PIERES KEN SUSON P.O.V
Habang kumakain kami ni Venus ay pinagmamasdan ko lamang ito na tila batang sarap na sarap sa kinakain niya ngayon.
"Mahal na prinsepe,bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong pa nito sa akin.
"Wala naman,ngayon ka lamang ba nakatikim ng mga
ganyan na pagkain?" Balik tanong ko dito dahil sa aking nakikita ngayon ay tila ignorante talaga ito sa mga ganitong pagkain.
"Opo,mahal na prinsepe wala naman kasing ganito sa ating kaharian at alam mo po iyon!" Sagot nito sa akin na muli na naman din binanggit ang kaharian na sinasabi nito.
"Okay sige Venus bilisan mo na lamang diyan kumain,dahil iinom ka pa ng gamot mo,wika ko dito.
"Masusunod po mahal na prinsepe, sagot nito sa akin.
Pagkatapos nga namin na kumain ay ibinigay ko na dito ang gamot nito.
"Here take this medicine Venus para tuluyan ka ng gumaling at ng makauwi ka na din sa iyong pamilya!" Nakangiting sambit ko dito.
"Salamat po mahal na prinsepe,dahil hindi mo ako pinapabayaan tunay na ikaw ay paglingkuran,dahil sa iyong kabutihan lalo ba sa amin na iyong nasasakupan."
Sa mga sinasabi nito ay tila para talaga itong galing sa mga makalumang panahon na napunta lamang sa kasalukuyan, kumbaga mala maria clara ibarra na libro ni Jose Rizal,ang pinagkaiba nga lang siya ang napunta sa aming panahon.
Sana lamang ay naalog lang ang utak,kaya ganito ang mga kwento niya sa akin tungkol sa kanyang pamilya,maging ang kaharian na sinasabi niya ay baka talagang imahinasyon niya lamang.
"Venus, ihahatid na kita sa magiging kwarto mo
para naman makapagpahinga ka na muna,bukas na lamang natin isipin kung paano mo makikita ang iyong pamilya,dahil sa totoo lamang ay nahihiwagan pa din ako sayo."
"Mahal na prinsepe, hanggang ngayon ba ay wala kang maalala tungkol sa atin kaharian?" Tanong ni Venus at hinawakan pa ang aking mukha.
"Sana ay magbalik na lahat ng iyong ala ala mahal ko para naman makagawa na tayo at makagawa ng paraan para makabalik sa ating kaharian." Sambit nito sa akin habang hawak hawak ang aking mukha na hindi ko din maintindihan ang aking sarili ngayon.Dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ang aking mukha,pero kay Venus ay hinahayaan ko lamang na gawin niya ito sa akin.
Ano bang nangyayari sa akin,may puwang din sa aking puso na nagsasabing h'wag ko na itong hayaan na lumayo pa sa akin dahil nagugustuhan ko ang presensya nito,pero paano ang pamilya nito na naghihintay at naghahanap sa kanya.
Hanggang sa bitawan nito ang aking mukha, inihatid ko na ito sa kanyang magiging kwarto at bukas siguro ay iiwan ko muna ito dito sa condo.Dahil bukas ay kailangan ko na maka attend ng rehearsal practice namin.
"Matulog at magpahinga ka Venus okay!" Bilin ko pa dito at nakangiting humarap naman ito sa akin.
"Masusunod po mahal na prinsepe!" Sagot nito sa akin.
Pumasok na ito sa loob ng kwarto at habang kumakain kami kanina ay binuksan ko na din ang aircon dito kaya naman malamig na hangin ang dumampi sa amin.
"Mahal na prinsepe,bakit napakalamig ng kwarto na ito na tila may yelong natutunaw sa loob nito?" Tila manghang-mangha si Venus sa tono ng pananalita nito ngayon sa akin.
"May aircon kasi sa loob nito Venus at doon nanggagaling ang malamig na hangin na nararamdaman mo ngayon,h'wag ka mag-alala dahil walang mangyayari na masama sayo dito o kung gusto mo hihinaan ko na ito para sayo, paliwanag ko dito.
"Mabuti pa nga kung hihinaan mo mahal na prinsepe,dahil baka manigas na lamang ako dito kapag hinayaan mo na ganyan kalakas ang lamig dito sa mahiwagang kwarto mo na may kasamgkapan na nagbubuga ng malamig na pakiramdam ko dito." Wika nito sa akin,kaya naman minabuti ko na hinaan ang aircon at ng ma set ko na ito sa tamang temperature ay nagpaalam na din muli ako kay Venus na kailangan ko na din na magpahinga sa aking kwarto.
"Oh my god!" Venus okay ka lang ba?" Tanong ko agad dito ng matumba kami parehas nito dahil nakasunod pala ito sa aking ngayon ng hindi ko namalayan,kaya naman ng lumingon ako ito pala ay nasa aking likod na.
"Maayos lamang ako mahal na prinsepe, paumanhin din dahil tila nasaktan ka,dahil tila nasaktan ka ng dahil sa akin,ako po ay inyong parusahan mahal na prinsepe dahil kalapastanganan ang aking nagawa."
Si Venus na tila luluhod pa habang nakayuko ngayon at humihingi ng pasensya sa akin dahil sa nangyari na maging ito ay wala din naman talagang kasalanan.
"Venus,okay lang ako magpahinga ka na at bukas ay maiiwan kayo dito ni Kuro sa condo."Nakangiting saad ko dito para mawala na ang iniisip nito na galit ako ng dahil sa pangyayari ngayon sa amin.
"Mahal na prinsepe,maari po ba ulit na magtanong!"
"Ano naman ang nais mo na itanong sa akin Venus?" Balik tanong ko dito.
"Ano ang ibig sabihin ng okay? Hindi ko ito maintindihan kaya nais ko sana na malaman mula sa inyo kung ano ang ibig sabihin ng tinuran mo kanina pa sa akin."
Tanong sa akin nito na parang curious na curious talaga. itong malaman kung ano ang ibig sabihin ng salitang okay.
"Ang ibig sabihin ng okay ay maayos na iyon ang tamang pagkakaintindi dito Venus." Paliwanag ko dito at tila naman ito batang nakikinig sa akin ngayon.
"Iyon po pala ang ibig mo na sabihin kanina mahal na prinsepe,ang aking akala po kasi ay may masakit sa inyo mabuti na lamang po ay okay na kayo,ayun maganda pala siyang gamitin na salita." Natatawa na lamang ako sa babaeng ito na napaka inosente sa mga bagay dito at mga pananalita namin ay hindi din nito maintindihan ang iba.
"Oo Venus kaya masanay ka na gamitin ang salitang okay dahil madalas namin itong gamitin naiintindihan mo ba!" Tanong ko muling dito habang naglalakad na palabas ng kanyang kwarto.
"Opo masusunod mahal na prinsepe,kung iyon po ang inyong nais na aking sundin ay gagawin ko po."Wika nito sa akin.
"Sige na Venus at ako ay magpapahinga na din, paalam ko pa dito ulit at tuluyan na nga nito na sinara ang kanyang kwarto.
Habang papasok ako sa aking kwarto ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga pangyayari ngayon,dahil dapat ay ordinaryong araw lamang ito sa akin ngayon,pero dahil sa mga pangyayari ay tila naging extra ordinary ang araw na ito,Dahil na din kay Venus na kunti nalang talaga baka maniwala na ako sa kanya na totoo ang kaharian na kanyang sinasabi sa kwento niya kanina pa sa akin.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay naghilamos muna ako,ng matapos ako ay nahiga na sa aking kama dahil bukas ay kailangan na makapunta na sa studio para sa aming rehearsal na dapat ay ngayon.Kailangan na kasi namin itong pagtuunan ng pansin dahil malapit na ang aming world tour at kailangan na din na maayos na ang lahat para dito,kaya nakakahiya din talaga lalo na kay pinunong Paolo na lagi na lamang nagpapasensya sa amin lalo na sa akin na halos laging late sa lahat ng aming practice maging sa mga projects na ginagawa namin ay madalas akong late.
Kaya dapat ngayon ay makabawi man ako sa aking mga kaibigan na naging sandalan at tumulong din sa akin noong panahon na hindi pa kami nakikilala sa buong bansa at ngayon maging sa iba't-ibang bansa ay unti unti na din kaming nakikilala kaya nga nabuo ang world tour na ito dahil sa mga tagahanga namin abroad na gusto din namin makita at makilala ng personal na kahit man lang sa simpleng pasasalamat ay maramdaman nila kung gaano namin pinagpapasalamat sa kanila kung anuman ang narating ng grupo namin ay dahil na din sa amin mga tagahanga na walang sawa kung magmahal sa amin.
Hanggang sa aking pag-iisip ay nakatulog na nga ako.
Kinabukasan ay maaga din akong nagising at nagluto na muna ng breakfast namin ni Venus.
Hindi pa din ito gising kaya naman hinayaan ko lamang ito na makapagpahinga pa dahil baka ngayon ay makausap ko na ito ng maayos at hindi na puro prinsepe Kairo at ang kaharian ng ng konan ang maikwento nito sa akin.
Nagluto muna ako ng kanin sa rice cooker para mamaya ay ready na ito,nagluto nalang din ako ng itlog at ham para aming dalawa.
Matatapos na akong magluto ng aking marinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto na nagmumula sa kwarto ni Venus.
Hinintay ko na lamang na pumunta ito dito sa kusina,pero halos kalahating-oras na ay wala pa din ito kaya naman naisipan ko na din tingnan muna kung anong ginagawa nito.
Inabutan ko ito na nanonood ng television na binuksan ko pala kanina bago ako magpunta sa kusina
Napakalapit nito dito kaya naman sinuway ko at tinawag.
"Venus,h'wag ka masyadong lumapit sa t,v dahil maaring makasama iyan sa mga mata mo."Wika ko dito ng mahinahon.
"Mahal na prinsepe,ano ang kakaibang bagay na ito at bakit nasa loob nito ang mga tao,paano silang nagkasya sa kahon na iyan?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin na ang tinutukoy ay ang t.v at kung paano daw nakapasok dito ang mga tao na nagsasalita sa loob nito ngayon.
"Seryoso ka ba talaga Venus na hindi mo alam kung ano ang television?" Balik tanong ko dito dahil kung hindi talaga nito alam ang t.v ay maaring nagsasabi nga ito ng totoo sa akin.
"Mahal na prinsepe,ako po ay seryoso na hindi ko po talaga alam ang bagay na ito na napakaraming tao na nagsasalita dito na hindi ko din naman po maintindihan ang kanilang sinasabi,nais ko din po na maranasan ang makapasok sa loob nito."Sagot sa akin ni Venus na napapa facepalm na lamang ako.
"May mahika ba na tinatago ang mahiwagang bagay na iyan mahal na prinsepe ,dahil nakakamangha na nagawa nilang magkasya sa loob nito?!"
Hindi ko alam pero para na talaga si Venus nababaliw sa mga sinasabi nito, pinag-iisipan ko ulit tuloy ngayon kung kailangan ko na ba itong dalhin sa isang psychiatrist para malaman kung nangangailangan ba ito ng medical na attention.Dahil napaka weird ng mga sinasabi nito ngayon sa akin.
"Alam mo Venus,walang mahika na tinatago ang bagay na iyan okay,halika na sa kusina at baka nagugutom ka na kaya kung anu ano na ang mga pumapasok sa iyong isipan ngayon."Pag aya ko dito.
"Pero mahal na prinsepe..... maganda na po ang nangyayare sa aking pinapanood,tingnan mo po ito iyong babae dito ay tunay na palaban na kahit sa anuman na digmaan ay handa ito na humarap,,maari ba ako na pumasok din sa loob ng mahiwagang bagay na ito mahal na prinsepe dahil gusto ko din po sana na tulungan ang babae na iyan na isang magiting na halimbawa na ang babaeng tulad ko ay may kakayahan din na maging isang tagapagligtas at hindi lamang isang tagapagsilbi gaya ng laging sinasabi sa akin ng aking Ina na dapat ay sa bahay lamang ako at gumawa ng mga gawain bahay, ngunit hindi nila alam mahal na prinsepe na bata pa lamang ako ay bihasa na din ako sa paggamit ng pana at maging ng espada,maging sa pangangabayo ay maasahan mo din ako na noong una ay ayaw pa nila ama at Ina,pero kinalaunan ay natanggap na din nila na hindi lamang ako ordinaryong babae lamang,dahil.ang aking gusto lamang ay mapaglingkuran ang ating kaharian at maging ikaw mahal kong prinsepe,ay ayaw ko na may mananakit sayo,kahit ang aking buhay ay ibubuwis ko maging ligtas ka.lamang." Mahabang litanya sa akin ni Venus na ramdam ko sa kanyang pananalita na hindi ito nagbibiro.
"Venus, mamaya mo na lamang ituloy ang panonood mo,dahil kailangan mo ng makainom ng gamot,at tulad ng sinabi ko sayo kagabi ay iiwan ko muna sayo si Kuro mamaya okay!" Wika ko dito na ikinalingon naman nito sa akin.
"Sige po mahal na prinsepe, paumanhin din po dahil sa aking inasal ngayon na hindi agad pagsunod sa inyong utos sa akin."
Si Venus na yumuko na naman sa akin harapan ngayon habang humihingi ng pasensya.
"Huwag ka na yumuko Venus,halika na lamang sa kusina at nakapaghain na ako ng makakain natin kaya naman huwag ka ng yumuko diyan,dahil hindi naman ako galit sayo!"Sambit ko dito ng nakangiti.