Ryven's POV Katatapos lamang naming mag usap ni Raine sa video call ng tumawag ang receptionist para iparating na may gustong makipag usap sa akin at importanteng importante ito. Nagulat ako ng malaman kong si Tanya pala ang kanyang tinutukoy, Napakunot ang aking noo kung paano nya nalaman kung saan nya ako hahanapin. Kung sabagay nahanap nga nya ang mall na pag aari namin. "Sir someone here is looking for you, she said it's very urgent." Wika nya sa kabilang linya. Who is that?" Nagtataka kong ani dahil wala naman akong alam na may kailangang kumausap sa akin na ganoon ka importante. "Sir she said you know her and her name is Tanya Morales." Nagulat ako sa hindi ko inaasahang panauhin kaya wala akong nagawa kung hindi ang bigyan siya ng permiso na paakyatin si Tanya dito sa itaas ng

