Chapter Thirteen

3707 Words
Yvan Marcus Hernandez Point of View   Aminado ako. Masama ang loob ko sa mga nakita ko sa SmRosario kahapon. Kitang kita ko kung paano magpropose si Pj kay Denis. Ganoon nalang ba kadali kay Denis na magdesisyon? Hindi ba niya inisip yung sitwasyon nila ni tukmol na si Pj?   Kitang kita ko kung paano hinalikan ni Pj si Denis. Hindi ko na natiis pa ang nakikita ko. Dumiretso na ako kina Aaron. Sa tropa ko.   “Oh pre anong satin?” bungad sakin ni Aaron habang nakaupo sa garden nila.   “Mukhang alam ko na… Manong pabili kami ng redhorse. Pakidala nalang dito” narinig ko sa kanya at umayos siya ng pagkakaupo. Hindi rin nagtagal ay inilapag na nung inutusan ni Aaron ang pinabili niyang alak. Hindi ako nagsasalita. Gusto ko lang muna tumulala at isipin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.   “Ang kilala kong Yvan ay ang lalakeng matapang at hindi nagpapatalo” basag ni Aaron sa katahimikan ng paligid.   “Iba to pre… Totoo palang kahit na nasayo na ang lahat kung hindi ikaw ang mahal, hindi ikaw” mahinahon kong sagot sa kanya.   “Sigurado ka bang hindi ka mahal?” tanong niya sakin.   “Kitang kita ko pre… Wala na… Mukhang sa pagkakataong ito, talo ako. Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan dahil sa sobrang nararamdaman ko para sa kanya”   “Nakita mo pero hindi mo narinig, nakita mo lang pero hindi mo alam. Tanda mo pa ba yung kwento ni Peter Pan?” muling tanong niya sakin. Nanatili akong tahimik at inaantay ko lang siyang magkwento ng magkwento.   “Kasama lagi ni Peter Pan si Tinkerbell, kapag may problema si Peter Pan nandiyan palagi si Tinkerbell pero sa bandang huli sino ang pinili ni Peter Pan?” kwento niya.   “Wala naman kwenta yang sinasabi mo pre. Mag-inom na nga lang tayo” pangbabara ko sa kanya at pinagpatuloy na namin hanggang sa maubos namin ang pangalang case na pinabili ni Aaron.   “Sigurado ka pre, kaya mong magdrive?” tanong niya sakin. “Kaya. Ako si YVAN MARCUS HERNANDEZ MALAKAS TO!” pagyayabang ko sa kanya at sinimulan ko ng tahakin ang daan pauwe.   Alam ko sa sarili ko na hindi ako lasing. May tama lang ng alak pero hindi lasing. Lagi naman ganun ang sinasabi ng mga nakakainom diba? Napansin ko si Powell na naglalakad papalabas dito sa lugar namin. Sigurado ako na hinatid na niya pauwe si Denis. Lalo tuloy ako nakaramdam ng init ng ulo. Naiinis ako. Nilalamon na ng selos ang buong pagkatao ko. Pinaharurot ko ang sasakyan ko hanggang sa harapan ng bahay namin.   Bumungad sakin si Daddy at Mommy. Pinapagalitan ako. Hanggang sa nahagip ng mata ko si Denis na patagong nakatingin samin. Hindi ko iniintindi ang sinasabi nila Daddy. Nagsimula na akong maglakad at nagsimula ko na rin maramdaman ang pagkahilo ko. Biglang sumulpot sa harapan ko si Denis. Inaalalayan niya ako. Pumapalag ako. Anong akala niya hindi ko alam yung nangyari kanina? Hindi ko kailangan ng tulong niya! Ilang beses niya akong inaalalayan at patuloy kong tinatanggal ang pagkakakapit niya sakin.   “Denis pakiasikaso si Yvan…” narinig kong utos ni Mommy sa kanya habang naglalakad na ako papunta sa kwarto ko. Dumapa nalang ako sa kwarto ko dahil sa nararamdaman kong hilo. Hindi ko nga masigurado kung dahil ba sa alak o dahil sa hindi mawala sa isipan ko ang mga nakita ko kanina.   Naramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ako nagalaw. Hanggang sa naramdaman kong inihiga niya ako at unti unti niyang tinatanggal ang butones ng suot kong polo.   Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko ay nililiyaban ang buong katawan ko sa init ng nararamdaman ko. Kahit pinupunasan niya ako ng malamig na towel at init na init ang loob ng katawan ko. Lalo na nung naramdaman kong may dumampi sa ibabang bahagi ng katawan ko.   Shit! Nararamdaman kong unti unting nabubuhay si Junjun ko.   Hindi ako nagpapahalata kay Denis na gising ako. Ewan ko pero parang nawala lahat ng selos at galit na nararamdaman ko.   Nagsimula na siyang punasan ang magkabilang hita ko. Nararamdaman kong sumasagi ang braso niya sa matigas na bahagi ng katawan ko dahilan para hindi ko mapigilan ang lalong pag-igtig nito.   Nung naramdaman kong tapos na siya at aktong aalis na siya ay hinawakan ko ang kamay niya.   “Stay here Denis…” mahinang sabi ko sa kanya at kaagad akong umibabaw sa kanya.   “You don’t know how long I’ve waited for this” sabi ko uli sa kanya at sinimulan ko ng halikan ang leeg niya.   Kusang gumagalaw kamay ko. Hanggang sa pareho na kaming walang saplot. Kusang gumagalaw ang katawan ko hanggang sa naramdaman kong nasasaktan si Denis sa bawat paggalaw ko.   “Pasensya na Denis… Sige iti-”   Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko nung bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at siya naman humahalik sakin. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at naramdaman ko na ang paglabas ng init mula sa katawan ko.   “Mahal na mahal kita Denis…” bulong ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.   “Okay na ba ang pakiramdam mo Yvan?” Tanong sakin ni Mommy habang nasa harap kami ng lamesa.   “Pasensya na nga pala kagabi Dy, My. Napasobra lang sa inom”   “Huwag ng mauulit ha… Hindi maganda yung nababastos mo ang tao. Nasaktan mo si Denis kagabi” sabi ni Daddy sakin. Iba ang pumasok sa isipan ko sa sinabing iyon ni Denis. Lalo tuloy nagpicture sa isipan ko ang nangyari samin kagabi.   “Bakit parang namumula ka Denis? Masama ba pakiramdam mo?” sit ani Daddy kay Denis habang inaasikaso ang pagkain namin.   “Ah… Hindi po Sir… Sige po Sir… aayusin ko na po yung pool” natatarantang sagot niya.   “Denis naiwan mo nga pala kanina yung short mo sa kwarto ko. Yung jersey short ko ang naisuot mo” pahabol na sabi ko sa kanya dahilan para mapatingin sakin si Daddy.   Mabilis kong tinapos ang agahan ko. Naglakad lakad ako sa garden namin. Palihim kong tinitingnan si Denis. Suot niya yung singsing na binigay sa kanya ni Pj.   Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko pero parang pakiramdam ko ay ang saya ko. Ramdam na ramdam ko kasi yung emosyon ni Denis kagabi. Kasi kung wala siyang nararamdaman para sakin ay dapat parang wala lang iyon yung excitement ng parehong katawan namin. Iba…   “Wala lang sayo yung nangyari satin kagabi?” tanong ko sa kanya nung naririnig ko siyang bulong ng bulong sa sarili niya.   “Tabi tayong matutulog mamaya ha…” sabi ko sa kanya at nagsimula na ulit akong maglakad.   “Nga pala, maganda yang suot mong singsing…” nakangising puri ko sa kanya nung makalampas na ako sa kanya. Gusto ko rin kasing ipaalam sa kanya na may alam ako sa ginawa ni Pj kahapon. . . . “Goodmorning po sir!” bati sakin ni Rose habang inilalapag ang breakfast sa lamesa. May pasok na uli. Second sem na. Kaya eto kailangan nanaman gumising ng maaga.   “Nasaan si Denis?” tanong ko kay Rose.   “Kalalabas lang. Nagpaalam kanina na maaga daw siyang papasok” sagot naman ni Daddy habang nagsscroll sa kanyang cellphone.   “Dy, pasok na ako. Sa school na ako kakain” paalam ko at mabilis na akong tumayo at tinakbo ko na ang sasakyan ko.   “Go sir! Aabutan mo pa si Denis!” malakas na sigaw na narinig ko mula kay Rose dahilan para mapangiti ako.   Tama nga. Eto si Denis. Nag-aabang ng sasakyan habang nakatayo malapit sa kanto. Itinigil ko ang sasakyan ko sa harapan niya at ibinaba ko ang salamin ng bintana.   “Hindi mo man lang ako inantay” mapang-akit na sabi ko sa kanya.   “Sir…”   “Tara na… Sabay ulit tayo” yaya ko sa kanya.   Hindi ko na hinayaan pang makatanggi pa siya. Iginiya ko siya papasok sa loob ng sasakyan at pinagpatuloy ko na ang pagdadrive hanggang sa makarating kami dito sa loob ng eskwelahan.   “Salamat po Sir…” paalam niya at halatang halata na nahihiya siya sakin. Hindi rin siguro mawala sa isipan niya yung nangyari samin. Bigla nanaman tuloy nag-iinit ang katawan ko.   Nahagip ng dalawang mata ko si Powell. Nakaupo siya sa bleachers kasama sila Danica. Kitang kita ko mula rito ang tingin na binibigay niya kay Denis. Matapos ang ilang minutong pagtayo ko dito sa gilid ng sasakyan ko ay nagsimula na rin akong maglakad papunta sa room ko.   Discussion   Discussion   Discussion   Discussion   Puro discussion lang ang session namin ngayong umaga. Kumbaga preview sa mga bagong subject namin.   Lumipas ang buong tanghali na paulit ulit lang ang mga sinabi samin ng mga bagong professor namin. Kaya eto ako ngayon nagpapalipas nalang ng oras habang pinapanuod ang mga naglalaro ng basketball.   “Teka Danica nasa third floor si Pj kasama nila Jake” narinig kong sabi ni Mike habang habol habol si Danica.   “Eto oh nagreply na si Pj. Pabalik na daw siya. Dun nalang daw siya sa gate antayin” pigil ni Lorenze kay Danica habang papalapit dito sa lugar kung saan ako nakaupo. Napadako ang tingin ko sa pintuan sa gilid ko.   Shit!   Siguradong magkasama si Denis at ang siraulong si Pj sa itaas. Nakaramdam ako ng pag-alala kay Denis kaya tumayo ako at nilapitan ko sila.   “Ano ba! Kung talagang wala kayong tinatago sakin bakit pinipigilan niyo ako!” sigaw ni Danica kay Mike at Lorenze dahilan para mapatigil sila sa pagsasalita.   “Anong proble-”   Hindi ko na naituloy ang dapat na itatanong ko nung biglang bumukas ang pintuan at sabay na inilabas ng pintuan si Pj at si Denis.   Natigilan sa paghakbang ng paa si Pj gayon din si Denis. Bakas sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat sa bumungad sa kanilang harapan. Si Danica.   “Akala ko ba Mike nasa third floor si Pj at kasama nila Jake?” diretsong tanong ni Danica kay Mike na nasa likuran.   “Saka pakitingnan ngang mabuti ang cellphone mo Lorenze kung talagang may reply sayo si Pj. Eto kasi sakin ang cellphone niya” sabi naman niya kay Lorenze.   Kapwa walang naisagot yung dalawa. Nanatiling nakatingin si Danica kay Pj. Si Denis naman ay nakayuko at halatang nahihiya sa kanyang nasa harapan. Kay Danica.   “Kanina pa kita hinahanap Denis. Buti nakita ka ni Pj. Tara na” singit ko sa usapan nila. