CHAPTER:6

2307 Words
Third person P.O.V Si Gwen ay isang dalaga na nangangarap na mapansin at maging asawa ng isang Pieres Ken Suson. Ngayon nga ay papunta ito sa isang store ng sikat na bilihan ng mga dunot para bumili ng standee ni Ken na talaga naman dumayo pa ito para lamang makabili nito. Excited pa ito sa byahe at nagmamadali na makasakay ng bus para makapunta sa isang malaking store ng dunkin dunot sa bansa kung saan ay isa din sa mga malaking endorser nito ay ang sikat na PPOP BOY GROUP sa bansa na MAHARLIKA. Nang makabili na ito at palabas na ng store ay may isang matanda ito na nakita at dahil naawa ay agad itong nilapitan nito para tulungan at bigyan ng pagkain dahil tila gutom na gutom ito. "Lola okay ka lang po ba?" Tanong ni Gwen dito ng malapitan niya ang matanda. "Okay naman ako apo ang gusto ko lamang sana humingi ng kahit kunting makakain,dahil gutom na gutom na talaga ako at nanghihina na din."Sagot ng matanda kay Gwen kaya naman agad niya na ibinigay dito ang dalawang dunot na binili at isang maliit na bote ng mineral water na binili niya din sa loob ng store kung saan niya nabili ang standee ni Ken. "Ito po Lola, pasensya na po kayo dahil ito lang ang maibibigay ko sa inyo dahil naubos na po ang aking pera,pero heto po ang isangdaan bumili po kayo ng makakain ulit sa daan." Wika ng dalagang si Gwen sa matanda na ngayon ay kinakain na ang dunot na binili niya para sana kainin sa byahe. "Maraming salamat apo,napakabuti mo sa mga taong nangangailangan ng tulong,sandali lamang at may kukunin ako,ito tanggapin mo IHA,bilang gantimpala sa iyong kabutihan sa akin ngayon."Sabay abot nito ng dalawang makukulay na kandila kay Gwen na naguguluhan pa sa ibinibigay sa kanya ng matandang tinulungan. "Naku Lola itago niyo na lamang po iyan,dahil kaya ko naman po na makabili ng kandila, sambit dito ni Gwen ng nakangiti. "Kunin muna ito apo,mahiwaga ang mga kandila na ito at kapag humiling ka dito ng kahit ano ay tinutupad nito basta't maging mahusay ka lamang sa hihilingin mo dito dahil wala na itong bawian, naiintindihan mo ba apo!" Paliwanag dito ng matandang tinulungan. "Sige na nga po Lola kukunin ko na po ito pero sandali lamang po at may ibibigay din ako sayo,wika dito ng dalagang si Gwen. Pero ng makuha na ni Gwen ang isang bracelet na binili pa nito sa baclaran ng minsan itong nagsimba doon. "Lola na saan po ba kayo?" Tawag ni Gwen sa matanda dahil bigla na lamang itong nawala na parang. Saan kaya napunta si Lola ang bilis naman niyang maglakad, hindi ko na tuloy naibigay sa kaniya ang aking bracelet na binili sa baclaran. Sana lamang ay makauwi ito ng ligtas kung saan man ito uuwi,bulong sa isipan ng dalaga,pero lingid sa kanyang kaalaman ay nasa paligid lamang ang matandang tinulungan. "Ikaw ang aking napili Gwen na susubukin at sana ay ikaw na ang hinahanap." Sambit ng matandang tinulungan ni Gwen at tuluyan na itong naglaho. Habang ang dalagang si Gwen naman ay pauwi na sa kanyang tinutuluyan na apartment,ulilang lubos na kasi ito kaya mag-isa na lamang na binubuhay ang kanyang sarili,isa itong flight attendant sa isang malaking airport sa bansa. Pagdating sa kaniyang apartment ay agad na itong nagluto ng makakain niya ng bigla naman na nawalan ng ilaw kaya agad itong naghanap ng kandila at isa sa mg binigay sa kanya ng matandang