PIERES KEN SUSON P.O.V Sa paghahanap ko kay Venus ay natagpuan ko naman ito ngunit kamukha niya lamang pala ito na noong una ay hindi pa ko naniniwala dito pero ng sabihin nito sa akin na hindi talaga siya si Venus at maaring nakabalik na ito sa kanyang panahon ngayon dahil sa muli daw nitong paghiling sa mahiwagang kandila na binigay daw sa kanya ng matandang babae na kanyang tinulungan noon. "Alam mo ba Ken na crush na crush kita noon, ngunit ngayon ay nagbago na iyon dahil si Kairo na talaga ang nag-mamay-ari nitong puso ko, kaya lamang ay sinaktan niya ako ng sobra ng makita ko silang dalawa ng kanyang pinsan na naghahalikan kaya naman umalis agad ako ng palasyo at dala ang nag-iisang kandila na natira sa binigay sa akin ng matanda at humiling dito na ibalik na lamang ako dito sa ati

