chapter 3 normal life 1

1369 Words
nagising si shin kinaumagahan dahil may tumatapik sa kanyang paa,dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mata at nakita nya ang kanyang mommy lou. pero parang subrang bigat ng pakiramdam nya kaya pumikit ulit sya narinig nyang naglakad ito palabas at sinara ang pinto kaya nakatulog ulit sya.pero naroon pa rin yung mabigat na pakiramdam nya na parang may nakapatong sa kanya. pinilit nyang imulat muli ang kanyang mga mata at pinipilit na bumangon ngunit hindi sya makakilos,mayamaya may umungol sa tabi nya at parang lalong humigpit ang mabigat na nakapatong sa kanya. nang tuluyang magising saka nya nalaman na ang kanyang kuya teddy pala ang umuungol sa tabi nya at nakapulupot ang braso nito sa kanyang tiyan at nakadantay ang mabibigat nitong hita sa kanya. "kuya ang bigat mo naman", "hmmmmm"...ungol na sagot ni teddy at mas lalong humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya. "kuya anu ba iihi ako sa kama mo isa!",banta nya rito. "umihi ka basta labhan mo pagkatapos"pamimilosopo ni teddy. "bitaw na please!",sabay tulak ng malakas at muntik pang mahulog sa kama si teddy. "wag mo naman gamitin sa akin ang pagka amazona mo sweet heart pag ako nabalian mawawalan ka ng Trainor sa martial arts training mo", "eh di wala kung wala!",sabay takbo sa banyo. Nagmamadaling naligo si shin dahil ngayon na sya uuwi sa kanila.nakahanda na sya sa anumang galit o pananakit ng kanyang ama.nang matapos magbihis at mag ayos ng gamit lumabas na sya Ng kwarto habang tulog pa rin ang kanyang kuya teddy. "good morning manang",bati nya sa kasambahay. "good morning din iha ang aga mo gumising", nakangiting bati din nito sa kanya. "Hindi pa po gising si mommy? "Hindi pa,maya maya pa yun maaga pa". "ok po sa garden lang ako manang". nagtataka si shin panung tulog pa ang kanyang mommy lou samantalang ginising sya nito kanina lang "nananaginip ba ako?pero si mommy lou yun eh cgurado ako sya yun".kausap nito sa sarili. hindi sya mapakali sa kinauupuan dahil sa kakaisip Kung totoong ginising sya ng kanyang mommy lou. kaya ipinikit nya ang mata at pilit na binabalikan ang mukha ng gumising sa kanya. pero hindi malinaw kasi antok pa sya at nanlalabo pa paningin nya. "hyst anu ba shin nababaliw kana ba"? naitanung nya sa sarili ng wala ng maisip. "problema?" "ay palaka!!!...anak ka nanay mo! kuya naman"!. sa lalim ng iniisip hindi na nya namalayan na nakaupo na pala ito sa tabi nya at subra syang nagulat ng magsalita ito. "sa lalim ng iniisip mo hindi mo na namalayan na nakaupo na ako dito". "kanina ka pa ba kuya"?. "kanina pa po,anu ba kasing iniisip mo,may problema ka ba?"anitong matiim ang tingin sa kanyan. " wala akong problema kuya, ihahatid mo ba ako sa amin"? "ok mag breakfast na tayo para maihatid kita ng maaga". "may pasok ka na ngayon kuya?". "sa monday pa sweet heart bakit"?. "wala naman nagtatanung lang,masama"?. "ofcours not,manang breakfast na kami". "nakahanda na sir coffee nyo na lang ang kulang tawagin ko lang sila ma'am". "manang kami lang muna ihahatid ko kasi si shin sa kanila alam na nila na maaga kaming aalis". "ok sir handa na po", "thanks manang sabay na kayo sa amin",. Habang nasa byahe pauwi tahimik si shin at nag iisip sa mangyayari pagdating nya sa kanila. kung mapapagalitan lang ba sya o masasaktan na naman sya ng pisikal. kilala nya ang tatay nya kahit na dalaga na sya ay pinabubuhatan pa rin sya Ng kamay nito at wala rin nagagawa ang kanyang ina. Dahil pariho silang nasasaktan oras na awatin ito ng kanyang ina.tahimik lang din si teddy na nakamasid sa kanya.ramdam ni shin na pinagmamasdan sya ni teddy kaya ibinaba nya ang kanyang upuan at nahiga sya,para maitago rito na malalim ang iniisip nya. alam nyang nababasa nito ang mga galaw nya.alam nya rin kung panu basahin ang kilos ng tao dahil itinuturo sa kanya ni teddy lahat ng nalalaman nito lalo na sa martial arts.at ito rin ang personal Trainor nya. pati pag gamit ng