tinulungan ang nakuha nito sa kanyang bag,agad niya itong sinindihan at nais malaman kung totoo ba ang sinasabi sa kanya ng matandang tinulungan ay humiling nga siya dito. "Mahiwagang kandila kung totoo man na may hiwaga ka nga ay tuparin mo sana ang aking hiling maging asawa ako ng isang Pieres Ken Suson,kahit pa hindi sa panahon na ito, tatanggapin ko kahit anong panahon basta't maging asawa ko lamang siya,,hiling ni Gwen sa mahiwagang kandila na agad naman na tumingkad ang kulay nito na animo isang liwanag na nagmunula sa kung saan. Sa ginawa ni Gwen na paghiling sa mahiwagang kandila ay bigla na lamang tila umiikot ang buong paligid nito hanggang sa mahilo ito at tuluyan nawalan ng malay ng hindi nito nalaman kung paano siya napunta sa sinaunang panahon,dahil.tulad ng kahilingan nito sa mahiwagang kandila ay tinupad nito ang kanyang kahilingan na maging asawa anv isang Pieres Ken kahit pa hindi sa kanyang panahon. "Sana lamang ay mapanindigan mo Gwen ang hiniling mo sa mahiwagang kandila dahil may mga taong nabago din ang kapalaran dahil sa iyong kahilingan,.wika ng babaeng kanina pa pala nagmamasid kay Gwen. Ang dalagang si Gwen naman ay napunta nga sa ibang panahon tulad ng kanyang kahilingan na gusto nito maging asawa si Ken kahit pa hindi sa kanyang panahon. Nang magising si Gwen ay nanibago ito sa kanyang mga nakikita,dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kanyang nakikita. Habang ang kapalit naman ng ginawa niya na kahilingan ay ang pagkakapalit nila ng mundo ni Venus ang babaeng napunta sa kasalukuyan na panahon,kung saan ito ngayon ay hindi din alam nito kung paano siya muling babalik sa kanyang sariling panahon. Gwen Stefani Schaefer P.O.V Anong ginagawa ko dito, aking pinili na iniisip kung ano ang ginawa ko at napunta sa lugar na ito na tila na makalumang panahon ako,tanong ko sa aking sarili na halos hindi makapaniwala ngayon sa aking mga nakikita. Inillibot ko pa ang aking paningin sa paligid at tila ako maiiyak ng maalala ko ang aking kahilingan sa mahiwagang kandila na nais ng aking puso na maikasal at maging asawa ng isang Pieres Ken Suson,pero anong. ginagawa ko sa panahon na ito,wala naman dito si Ken kaya dapat makagawa na ako ng paraan kung paano makakabalik sa aking panahon. "Binibining Venus!" Tawag ng isang babae na papunta sa akin at may kasama pa itong dalawa pa na parehas ang kanilang mga damit , hindi ko naman sila sinagot dahil hindi naman Venus ang aking pangalan,kaya tinalikuran ko na lamang,pero bago pa ako makahakbang ulit ay tinawag na naman nito ang pangalan ng isang babae at nagpalinga linga ako para tingnan kung sino ba ang tinatawag nila,pero ang kanilang mga mata ay sa akin nakatingin,so ako si Venus sa panahon na ito. "Ako ba ng tinatawag niyo?" Tanong ko na sa kanila para malaman ko kung ako ba talaga ang sinasabi nilang Venus. "Ikaw nga binibini, hinahanap ka na ng inyong ama at Ina sa bulwagan ng inyong tahanan dahil ngayon daw po ang araw ng pagbisita sa inyo ng mahal na prinsepe Kairo." Sagot sa akin ng babaeng tila kasing edad ko lang din naman sumunod na lamang din ako sa kanila kaysa ako ay mapahamak sa lugar na ito. "Halika na binibini at saan ka ba nagparoon at napakadumi mo at bakit ganyan ang iyong kasuotan napaka ikli,, heto suotin mo muna ang akin pangdobleng kasuotan,dahil baka