"manang si shin pakigising please".ani teddy habang nagtitimpla ng kape.
"ay sir maaga umalis may lalakarin lang daw".ani manang rosa ka teddy.
"kumain ba manang bago umalis"?
"yes sir at sya rin ang nagluto ng breakfast nyo,hindi ko akalain na marunong magluto ang batang yun."
"si shin ang nagluto sigurado ka?namamangha din sa pagkagulat si teddy.
"yes sir pag gising ko nakapagluto na sya paalis na nga".
"what's happening here"? aning mommy ni Teddy.
"good morning mom,dad si shin ang nagluto ng breakfast".sagot ni teddy.
"really where is she,rosa tawagain mo na shin para sabay sabay na tayo mag breakfast".utos ni Alvin sa kasambahay nila.
"daddy maagang umalis si shin,pag gising ko nakalis na sabi ni manang".turan ni teddy sa ama.
"nagpahatid ba sa driver"?tanung ng mommy nya.
"Hindi ma'am kasi sandali lang daw sya".ani manang rosa.
kahit kailan ay hindi sumagi sa isip nila na marunong ito magluto.dahil puro lang ito aral pag nasa bahay walang oras sa ibang bagay.
kaya naman namamangha sila dahil first time na nagluto ito sa kanila.
samantala kausap na ni shin ang manager ng fast food na papasukan nya.inayos nya na rin pati ang schedule nya sa school.kaya anytime ay pwede na sya magsimula sa pag papartime job nya.sya lang ang nakakaalam sa mga gagawin at plano nya buhay hindi sya kumunsulta kahit kanino sa pamilya nya.
parang nawalan kasi sya ng tiwala sa pamilya nya simula ng mangyari ang pagtatapat ni teddy ng damdamin nito sa pamilya nya.kahit ang nanay nya hindi na nya maintindihan pakiramdam nya hinusgahan din sya ng kanyang nanay.kaya lahat ng plano nya ay sinasarili nya na lang.at naging tahimik ang dating mataray na pag uugali pati ang pagiging amazona nawala napalitan ng tahimik at malungkot na pagkatao,higit sa lahat ay parang wala ng pakialam sa kahit na anung bagay.
"finally umuwi ka rin".galit na bungad ni teddy.
buong akala ni shin tulog na ang lahat ng umuwi sya galing sa trabaho.closing kasi sya kaya inabot sya ng madaling araw.at hindi nya alam na naghihintay si teddy sa pagdating nya.
"sorry sa abala,pahinga na ako".ani shin sabay talikod sa kausap.
"where have you been"?
"school"?sagot nitong patanung din.
"so inaabot na pala ng madaling araw ang schedule mo sa school?".
"pwede na ba magpahinga?"tanung ni shin na hindi pa rin humaharap kay teddy.
"ibigay mo sa akin ang schedule mo ako ang maghahatid at susundo sayo mula bukas".turan nito sa mataas na boses.
nag init ang sulok ng mga mata ni shin sa tinuran ni teddy,pero naalala nya na nangako na sya sarili na hindi na sya iiyak.pakiramdam nya hindi sya malaya na magpasya para sa buhay nya at walang nagtitiwala sa kanya.kaya subra syang naiinis sa paraan na pagtatanong ni teddy sa kanya.
"kung gusto mo ikadena mo na rin ako, alam ko naman na wala kayong tiwala sa akin".galit na baling nya kay teddy.
"sweet heart nag aalala lang ako sayo, madaling araw na kanina pa kita tinatawagan ni hindi mo sinasagot ang phone mo". anito sa mababang boses na.
" iba ang pag aalala sa tiwala, sabagay sinu ba naman ako para pagkatiwaan di ba".
tumalikod shin at pumasok na sa silid nito dahil pagod at antok na antok na.naiiling si teddy na pumunta sa kusina para ipagtimpla ito ng gatas kahit naiinis hindi nya matiis ito na hindi asikasuhin sa pangangailangan Lalo at nakikita nya ang pagod dito kahit hindi magsalita.pagpasok sa silid ni shin dala ang gatas nakita nyang nakadapa ito sa kama at hindi man lang nagbihis.tinapik nya ng ilang beses ngunit tulog na tulog na ito at may luha ang mga mata.gaya ng dati binihisan nya ito ng pantulog at inayos ang pagkakahiga.
