"Damn you fvcking sh*t, search for him you useless bastard people. He hadn't gone far, it looked like he had been hit by a bullet. Search all around, and don't stop until you see him. If we cannot bring him dead or alive, we will meet our death from the boss.”
Mabuti nalang at may natumbang kahoy ang lubak na lupang kinahuhulugan ko. Kaya nakapagtago agad ako sa ilalim ng kahoy. Tanging dasal ko nalang na sana walang anacondang tulog sa looban ng kahoy na ito. Ang ganda pa naman ng pagkakasiksik ko sa loob ng kahoy. Dinaig ko pa ang sardinas na siksik sa laman. Saludo ako sa kung anumang insekto na bumutas sa kahoy na ito para mapagtaguan ko. Pangako ipagdasal kita ng taimtim ngayong parating na undas....baliw kung sabi.
Paano kaya kung white lady ang tumambad sa'kin o kaya kapre. Ay yawa bakit ba sila ang iniisip ko. Wala naman silang magandang dinudulot sa'kin puro lang naman kilabot. “Matapang sa labanan, pati bala di kinatakutang bumaon pero sa multo, maligno tiklop pala.”.....anas ng bida-bida kong utak. Pakialam mo ba second thought di naman ako tinuruan ni kuya na magtraining din sa ispiritatista...kontra ko sa aking utak.
Kapag nasa panganib ako itong utak at kaluluwa ko ang talagang mahilig mag-away. Dini- distract ang mga elementong pwersa na nakikipag digmaan.
Mukhang umalis na ang mga siraulong aliporis kuno ng mga mafia king. Mafia my foot, mga g*g* puro illegal lang naman ang negosyo ninyo. Mga salot sa lipunan, pati walang kalaban-laban pinapatusahan ng husto.
Delta, It will be difficult for me to come out of where I'm hiding because they are watching around. Take Jaime Ramos to where you are staying and I will follow later. "Ma'am, do you need my help?" For now I don't need your help Delta, I can handle them. Just do what I said!.
“Okay ma'am take care!”
Yes I will....
Dahan-dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan. Palinga-linga akong nagmasid kung may tao ba na malapit sa aking. Nang masiguro kong wala na ngang tao ay matulin na akong tumakbo.
Aytona magagamit ko na ang aking pagiging marathon athlete. Kakareren ko na hangga't may buhay pa charrr.
Bwesit napansin na naman nila ako kaya nagpaulan na naman sila ng bala. Wait lang huh, bakit ba ako takbo ng takbo eh ang bigat ng mga armas at balang dala ko. Tigang na Humpress umaandar na naman ang katangahan. Nagkoble ako sa isang puno at inumang ko ang aking baril sa kalaban.
Come to mama, b*stards paunahan tayo kung sino ang mauuna sa fiesta ng undas.
Naglipana na ang mga sundo natin, kaya sa gyera tayo magpakasarap. Bakit kailangan pa nating manuod sa gyera ng Palestine at Israel kung kaya naman natin pasimunuan ang gyera dito....anas ng baliw kong utak. Isa-isa kong pinagbabaril ang aking mga kalaban. Kinalaunan ay humupa na rin ang palitan ng putok.
Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay patungo sa kabilang mundo. Isisindi ko nalang kayo ng kandila sa undas para may liwanag na tatanglaw sa madilim ninyong himlayan......baliw kong sigaw.
Ang lakas ng loob kong sumigaw na akala mo naman ay hindi takot sa multo. Makauwi na nga at baka hahantingin pa ako ng mga ligaw na kaluluwa. Kaya mabilis na naman akong nagtatakbo patungo sa highway. Pero bago pa man ako makarating sa highway may malaking factory akong nadadaanan. May restricted area pang sign board na nakalagay. Alam mo naman tayo mahilig makialam sa bawal kaya makikiusyoso tayo kung ano ang meron sa loob.
