Raine's POV Dalawang linggo na kami dito sa Coron Palawan at kahit papaano ay nakakalimutan ko na ang sakit na ginawa sa akin ni Rye. Nalilibang ako dito lalo na kasama ko ang aking mga anak, kapatid, si kuya Ray at ang aking bestfriend kong si Adrian. Naglalakad-lakad ako dito sa gilid ng dagat ng naka apak, hawak-hawak ko ang aking sandals dahil masarap sa pakiramdam na maramdaman ang mumunting pinong puting buhangin sa aking talampakan at pagkatapos ay naupo ako pinakatitigan ko ang malawak ng karagatan. Namimiss ko na si Rye, ngunit kailangan kong paglabanan ang nararamdaman kong ito para sa kanya. May iba na siyang mahal at sigurado ako na masaya na sila ngayon. Ang lupit talaga ng tadhana sa akin, nuong una ay inakala kong namatay na ito at kaya tagal kong iniyakan ang puntod na i