"Kung pwede ko lang kunin ang sakit na nararamdaman mo shin ginawa ko na mahal na mahal sweet heart".ani teddy habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni shin.
nagising si shin kinabukasan dahil may tumatapik sa balikat nya.pagmulat ng mata nakita nya si teddy na nakaupo sa tabi nya at nakangiti sa kanya sabay halik sa kanyang noo.
"good morning sweet heart,".anitong nakangiti at buong pagmamahal na hinalikan sya ulit sa pisngi.
nagtalukbong sya ng kumot sabay talikod dito, namimis nya ito ngunit kailangan nyang iwasan ito para sa ikatatahimik ng lahat.
"sweet heart wake up,we need to talk please.".anito sabay yakap sa kanya.
Lalo syang naiinis dahil umiiwas na sya pero ito lapit pa rin ng lapit.at walang pakundangan kung mangyakap sa kanya at humalik.
"sweet heart may training tayo,bangon na".
tinanggal nito ang kumot at pilit syang pinapabangon nito.
"stop it please!"sigaw ni shin na ikinagulat nito.
wala itong kibo na tumayo sa paanan ng kama nya at nakatingin lang sa kanya.umupo sya sa kama at matapang na hinarap ito.ngunit nagtataka sa sarili dahil nakapantulog na sya ng damit.at hindi nya naalalang nagbihis sya kagabi.
"binihisan kita kagabi basta ka lang natulog ni hindi ka naglinis ng katawan mo".balewalang turan nito na seryosong nakatingin sa kanya.
"tsk kaya ko na ang sarili ko,17 years old na ako hindi na bata na kailangan mo pang bihisan, paliguan at ipagtimpla ng gatas".nakaangil nyang sagot.
"shin aalagaan kita hanggat gusto ko at walang makakapigil sa akin,kahit ilang taon ka pa,hayaan mo na lang ako masaya ako sa ginagawa ko,at hindi ko binastos ang katawan mo kahit kailan nakatingin ka man o hindi buo ang respeto ko sayo".seryosong paliwanag nito sa kanya.
pag ganito ang nangyayari ay lumalambot ang puso nya at hindi nya rin maintindihan ang sarili kung minsan o mas madalas na hinahanap nya ang pagaasikaso nito sa kanya.
"thank you pero hindi mo na kailangan gawin dalaga na ako eh".nahihiyang paliwanag ni shin.
"so are we ok now"?tanung nito sa kanya.
"the last time I check ok naman tayo,wala naman akong natatandaang hindi tayo okay".sagot ni shin.
"ok,so get up,do your morning rituals, change your clothes and let's have breakfast, they're waiting downstairs.
"then"?
"what"?
"hindi ako mag titraining titigil na ako."
"why"?!.gulat na tanung nito.
"nakakapagod lang",.anitong wala sa sariling tumayo at pumunta ng bathroom.
nagtataka si teddy sa kanyang pagbabago halos hindi na nga sila nagkikita kita kahit nasa iisang bahay lang sila.at parang hindi na nya rin naririnig na tinatawag syang kuya nito.ramdam nyang nagbago ito at iniiwasan sya, nalulungkot sya na iwasan ng pinakamamahal nya.pero wala syang magagawa hindi nya rin ito maaaring pilitin kung ayaw na nitong ipagpatuloy ang training sa martial arts.kaya nag pasya syang hahayaan nya muna ito dahil may pinagdadaan pa.
simula ng mag quit sya sa martial arts training nya hindi na sya nakarinig pa ng kahit na anu mula kay teddy.mas naging busy sya sa partime job nya bilang service crew sa isang sikat na fast food.at ngayon ay pinasok nya rin ang pagbabanda.kaya lalong naging busy sya.maaga umaalis ng bahay at hating gabi na kung umuwi minsan inaabot pa Ng umaga.kaya hindi na sila halos nagkikita pa sa bahay at hindi nya rin namalayan na bumababa na ang grades nya.at umabot na ang balita kay teddy dahil ito ang nagbabayad ng kanyang tuitions.lingid sa kanya alam ni teddy lahat ng nangyayari sa buhay nya,ginamit nito ang pagiging police para masubaybayan sya sa lahat ng oras.umupa ito ng taong nakabantay sa kanya na hindi nya alam kaya kahit hindi nagkikita alam nya ang nangyayari sa buhay ni shin.
nag alala si teddy sa pagbaba ng grades ni shin lalo na at graduating ito. kailangan nya itong kausapin para makapg focus sa pag aaral.