Sa gate palang mga armado na ang mga nakabantay. Mukhang illegal na planta ito. Umakyat ako sa puno para makapasok sa loob. Successful naman akong nakapasok na walang nakahata.
Mga yawa! Planta pala Ito ng mga druga, sino kaya ang nagmamay-ari nito? Pumasok ako sa isang opisina binuksan ko ang isang files. Nakalagay doon ang Turner winery corporation. “Turner” ibig sabihin pag-aari ito ng Lolo ni Jazz Rochelle Turner. Kaya pala malapit lang dito ang pinagtaguan nila kay Tito Jaime
Kaya walang maraming tauhan dahil busy ang mga ogag sa kakahanap sa kanilang bihag. Tadhana nga naman kung magbiro sagad pa.
Undas lang sana ipagdiriwang ko pero pati pala happy new year e-advanced celebrate ko na. Tinaniman ko ng mga Granada ang bawat sulok ng planta. Lahat ng dala kong Granada iniwan ko doon.
Sa kalagitnaan ay inilagay ko ang isang time bomb. Umakyat ulit ako sa pader para makalabas ng planta. Pinagbabaril ko ang limang armadong kalalakihan saka matulin na tumakbo palayo.
Nagkaroon ng napakalaking pagsabog kaya naghiyawan ang mga armadong naghahanap sa akin. Agad naman silang nagsitakbohan para tungohin ang nasunog na planta. Happy New Year!!!!!
Hinubad ko ang itim kong damit at naiwan sa loob ang puting t-shirt at pantalon. Isinilid ko ito sa aking backpack. Pumara ako ng taxi at umuwi sa bahay na tinutuloyan ni Delta 05. Sobrang nakakapagod makipagbakbakan mabuti nalang at minsan nagagamit ko ang technique ng aking mahal na kaibigang si Afsheen.
“Ma'am Clearose are you okay?”
Bungad agad ni delta ng pumasok ako sa apartment niya.
“How is Mr. Ramos?”
“He had a big wound on his leg, so I tied it first to stop the blood flow. I think it needs to be stitched ma'am.”
Okay here's the money just buy me all of this. Ibinigay ko kay Delta ang listahan ng mga kakailanganin ko para sa sugat ni Tito Jaime. Nang silipin ko ito, mukhang nakatulog dahil siguro sa sobrang pagod niyang nararamdaman. Ang haba ng buhok at bigote niya dinaig pa niya ang isang ermitanyo.
Tinawagan ko si Delta para bumili na rin ng damit para sa matanda. Nakaligtaan ko palang ihabilin dito na bilhan ito ng damit na maisusuot.
Pumunta ako sa kusina at tiningnan ko ang ref ni Delta kong may mailuluto ba. Mabuti nalang at may isang buong manok. May pechay at patatas kaya ang kalahating manok ay gumawa nalang ako ng sinabawan para makakain ng mainit na sabaw ang matanda. Nagsaing na rin ako ng kanin sa rice cooker. Ang kalahating manok naman ay ginawa kong adobo na may patatas.
“Ma'am Clearose what are you doing? You are my guest then why did you cook?” It's okay Delta, it's just a small things so don't worry. Can you do me a favour?
“Sure ma'am what is it?” Can you shave and cut Mr. Ramos hair and beard. Help him to take a bath because after that I will stitch his wound.
“Okay ma'am!”
Hinanda ko na ang hapag kainan para pagkatapos kong tahiin ang sugat ni Tito sabay na kaming maghahaponan.
Sa wakas mukhang tao na ulit si Tito Jaime sobrang payat nga lang.
Tito tatahiin ko po muna ang sugat ninyo para makapaghapunan na tayo. Tinurukan ko ng pampamanhid para hindi niya naramdaman ang sakit kapag nilinisan at tinahi ko ang sugat.
Nilinisan ko ito ng alcohol at inumpisahan ko ng tahiin. Tahimik lang si Tito pero nakikita kong tumulo ang kanya mga luha.