mahimatay ang inyong Ina kapag nakita kayong nakasuot ng ganyan,saan niyo po ba nakuha ang kasuotan na iyan?" Sunod-sunod ng babaeng ito sa akin na hindi ko din alam kung sino siya,pero saka ko na lamang aalamin kung ano sino ba siya kapag nalaman ko na kung saan ba nila ako dadalhin na tahanan daw. Isinuot ko na din ang ibinigay nitong isang mahabang tila jacket na tinulungan niya pa ako na maisuot ito sa akin. "Hindi ko din alam kung bakit suot ko ang kasuotan na ito ngayon, nagising na lamang ako na suot ko na ito." Sagot ko na lamang sa babaeng nagtatanong sa akin kung bakit ganito ang aking kasuotan ngayon para hindi na nila malaman muna na hindi ako ang Venus na tinutukoy nila at tinatawag na binibini. "Kung ganoon ay kailangan na natin makabalik sa inyong tahanan ngayon din binibining Venus,wika pa nito ulit sa akin, "Sumakay ka na dito binibini!" Utos pa nito sa akin na pinapasakay ako sa isang tila karwahe na sa mga pelikula ko lamang nakikita. Sumakay na lamang din ako at umandar na nga ito,nakikita ko sa labas ang mga tao na abala din sa kani-kanilang mga ginagawa, napakamakaluma ng lugar na ito at nasaan ba dito si Ken my loves,niloloko naman ako ni Lola na mahiwaga talaga ang ibinigay nito sa akin na kandila na aking ginamit kagabi dahil ng nawalan ng kuryente,at dahil nga gusto ko din malaman kung totoo ba talaga ang sinabi nito sa akin ay aking sinubukan na humiling at dito na nga ako dinala ng aking kahilingan. Hanggang sa tumigil ang aking sinasakyan at inalalayan naman ako na bumaba ng babaeng kanina pa nagtatanong sa akin na sa tingin ko ay aking makakasundo naman. "Venus,mabuti naman at nakabalik ka na anak ,halos kagabi pa kami naghahanap sayo ng walang tigil,saan ka ba nanggaling anak?" Tanong sa akin ng isang napakagandang babae na sa aking tingin ay ang Ina ni Venus sa panahon na ito. "Paumanhin po Ina,kung pinag-alala kita ng labis,sagot ko dito na aking pinilit na din na magsalita ng malalalim na pananalita na kanilang ginagamit sa panahon na ito. "Mabuti naman IHA at walang nangyari na masama sa iyo sa paglabas mo ng walang sinuman na kasama sa ating mga tagapaglingkod at maging si Mari ay hindi isinama sa iyong pag-alis,paano nalang kung may nangyari sayo na masama ay hindi namin ng iyong Ina ang gagawin namin kung mawawala ka sa amin, nag-iisa ka namin na anak kaya naman sana ay naiintindihan mo din kung bakit kami ganito kahigpit sayo lalo na ngayon na malapit na ang pag-iisang dibdib ninyo ng mahal na prinsepe at bilang pinili na susunod na magiging Reyna ay dapat na alam mo ang tungkulin mo sa ating mamayan Venus." Mahabang litanya sa akin ng isang lalaki na bagama't bakas na sa kanyang mukha ang katandaan ay napakakisig pa din nito at sa kanya ko nakikita ang aking sarili na kung naging babae ito ay kamukhang-kamukha ko ito. "Patawad po aking Ama, h'wag po kayong mag-aala dahil hindi ko na po uulitin ang aking ginawang pag-alis kanina."Sagot ko na lamang dito,dahil sa aking tingin ay ito din ang ama ng Venus na kanina pa nila binabanggit sa akin. "Sige na IHA maligo ka na dahil malapit na dumating ang mahal na prinsepe para pag-usapan ang magiging kasal ninyo dalawa." Wika pa nito sa akin muli na ikinagulat ko na din,dahil ang Venus pala na tinutukoy nila ay ikakasal na sa isang prinsepe,at hindi ako maaring maikasal