"teddy anak wala pa ba si shin"?
"wala pa dad ako na lang kakauap sa kanya pahinga kayo,it's late you have a meeting tomorrow morning".
"okay anak,wag mong masyadong pagalitan baka lalong magtampo sa atin ikaw din".sabay kindat at makahulugang tingin ng ama.
"daddy... bakit hindi nyo pa kasi sabihin ang totoo nahihirapan yung tao, pati ako pilit na iniiwasan".malungkot na turan ni teddy sa ama.
"anak,ang ina at ang kapatid nya ang manganganib pag pinangunahan natin sila,pag nasa maayos na ang lahat malalaman nya rin."
anito sa anak.
"sige na daddy pahinga na kayo,ako na bahala kay shin, good night dad".
"good night son".
"anung totoo ang pinag uusapan nila ni daday Al,ako kaya ang pinag uusapan nila"?.tanung ni shin sa sarili habang nakikinig sa usapan ng mag ama.
Hindi nila alam na kanina pa nakikinig si shin sa usapan nilang mag ama.ayaw lang talaga nito na magtagpo tagpo sila kaya nanatili ito sa labas nakakubli sa madilim na bahagi ng bahay nila.nanatili sya sa pinagkukublihan kahit pagod at antok na nagtitiis sya para lang makaiwas.ganyan ang naging routine nya sa halos mag iisang taon ng buhay nya. magkakasama sila sa bahay pero wala syang balita kong anu na ang nangyayari sa mga kasama nya sa bahay,sa pamilya nya at sa best friend pinili nyang manahimik isipin ang sarili at maging makasarili natatakot syang mahusgahan oras na makaharap ang mga taong iniiwasan nya.
kaso umaga na ni hindi umalis si Teddy sa living room kaya hindi rin sya pumasok ng bahay.umikot sya sa likod bahay at nakita nya ang maliit na bench at doon pinagkasya ang sarili para kahit papano ay makatulog dahil may pasok pa sya sa school.
samantala alam ni teddy na nasa bahay na si shin dahil sa report ng agent na kinuha nya para bantayan si shin,pero umaga na wala pa rin shin na pumapasok ng bahay kaya tiningnan na nya ang CCTV.at nakita nga ni teddy si shin na nakakubli sa madilim na bahagi ng kanilang bahay at pasilip silip lang ito sa loob ng bahay.hanggang naglakad ito papunta sa likod bahay at doon sa maliit na bench pinagkasya ang sarili at natulog.binuhat nya at inilipat sa silid nito.pagkatpos palitan ng damit at iayos sa pagkakahiga ay tinabihan nya ito,at niyakap para magising sya kaagad at hindi sya nito matakasan.dahil kailangan nya itong makausap.
"uhhhmmmm", ungol ni shin sabay inat ng mga braso ng marinig ang tunog ng kanyang alarm.
ngunit may nakadagan sa kanya at ang bigat kaya kinapa nya para malaman kung anu.at bago pa nya makapa ay umungol na ito kaya alam nyang tao ang nakadagan sa kanya.nakayakap ito ng mahigpit,nakadagan ang isang hita sa kanya at nakasubsub sa kanyang leeg ang mukha nito.iginala nya ang paningin sa kwarto at alam nasa kanyang silid sya.
"kuya!!!!".sigaw nya sabay tulak.
ngunit umungol lang si teddy at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at hindi sya makawala dito na halos hindi na sya makahinga.lalo syang nairita dahil nakikiliti sya sa hininga nito na tumatama sa kanyang leeg.
"kuya may baril ka di ba"?tanung ni shin kay teddy.
"why"?gulat at napaangat ng ulo si teddy.
napapikit si shin dahil halos mahalikan na sya nito sa lapit ng labi nito sa labi nya.
"parang awa mo na hiNdi ako makahinga sa yakap mo at nakadagan ka pa sa akin,kung gusto mo akong patayin barilin mo na lang ako para mas madali". anitong nakapikit pa rin.
nagulat sya ng lalong humigpit ang yakap nito at halikan sya sa gilid ng kanyang labi at halos ayaw ng alisin ang labi nito sa doon.hindi sya nakagalaw sa ginawa ni teddy.napamulat sya Ng mata ng may tumulong tubig sa pisngi nya at nakita nyang umiiyak si teddy.