ibat-ibang weapon ay tinuturuan sya nito simula ng mag 12 years old sya. at sa edad na 16 na achieve na nya ang Black Belt – Master Status. after 4 years as a practicing 4th Dan Black Belt. "sweet heart we're here wake up". "hmm...Ang bilis naman". "mabilis na ba ngayon ang isang oras,"natatawang tanung din ni teddy. "whatever dude",mataray na sagot ni shin. "baba na magtataray pa eh". "ingat pauwi kuya bye,at tsaka wag mo na akong sunduin sa monday ha,,". "teka lang!basta ka lang lalayas eh yung bag mo oh,at bakit hindi kita susunduin sa Monday hindi ka papasok!", anitong nakataas ang boses. nagulat si shin sa pagtaas ng boses nito at nakanganga lang na hindi lumabas ang boses sa gustong sabihin kay teddy. "close your mouth laway mo para kang tanga"! . lalong naasar si shin kaya sinuntok nya si teddy sa mukha kaso hangin ang tinamaan nya. " welcome back sweet heart, I'll see you on Monday morning I'll fetch same time"...natatawang turan nito sabay halik sa kanyang ulo. "hi tito Albert,mano po paalis na po ako hinatid ko Lang po si amazona". tango lang ang sinagot ng kanyang tatay at naglakad na si teddy paalis pag tapat kay shin ay nakangiti ito,Hindi nya alam na papatirin sya ni shin kaya na out of balance sya at tuluyang bumagsak sa lupa. "one down".ani shin na seryoso ang mukha. walang kibo si teddy ng tumayo at nakaisip din Ng kalokohan nagkuwaring syang pilay at walang lingon na umalis.na guilty si shin sa ginawa at nag alala na baka napanu ito. tatawagan sana si teddy kaso tinawag sya Ng kanyang tatay kaya itinago ulit Ang phone sa kanyang bag. "Anu ba ang usapan natin shin?" "s sorry po tay hindi na po mauulit." " talagang hindi na dahil mula ngayon dun kana titira sa bukid,at mananatili ka dun hanggang matapos ang anihan o hanggang sa gusto ko!. sigaw ng tatay nya sa kanya. "tatay panu po ang school ko"?.Ani shin sa kanyang ama. "Hindi ko na problema yun Gaga!, Ang gawin mo pumunta ka na sa bukid dahil nagpapaani Ang nanay mo dun tulungan mo para may pakinabang ka bilisan mo na at sasamain ka sa akin!".sigaw ng kanyang ama. walang nagawa kundi ang sumunod sa ama, Ang kanyang ina lang at ang kanyang daddy Al ang dahilan Kung bakit mahigpit pa rin ang kapit ni shin para pigilin Ang sarili na labanan ang ama. kaya hanggang sa kaya ay nagpipigil nya ang sarili. nang makarating na sa bukid ay pagod at pawisan ito sa layo ng nilakad. inumpisahan nya agad Kung anu ang kanyang gagawin para may matapos sya kasi baka biglang dumating Ang tatay nya.mabuti na nga lang at sigaw lang ang inabot nya na pinagtataka nya rin. dati kasi kahit napakaliit lang na dahilan ay halos patayin sya nito sa bugbog. kaya napausal sya ng pasasalamat sa dyos. "Sana payagan mo pa rin ako tay na matapos ang pag aaral ko isang taon na lang naman".kausap nya sa sarili habang nag gagapas ng palay. "ate shin tawag ka ng nanay mo kanina pa hindi mo ba narinig?"Ani jomar ang binatilyong anak ng kanilang trabahador. "cge susunod na ako mauna kana" "cge ate"anito at umalis na. matapos kumustahin ng ina ay pinaghain sya nito ng tanghalian.hindi na nya namalayan ang oras kakaisip ng gagawin kung para sa pag aaral nya at sumisingit din sa isip nya ang babae sa hospital at si mia. "anak may problema ka ba kanina ka pa tulala",tanung ng kanyang ina. "wala po inay tungkol lang po sa school". "anak ngayon ka lang nagkaganyan kaya alam kong hindi Yan sa school,ina mo ako shin at handa akong unawain ka". "nanay",,,at napahagulgol si shin. Hindi na nakapag pigil pa shin at umiyak na ng umiyak habang yakap ang ina.mula ng magka isip ngayon lang sya umiyak ng todo sa harapan ng ina... "anak handa akong makinig".turan ng ina. nanatiling umiiyak si shin iniisip kong tama ba na sabihin sa ina o sya na mismo ang gagawa ng paraan para malaman ang gusto nyang malaman. pero naisip nya na masasaktan ang ina pag binaliwala nya ito para sa respito sa ina kaya dito sya magsisimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD