KAIRO ALAS HACIERDO P.O.V Habang sakay ng kabayo ay aking iniisip kung bakit nasasabi ng matandang manghuhula na si binibining Venus ay hindi nabibilang sa panahon na ito kaya naman aking naisip na tanungin na lamang muna si Venus tungkol sa aking nais itinanong dito ngayon na sana ay sagutin nito ng totoo,dahil noong pa man na muli kong nakita si Venus ay may kakaiba na talaga sa kanya sa pagkilos at maging sa pananalita ay kakaiba talaga siya marami itong sinasabi na mga salita na ngayon ko lamang narinig na kahit sa mga libro na aking binabasa ay wala naman ganoon na mga salita. "Binibining Venus,tawag ko dito habang nakasakay kami ngayon sa kabayo. "Maari ba na magtanong ako sayo?" Sabi ko dito. "Ano po ang inyong nais itanong sa akin mahal prinsepe?" Tanong pa nito sa akin. "Sino

