Ryven's POV -Continuation of Epidode 61.- Naging masaya ang mga araw na nagdaan sa amin ni Raine kasama ang aming mga anak. Nandirito pa rin kami sa Coron at napag usapan na din namin na soon ay kinakailangan na rin naming bumalik ng manila dahil sa mga natambak naming trabaho. Nakasundo na rin namin amg kaniyang kapatid at masaya ako na nakapag paliwanagan kaming lahat tungkol sa mga nangyari. Hinding-hindi ko na hahayaan na masaktan pang muli si Raine at isa sa mga araw na ito ay kailangan ko ng ipagtapat kay Raine ang tunay kong nararamdaman na kahit na hindi pa rin siya naaalala ng aking isipan ay naaalala na siya ng aking puso. Soon ay kailangan na rin niyang malaman na mahal na mahal ko din siya. Mahal na mahal at pakiramdam ko ay ikamamatay ko kung mawawala siyang muli sa aking bu