Tito masakit po ba? Kulang po ba ang anesthesia na nailagay ko?
Umiiling-iling naman siya bilang sagot. Napakabuti mong anak hija napalaki ka ng iyong mga magulang na may tapang at may busilak na puso para sa iyong kapwa. Hindi ko alam kong paano ka nakilala ng mag-ina ko. Pero para sa akin isa kang anghel na sa milyon-milyong katao na nangangailangan ng tulong kami ang maswerting napili mo para tulungan.
Ipinakilala ko sa kanya si Delta. Tito si Delta ay isang sundalo sa Canada at kasamahan ko rin sa triad ng Canada na pinamunuan Ng aking kuya Clarence. Ikinwento ko rin kay Tito Jaime kung paano kami nagkakilala ng kanyang mag-ina. Mas lalo siyang naiyak ng malaman niyang inuperahan pala sa puso ang kanyang asawa. Natapos ko nang tahiin at balutin ng benda ang kanyang sugat kaya kumain na kaming tatlo ng aming haponan. Masaganang kumain ang matanda naiintindihan naman namin dahil mahigit dalawang taon itong hindi binibigyan ng sapat na pagkain. Nang mabusog ito ay dumighay pa, humingi ng pasyensya sa amin ni delta dahil nagmistula nga daw siyang patay gutom.
Delta, thanks for your help. I have sent your full payment to your service. And I gave you some extra money so that you can go on vacation with your family. "Thank you very much ma'am Clearose."
My brother Clarence's private jet plane will pick you up tomorrow night. So you have to pack up your things too Delta.
Delta, you take care of uncle Jaime. Take him to our house first because his wife and daughter are waiting there. You know what to do at the airport.
“Noted ma'am.”
Tinawagan ko si Jazz Rochelle.
Hi Jazz what's up girl?
Nasa office ka parin hanggang ngayon?
“Nasa bahay na ako Clea may tinapos lang ako.”
Pati sa bahay sinasama mo ang paperwork's mo na dapat ay sa opisina lang. Napaka hardworking mo naman, pahinga ka minsan baka magkakasakit ka kaka-overtime mo niyan.
“Kailangan kong kumayod dahil marami na akong utang na loob sa'yo.”
Tanga, kailan ba ako naniningil sa'yo?
“Clea anak kumusta kana? Hindi ka ba uuwi sa 18th birthday mo?”....si Tita Madeleine.
Tita okay lang po ako, nasa Australia po ako ngayon dahil may kasama po ako sa research medical mission ng aming eskwelahan. Tita, Jazz may surprised ako para sa inyong dalawa. Nanlaki ang mata ng mag-ina. Tita huwag masyadong emotional huh alam mo naman na hindi pa fully recovered ang puso mo. Ibinigay ko kay Tito Jaime ang cellphone para makapag-usap sila.
Sumigaw si Jazz ng Daddy....nag-iyakan na sila. Kami ni Delta ang napapaiyak na rin sa tagpong aming natunghayan. Alam kong sabik na sabik na silang makita ang bawat isa. Malapit na kayong magkikita kunting tiis nalang....anas ng aking isipan.
Delta uncle Jaime needs to disguise. The enemies will surely be waiting at the Airport.
“Don't worry ma'am because at the peak of my search and when I got laid that Mr. Ramos was still alive. I have already processed his passport and Visa to Canada at our headquarters because I know you will order me to flee this country along with him.”
“Wooooaaaahhhhhh fvcking crazy Delta your such a great companion.”....tumawa lang ang siraulo. Delta 05 is freaking 22 years old na isa rin sa mapagkakatiwalaan sa triad. You are the best person to trust Delta 06.
“Thank you Ms. Clearose Humpress for the compliment. And you are the young superior next to Ms. Della Torres that ready to handle the most worst and critical situation at any cost.”....sumaludo pa ang g*g*.