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para mailigtas ko si Denis sa posibleng kahinatnan ng ginawa nila.   “Tama na Yvan. Huwag ka ng gumawa ng paraan para pagtakpan pa sila” pigil sakin ni Danica dahilan rin para mapatigil ako sa paglapit kay Denis.   “Mali ka ng iniisip Danica… Ipapaliwanag ko” sabi ni Pj.   “Sige Pj. Ipaliwanag mo ito” sabay abot ni Danica ng mga pictures na magkasama silang dalawa ni Denis.   Walang naisagot si Pj.   “Gaano na katagal?” nanginginig na boses ni Danica.   “Danica pakinggan mo muna ako…” mahinahong pakiusap ni Pj.   Lumapit si Danica sa kanilang dalawa ni Denis.   “Sagutin mo ako, gaano niyo na akong katagal niloloko Pj!?” napapalakas na boses na ni Danica dahilan para mapunta samin ang ibang atensyon ng mga taong nasa paligid namin.   “Danica calm down… nakakahiya sa mga taong nasa paligid natin…” muling pakiusap ni Pj.   Sa pagkakataong ito gusting gusto kong sapukin ang mukha nitong si Pj. Ito yung bagay na hindi niya inisip na pwedeng mangyari. Hindi niya alam na Malaki ang magiging epekto nito kay Denis.   “Akala ko kaibigan kita Denis… Akala ko totoong nag-aalala ka samin… Wala ka rin palang pinagkaiba sa ibang baklang kilala ko!” galit na sabi ni Danica kay Denis.   Hindi ko na kayang marinig pa ang mga sasabihin ni Danica kay Denis kaya mabilis kong kinuha ang kamay ni Denis at hinila ko na siya papalayo kina Pj.   “Iced tea oh…habang malamig…” sabay abot ko sa kanya habang nakatayo kami parehas dito sa tulay at nakaharap sa ilog.   “Sir pwede payapos?” paalam niya pero hindi na niya inantay ang sagot ko. Niyapos niya ako at iniyuko niya ang mukha niya sa dibdib ko.         Denis Lindsey Point of View   “Akala ko kaibigan kita Denis… Akala ko totoong nag-aalala ka samin… Wala ka rin palang pinagkaiba sa ibang baklang kilala ko!”   Paulit ulit sa isipan ko ang sinabi sakin ni Danica kanina. Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa mga oras na ito. Ito na kasi kinakatakutan kong mangyari. Ito na yung bagay na ayokong mangyari. Kahit gustuhin ko mang ipagtanggol si Powell ay hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil alam kong mali ang pinasok kong relasyon.   Alas dyis na ng gabi. Hindi pa rin ako makatulog. Hindi ako pinapatulog ng kunsensya ko. Hindi ako pinapatulog ng isipan ko dahil alam kong nakasira ako ng relasyon.   Tumunog ang cellphone ko. Tawag mula kay Powell. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko. Nagsimula nanaman tumulo ang luha ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang pwede pa namin pag-usapan ni Powell. Baka kapag sinagot ko rin ang tawag niya ay baka lalo pang gumulo at lumala ang sitwasyon.   Lindsey kausapin mo ako…   Text message mula kay Powell. Hindi ko nirereplyan iyon. Kahit gusting gusto ko siyang kausapin ay hindi ko magawang sagutin o replyan ang message niya.   Okay pa ba tayo? Usap naman tayo…   Lalong nagtuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko nung nabasa ko iyon mula kay Powell. Inilapag ko ang cellphone ko sa higaan ko at lumabas ako ng kwarto.   “Hindi ka rin ba makatulog?” biglang sulpot ni Sir Yvan sa tabi ko habang nakaupo ako dito malapit sa pool.   “Oh alam kong kailangan mo rin to” abot niya sakin ng san mig. Tinaggap ko iyon. Nanatiling nakatuon ang dalawang mata ko sa kalawakan ng swimming pool nila sir.   “Ang sama kong tao Sir noh?” sabi ko kay Sir dahilan nanaman para magsimulang mamuo ang luha sa magkabilang mata ko.   “Naging masaya ka ba?” sinserong tanong niya sakin.   Tumango ako sa kanya. Totoo naman naging masaya ako kahit alam kong mali yung pinasok naming relasyon ni Powell. “Wala ka dapat pagsisihan sa mga bagay na naging dahilan kung bakit ka naging masaya”   “Sir mali. Mali yung ginawa ko, yung ginawa namin. Nakasira ako ng relasyon. Nagpadala ako sa maling nararamdaman ko. Dahil dun nakasakit ako at nakasira ako ng relasyon” sagot ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.   “Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin para gumaan ang pakiramdam mo Denis. Kasi ayokong gamitin itong kahinaan mo para ilapit ang sarili ko sayo. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin” sagot ni Sir.   “Kung talagang mahal mo si Powell at pakiramdam mo na masaya ka sa ginagawa mo, makipag-usap ka sa kanya. Kung pareho niyong mahal ang isa’t isa huwag niyong isipin ang sasabihin ng ibang tao. Ang importante ay ang nararamdaman niyo. Normal lang na magkamali, wala naman perpekto sa mundo. Ang importante ay kung paano mo gagawing tama ang pagkakamaling nagawa mo” mahabang paliwanag sakin ni Sir.   “Cheer up ka lang Denis. Sigurado ako maaayos nyo rin yan” dugtong niya at bahagyang tumayo si Sir.   Niyakap ko siya.   “Maraming salamat sir… napakaswerte ng mapapangasawa mo Sir… Siguro sir kung ikaw ang una kong nakilala mas mamahalin pa kita ng sobra…” lakas loob na sabi ko sa kanya. . . . “Goodmorning po Sir, Maam…” medyo nanginginig na pagbati ko kina Sir Yvan kasama sila Sir Anton.   “Wala ka bang pasok Denis? Bakit hindi ka pa nakasuot ng uniform?” tanong agad ni Sir Anton nung napansin niyang nakapambahay lang akong damit.   “Yun nga po Sir ang sadya ko pong sabihin…”   Napunta lahat sakin ang atensyon nila Sir. Pati na rin si Rose.   “Pwede ko po ba kayong yakagin ngayon…kahit simpleng outing lang po… treat ko” nauutal ko pa ring sabi kina Sir.   “Bakit? Anong meron Denis? Birthday mo ba?” takang tanong ni Sir Anton sakin.   “Hindi po. Gusto ko lang po kayong makasama. Saka treat ko na rin po. Medyo Malaki na rin po kasi ang naipon ko at dahil po iyon sanyo” magalang kong paliwanag.   “Pero kung hindi po pwede oka-”   “Aba! Ano pang hinihintay natin? Rose sabihian mo ang lahat. Pupunta kamo tayo ngayon sa Villa Colmenar. Ipaready mo ang sasakyan sa mga driver” mabilis na utos ni Sir Anton dahilan para mapangiti ako.   Makakabawi na rin ako sa kabutihan nila sakin. Kahit sa simpleng treat ko siguro mararamdaman nila ang pasasalamat ko.   “Yvan mag-ayos na kayo ni Denis. Minsan lang mangyari ito kaya sigurado akong magiging masaya tayong lahat” utos ni Sir Anton kay Sir Yvan.   Hindi na kami nagtagal pa. Apat na sasakyan ang gamit namin. Magkasama kami ni Sir Yvan dito sa sasakyan niya at kasunod naman namin ang sasakyan nila Sir Anton at yung ibang kasambahay naman ang kasunod nila. “Okay ka na ba?” tanong sakin ni Sir Yvan habang tinatahak namin ang daan papunta Villa Colmenar.   “Nakapag-isip na ako Sir. Katulad ng sinabi mo sakin Sir kung saan alam kong magiging masaya ako yun ang gawin ko. Saka nabasa ko nga sa google kagabi the most importan thing is honesty. Maging totoo. Humingi ng patawad at itama ang pagkakamaling nagawa” nakangiti kong sagot kay Sir.   “Talagang mahal mo?”   “Ngayon ko nga lang din napatunayan Sir. Kung hindi mo ako napaliwanagan Sir baka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko”   “Right love…” nakangiting sabi ni Sir.   “Sa Wrong time Sir…” nakangiti ko ring sagot sa kanya.   “Sir napanuod mo na ba yung Peter Pan?” muling tanong ko kay Sir. Ewan ko ba pero parang ang hyper ko ngayon. Excited na rin kasi ako sa plano kong pakikipagkita kay Powell mamayang bukas ng gabi   Gusto kong makipag-ayos kay Powell. Nakaready na nga ang mga damit ko eh. Ayoko ng palampasin pa itong pagkakataon na ito. Ngayon pa na napatunayan ko sa sarili ko na totoo yung pagmamahal na nararamdaman ko. Narealize ko lahat nung naipaliwanag sakin ni Sir Yvan. Lalo na yung kung saan ka alam mong magiging masaya gawin mo.   “Hindi. Pero natatandaan ko may naikwento na sakin si Aaron tungkol sa movie na yan” sagot niya.   “Alam mo ba Sir yung pinaka-importanteng sinabi ni Peter Pan kay Wendy habang nalipad silang dalawa at kapwa sila masaya?”   Umiling si Sir Yvan.   “Ano yun?” interesadong tanong niya sakin.   Hindi ko na siya sinagot pa bagkus ay bumaba na ako ng sasakyan nung naipark na niya ang sasakyan niya gayundin ang mga kasunod namin.   “Sir ako na po” pigil ko kay Sir Anton nung aktong magbabayad na ng entrance namin.   “Sure ka Denis?” -Sir Yvan.   Tinanguan ko sila at inabot ko na ang bayad sa cashier. Pumasok na kami sa loob at inayos na namin ang mga gamit namin. Nag-set up ng speaker sila Kuya Fred at kami naman ni Rose ang nag-iihaw ng bbq.   “Kinikilig ako sanyong dalawa ni Sir, Denis” bulong sakin ni Rose habang pinapahiran ng mantikang may ketsup ang bbq.   “Tumigil ka nga Rose baka marinig ka ni Sir, nakakahiya” suway ko sa kanya.   “Masakit ba nung may nangy-”   “Pinag-uusapan nyo ba ako?” biglang sulpot ni Sir sa likuran namin ni Rose.   “Ay! Hindi po Sir! Hindi po namin pinag-uusapan ni Denis na tabi kayo natulog. Hindi Sir promise” dire-diretsong sabi ni Rose.   “Bunganga mo talaga kahit kailan!”   “Sir bbq po” sabay abot ko sa kanya ng kaluluto palang na bbq.   “Bilisan niyo diyan. Kanina pa nag-aantay si Jovert at Kuya Fred dun oh” kasunod nun ay ang pagturo ni Sir sa cottage. Nakahain na agad ang alak at kumakaway kaway pa samin ni Kuya Fred.   “Sir hindi pwede malaseng si Denis makikipagkita siya ka P-”   “Rose oh! Bbq bagong luto” sabay salpak ko sa bibig niya.   “Araaaaaaaay! Ang init!” sigaw niya nung naipasok ko sa bibig niya ang bbq.   “Talagang papasuin ko yang bunganga mo Rose!” banta ko sa kanya. Buti nalang ay naglakad na papunta sa cottage si Sir Yvan at nakihalubilo na kina Kuya Fred.   “E ano naman kung malaman ni Sir Yvan? Wala naman magagawa si Sir sa kung anong desisyon mo eh” sabi ni Rose habang naglalakad kami papunta kina Kuya Fred.   “Basta. Ikaw na bahala bukas ng gabi ha. Tulungan mo ako sa pagtakas sa bahay. Ilalagay mo na agad ang mga damit ko dun sa likod ng basurahan para hindi masyadong halata” mahabang paliwanag ko sa kanya.   “Oo na. Palaging mag-iingat ha…” -Rose.   “Halika na kayo dito Rose, Denis. Para naman maging masaya itong kwentuhan namin” ani ni Kuya Fred at nilapagan agad kami ng tagay.   “Dito ka maupo Sir oh” paggiya ni Rose kay Sir at itinabi niya sakin si Sir.   “Yieeeeeee! Kinikilig talaga ako” irit ni Rose at itinulak si Jovert. Nagpatuloy na muli ang pagtatagay ni Kuya Fred. Sa tuwing nakakalimang ikot ng baso at nalusong kami sa napakalamig na tubig ng pool. Galing pala talaga sa batis ang tubig nito. Sobrang lamig at napakalinaw ng tubig.   “Sir Yvan shot mo po” pagtawag ni Kuya Fred. “Sir ganda ng chikabeybs oh” sabay nguso ni Jovert sa mga babaeng umahon mula sa pool.   “Ayy hindi mo type Sir?” panghihinayang na tanong ni Jovert.   “Hindi talaga maaakit ang puso kapag may natatanging laman na” makahulugang singit ni Kuya Fred.   “Diba Denis?” Kuya Fred.   “Po?” -Ako   “Wala. Sabi ko shot na!” kasunod nun ay ang pagtawa ni Kuya Fred. Napansin ko ring ngumiti si Sir Yvan.   “Hindi mo maiintindihan iyon Denis kaming mga lalake lang nakakaalam nun” dugtong pa ni Kuya Fred at nag-apir silang dalawa ni Sir Yvan.   “Marami rin kayong hindi naiintindihan samin” singit naman ni Rose.   “Oo. E mga pabebe kasi kayo!” kantyaw naman ni Jovert at nagtawanan sila.   Lumipas ang ilang oras na napakasaya naming lahat. Habulan, paunahan sa paglangoy, kwentuhan at asaran ang nangyari saming lahat. Pati nga sila Sir Anton ay nakisali na rin sa mga kalokohang naiisip namin eh.   “Alam mo Denis hindi bagay sayo yang suot mong singsing… Mas bagay yan kung pure gold” puna ni Sir Anton sa suot kong singsing nung aktong ininom ko ang inabot na tagay ni Kuya Fred.   “Mas bagay sa mga katulad namin Denis yung ganito oh” sabay pakita ni Maam ng suot niyang napakagandang singsing. Pure gold at kinang na kinang ang dyamante sa gitna nito.   Napangiti nalang ako sa narinig ko sa kanila.   “Hindi naman po mahalaga yung itsura ang importante po ay yung taong magbibigay at yung pakiramdam habang binigay po” nakangiti kong sagot sa kanila.   “Mukhang inlove na inlove talaga si Denis. Napakaswerte naman ng taong iyon” dugtong ni Sir Anton.   “Mas swerte po ako sa kanya Sir” malawak na pagkakangiti kong sagot sa kanila.   “Basta Denis ang pinaka-importante sa lahat ay yung susundin mo ang puso mo. Dun palang panalo ka na” huling narinig ko sa mommy ni Sir Yvan at sabay na silang tumayo ni Sir Anton. . . . “Sigurado bang wala kayong nakalimutan?” tanong ulit ni Sir Anton nung nasa labas na kami ng Villa Colmenar.   “Wala na po Sir. Na-dobol check na po namin” sagot naman ni Kuya Fred.   Sumakay na ulit kami sa bawat sasakyang gamit namin. Katulad kanina ay dito ako sa sasakyan ni Sir Yvan.   Kapwa kami tahimik ni Sir Yvan habang tinatahak ang daan pauwe. Tanging ang tunog lang na nanggagaling sa mini component ng sasakyan niya ang naririnig namin.   (Now Playing – Para Syo Freestyle)   Naramdaman kong bahagyang bumagal ang sasakyan. Nakita ko rin kasing parang sinadyang paunahin ni Sir Yvan ang tatlong sasakyan sa likuran namin.   Tiningnan ko siya.   Hanggang sa tuluyang tumigil ang sinasakyan namin.   Bumaba si Sir at ganoon din ang ginawa ko. Nakatayo siya sa harapan ng sasakyan niya. Tinabihan ko siya.   Mga ilang minuto rin kaming nakatayo at nakatingin lang sa kawalan.   “Pwede bang ako naman ang yumapos sayo sa pagkakataong ito” napakalumanay na boses na narinig ko kay Sir Yvan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD