BETHANY Pasado alas dose na ng makabalik siya sa Gray Paradise Nightclub. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil mas nauna pa siyang nakarating kay Marco, at least she would have time to look around. Nagpapaganda muna siya bago siya bumaba sa kanyang kotse. Kahit malalim na ang gabi, pero maingay pa rin naman sa paligid. Hanggang sa may naririnig nalang siyang huminto na sasakyan sa malapitan. Dahan-dahan naman siyang bumaba sa kanyang kotse at doon na siya dumaan sa likod ng nightclub. Kinuha niya ang duplicate key na binigay sa kanya ni Marco at binuksan kaagad ang pintuan sa likuran. The door noiselessly slid open, and she stepped inside the nightclub, kinapa naman niya ang switch ng ilaw, pero di niya ito mahanap. Kaya bumaba na lamang siya patungo sa gambling room. Kinikilabotan nama

