa fast food na madadaanan namin. Bibilhan ko siya ng pagkain. Kahit ganito ako kalibog, masyado akong soft pagdating sa mga matatanda.
Wala na akong magulang dahil maaga silang nawala sa akin. Ako lang ang mag-isang tumaguyod para mabuhay ako dahil wala rin naman akong kapatid at wala akong ibang maaasahan.
“Good evening po. Ano pong order nila?” magalang na tanong sa akin.
“Dalawang 6 Bucket na chicken. Dalawang family pan na spaghetti. Dalawang large fries.”
“Ayon lang po ba, Ma’am?”
“Yes po.”
Inabot ko ang bayad at hinintay namin ang order. Gutom na gutom na rin ako, kaya nag-order na rin ako para sa sarili ko. Feeling ko, deserve kong kumain ng ganito karami.
“Ito na po ang order nila. Enjoy po!”
“Thank you,” sabi ko sa kaniya at inilapag ang mga inorder ko sa upuan.
Umalis din kami agad pagkatapos kong makuha ang order ko.
Napapansin kong napapasulyap si Tatay sa pagkain na inilagay ko sa upuan sa tabi ko.
Nang makarating kami sa bahay, kinuha ko yung isang bucket, isang family pan na spaghetti, at dalawang large fries. Inabot ko sa kaniya pagkatapos kong i-separate.
“Para sa inyo ito, Tay,” magalang na sabi ko sa kaniya.
“Po?”
Gulat siyang tumingin sa akin na hindi niya inaakala na may ibibigay ako sa kaniya. Tinanggap niya ito at inilagay sa passenger seat. Nakatingin siya sa binigay ko sa kaniya.
“Para sa akin po ito?”
“Para po sa inyo ni misis niyo po,” nakangiti kong saad sa kaniya. Kumuha ako sa wallet ko ng ₱250 para sa bayad ko at ₱3,000. “Ito po ang bayad ko, Tay.” Inabot ko sa kaniya yung ₱250 at tinanggap niya ito. Nilahad ko naman sa kaniya yung ₱3,000, kaya taka siyang tumingin sa akin. “Tanggapin niyo po itong ₱3,000 para pambili niyo po ng grocery. Dagdag niyo na po sa kita niyo ngayong gabi.”
Umiling si Tatay sa sinabi ko. Hindi niya tinanggap yung pera. Tinuro niya yung pagkain na binigay ko pati yung bayad na ₱250. “Sapat na ito, hija. Sobra-sobra na ’yan. Baka wala ka nang panggastos para sa sarili mo. Ilagay mo na lang sa ipon mo ’yan.”
Hindi ako nakapagsalita agad. Para akong naiyak sa sinabi niya.
Alam kong wala na akong tatay, kaya siguro masyado akong soft-hearted sa mga matatanda na marangal na naghahanapbuhay. O matulungin lang talaga ako.
“Okay lang po, Tay.” Ngumiti ako sa kaniya. “May sapat po akong ipon at gusto ko po talagang tumulong sa inyo. Sa hirap ng buhay ngayon at sa sobrang mahal ng mga bilihin, alam kong mahirap maghanapbuhay ngayon. Alam kong nakakapagod pong mamasada. Kaunting tulong lang po ’yan.”
Biglang lumuha si Tatay sa sinabi ko. Pinilit ko pa siyang tanggapin yung pera. Gusto ko nga siyang bilhan ng grocery, kaso masyado nang gabi at wala na rin akong energy para lumabas pa.
Ilang beses ko pa siyang pinilit at napapayag ko rin siya. Ilang beses siyang nagpasalamat sa akin.
“Pagpalain ka pa sana, hija. Mabuti kang tao. Nawa’y ipagpatuloy mo ’yang kabaitan mo. Kung kailangan mo ng tulong, puwede mo akong tawagan, ha? Mag-iingat ka palagi, ’nak,” masayang sabi nito.
Ngumiti ako sa kaniya at pinipigilan ang luha.
Ang sarap sa pakiramdam kapag may ibang tumatawag sa’yo ng “anak.” Matagal ko na kasing hindi naririnig ’yon, e.
“Ingat po kayo, Tay. Mag-iingat po kayo ng misis niyo po!”
Lumabas na ako ng sasakyan at bumusina pa si Tatay nang tatlong beses bago umalis. Nakangiti akong nagmasid sa papalayong sasakyan niya.
“Ang tagal mo naman.”
Nagulat ako sa biglang nagsalita sa gilid ko. Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko ang lalaking nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. May hawak siyang paper bag. Nakakunot pa rin ang noo niyang lumapit sa akin.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita pagkatapos noong araw na ’yon.
Makalipas ang isang linggo, nandito ulit siya sa harapan ko.
Nakita ko na ulit siya.