dito dahil ang aking gusto lamang na pakasalan ay tanging si Ken my loves lamang at hindi kung kanino man. "Mari linisin niyo na ang aking anak ng maayos dahil kailangan na maging presentable siya mamaya sa pagharap sa mahal na prinsepe!" Utos pa ng ama ni Venus sa mga tagasunod nito. "Halika na po binibining Venus dahil kailangan na daw po ninyong malinisan,at kailangan na matapos agad po kayo dahil tulad ng sinabi ng inyong ama ay padating na ang makisig natin na prinsepe na inyong mahal na mahal tulad ng lagi mong sinasabi sa akin binibini." Sa sinabi ni Mari ngayon ay mahal pala ng Venus na iyon ang mahal na prinsepe na kanilang tinutukoy kanina pa sa akin, sumunod na lamang ako dito kung saan ang paliguan na tinutukoy nito. "Binibini tatanggalin ko na po ang inyong mga kasuotan ng sa gayon ay malinisan na natin ang buong katawan mo ngayon, sambit nito sa akin na agad ko na ikina-iling dahil kaya ko namaymaligo mag-isa ng walang tumutulong sa akin,kaya ng akmang tatanggalin nito ang aking damit ay pinigilan ko ito na bakas din sa kanyang mga mata ang pagkagulat sa akin ginawa na pagpigil dito. "Kaya ko na ang aking sarili at hindi niyo na kailangan pa na tulungan ako sa aking paliligo." Nakangiting saad ko dito dahil nakakaluka ang mga tao dito na ultimo paliligo ay kailangan may katulong pa din. "Ngunit binibini anong nangyayari sayo at bakit tila ayaw mo na paliguan ka namin na madalas naman tuwing naliligo ka ay kami ang nagbibihis at nagtatanggal ng inyong kasuotan,bakit ngayon ay ayaw muna?" Tanong pa nito sa akin na bakas sa kanyang mukha ang lungkot. "H'wag ka ng malungkot,gusto ko lamang na subukan na maligo na walang sinuman ang aking kasama,dahil kung tutuusin ay kaya ko naman Mari,kaya sabihan mo na din ang mga kasama mo magpahinga na lamang muna kayo at huwag niyo na din sabihin pa sa aking ama at Ina ito naiintindihan mo ba?" Sagot ko dito ng nakangiti at nagbilin na din na huwag itong malaman ng ama at ina ni Venus,dahil habang hindi ko pa nalalaman kung paano ako makakabalik sa aking panahon ay kailangan na dito muna ako para naman maging safe din at nabuo sa aking isipan na kailangan ko muna na magpanggap bilang si Venus,dahil ito lamang ang tanging paraan para manatili ako sa lugar na ito. Habang papalapit ako sa paliguan na puro bulaklak at napakabango nito na nanunuot sa akin ilong na tila kapag ako ay nagbabas dito ay kakapit sa aking katawan ang amoy nito. Grabe naman ang Venus na ito isa pala siyang living princess sa panahon na ito na totoo naman,dahil.malapit na itong ikasal sa sinasabi nilang prinsepe, arrange marriage siguro ang nangyari sa kanila at wala itong magawa para tumutol kaya minahal na lamang nito ang prinsepe. Lumusong ako sa tubig at napakasarap nito sa pakiramdam dahil katamtaman lamang ang lamig nito na tila sinadya talaga ng mga tagasunod ng pamilya nila Venus para dito. Napakaswerte naman ng Venus na ito dahil napakaganda ng kanyang pamumuhay dito sa kanyang panahon,at nasaan kaya ito ngayon sana ay h'wag na muna itong makabalik habang naghahanap pa din ako ng paraan upang makabalik sa aking panahon,dahil kung makakabalik na ito ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito kapag nalaman nilang lahat na nagpanggap lamang ako bilang si Venus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD