Afzal pov
Gusto ko lang talagang asarin ang kaibigan ng kapatid ko para pansinin ako. Sobrang ganda niya pero kung kumilos daig pa ang lalaki. How cool she is when she drove a Ducati. Ang bata pa niya pero pinayagan na siya ng mga magulang niya na mag-drive Ng ganun kamahal Ng motor. Ako nga pagkatapos lang ng graduation ko sa high school saka ko nakuha ang motor na nais ko.
Nag-sorry ako dahil na guilty ako ng hindi niya dinala ang mga kuha niyang mangga. Kaya kumuha na rin ako para idagdag sa mangga niya. Talagang galit eh dahil ayaw na daw niyang kumain Ng mangga. Umalis siya na sakay sa kanyang Ducati kaya hinihintay ko siyang umuwi.
Pero pinagtabuyan lang niya ako, Hindi man lang natuwa na hinintay ko siya sa labas ng gate nila.(paano matutuwa kong inaasar mo palagi....kontra ng utak ko.)
Kinabukasan nang pumunta siya sa bahay sinimulan ko na naman siyang asarin. Ang ganda kasi kapag naka-pout lips siya ang sarap halikan. Binabalaan na ako ni mama dahil sobra na ang pang-aasar ko kay Clea. Pero sh*t hinamon ako sa isang match sa Humpress arena. Gusto niya akong maging katunggali. The heck! Babae hinahamon ako. Kinahapunan pumunta nalang ako ng mall para mag-ikot wala naman kasi akong kaibigan dito.
O s**t! Nag-aaral ba ang mga ito? Bakit nandito silang dalawa sa mall at si Clea nakipaglandian pa. Napaka bata pa pero marunong ng lumandi. Kung sa bagay magaling ngang mag-inarte para makakuha ng attention. Damn it naka tudo akbay naman ang hilaw. Nawalan na ako ng mood para mag-ikot. Para na akong spy na nakamasid at nakasunod lang sa kanila kung saan man sila magpunta. Hanggang sa umuwi na sila.
Habang binaybay ko ang daan pauwi naisipan kong tanggapin ang hamon no bulinggit. Bahala na tingnan natin kung hanggang saan ang galing niya.
Tinawagan ko ang aking kapatid kung saan ang location ng Humpress arena.
“Talagang tinatanggap mo ang hamon ni Clearose kuya? Matino pa ba ang utak mo para makipag match sa babae.”
Siya ang nanghahamon, kapag Hindi ako pumunta tatawagin niya akong bakla.
“My gushhh kuya nasaan na kaya ang utak mo?”
Síguenos, sé que os habéis estado siguiendo durante un tiempo. No me sorprendería que te gustara Clea. Se nota lo que haces hermano, estás loco. (Sumunod ka sa amin alam kong kanina ka pa buntot ng buntot. Hindi na ako magtataka kung magkagusto ka kay Clea. Halata na yang galawan mo kuya, para ka nang baliw.)”
Oh f*ck! Paano niya nalaman na nakasunod lang ako.
“Huwag mo akong murahin, isusumbong kita kay papa.’
Binigyan ako ng isang uniform, at si Clearose nakahanda na rin. Hindi ko napaghandaan at agad siyang sumugod. Talagang sobrang nagalit na sa'kin si bulinggit kaya pilyo kong nginitian sabay kindat.
“Clearose, tandaan mo ang rules. Huwag magpadala sa galit dahil iyang ang gagamitin kahinaan ng iyong kalaban.”
Bigla namang ngumiti si Clea. “Handa ka na ba kuya Afzal?”
Inumpisahan na namin ang laban. Sipa dito, sipa doon at talagang masasabi kong magaling si Clearose. Hindi man lang ito umigik ng matamaan ko ng sipa.
Kahit babae siya malakas parin ang impact ng mga sipa niya. Hanggang sa hindi ko na kayang sabayan ang mga galaw niya. Pinaghalo na niya ang mga techniques ng martial arts.
“Sa susunod kuya choose mo ang taong aasarin mo. Not at all pwedi mong hatulan base sa kanyang speaking skills o galaw.
Bestie, bring your brother home gamotin mo mga pasa niya. Check mo rin kung okay pa ba ang bayag niya. Maybe I hit and broked it.”
“Ayan magkakagusto lang dinadaan pa sa pang-aasar. Paano ngayon yan kuya, hawak na ni Clea ang alas kaya magtino kana.”
Tumigil ka Afza hindi kana nakakatuwa. Naka chamba lang ang kaibigan mo. Pero tang*na ang sakit ng katawan ko. Bali-bali na yata ang mga spinal cord ko sa likod....sa isip ko.
Umuwi na kami sa bahay akay-akay ako ng kapatid ko. “Oh anong nangyari diyan sa kuya mo?”...si papa
“Naghahanap ng sakit sa katawan papa. Inaasar si Clea kaya hinamon ng martial art. Nakakahiya pa, wala palang strong skills sa martial art itong anak mo.”
“Shot up Afsheen!”
“Kung maka-shot up ka kuya wagas. Piliin kasi ang kakalabanin, akala mo puro kaartehan lang ang alam ni Clea noh. Nakuha mo tuloy ang hinahanap mo.”
“Anong nangyari diyan sa kuya mo?”...si ate Jaylyn.
“Binugbog ni Clea ate, paki check mo nga kung buo pa ba itlog ni kuya. Mukha kasing napuruhan eh, alam mo naman si Clearose kapag naiinis na Hindi mo na pweding pigilan.”
“Naku baog ang na ang kalalabasan niyan.”...pang aasar pa ni ate Jaylyn.
“Mga bunganga nyo, para kayong hindi babae kung magsalita.”....galit na si papa
“Crush kasi ni kuya Afzal si Clea papa, tapos dinadaan niya sa pang aasar kaya hinamon siya ng Martial art. Akala ko kaya no kuya kasi black belter daw siya ng pilipinas. Ginamitan lang ng mixed moves nawalan na ng focus. Para pa yang spy habang nasa mall kami buntot ng buntot.”
Afsheen! Bunganga mo talaga parang puwet ng manok walang preno. Pinagtatawanan na ako ng lahat, porke hindi ako makagalaw itong kapatid ko tuloy na tuloy sa pagkukwento.
“Binabalaan na kita na huwag masyadong mang-asar.”....si mama.
Gamotin mo yan Afsheen total kaibigan mo Naman ang may kasalanan.
“Ayaw ko nga, siya naman ang may mali kaya deserve niya yan. Huwag po ninyo akong pilitin na gamotin yan baka madagdagan ko pa ang mga pasa niyan.”
Mga amazona talaga itong mga babaeng ito. Sino kaya ang nagturo sa kanila ng Martial Arts. Nakakamangha ang galaw ni Clearose kanina. Paano niya napaghalo ang mga galaw, parang expert na siya sa sports na ito.
“Kuya sana po makatulog ka ng matiwasay. Mukhang isang malaking bangungot ang bumungad sa nanahimik mong kaluluwa.” f*ck nakuha pa talaga akong asarin ng kapatid ko.
“Mi amor, kagabi may mga magnanakaw na pumasok sa 7/11. Ang nakakamangha may dalawang babae na makipaglaban sa mga magnanakaw. Take a look sa footage ng video it's look familiar right?”
Bigla kaming napabaling sa screen ng TV dahil sa sinabi ni Mama Sylvia. Parang pamilyar nga ang dalawang babae. Kung si Afsheen at Clearose yan paano nangyari? Tiningnan ko ang aking kapatid, wala naman itong pakialam sa news dahil busy sa kanyang mobile.
“Guni-guni mo lang yan Sylvia hindi naman clear ang footage eh. Afsheen honey follow me in my office.”
Agad namang tumalima ang aking kapatid at sumunod kay papa. Bakit kaya tinawag ni papa si Afsheen para makausap Ng masinsinan? May alam kaya si papa sa mga pangyayari na hindi namin nalalaman? F*ck nagha- hallucinate na yata ako dahil sa bugbog na aking natamo. Kapag nakita kitang muli Clea pagbabayaran mo itong ginawa mo sa'kin.
Tatlong araw na mula ng mabugbog ako ni Clea. Medyo humupa na ang sakit pero may mga pasa parin ako. Nandito ako ngayon sa may couch at nanunuod ng TV. Nakakabagot talaga kapag walang mapuntahan at palaging nasa bahay lang. Tumawag sa'kin kanina si Jeremy na naandito rin daw siya sa Canada. Mabuti nalang at late itong dumating hindi niya nakikita ang mga pasa ko. I'm sure kapag nalaman niyang binugbog ako ng babae hindi na niya ako titigilang buskahin.
Magkikita kami mamaya, binigay na niya sa'kin ang kanyang location. Ilang araw ko na rin na hindi nakikita si Clearose. Nakakamiss rin pala ang bulinggit na iyon. Tang*na ano ba ang nangyayari sa'kin dapat galit ako sa kanya dahil binugbog niya ako ng husto.
“ Ate Jaylyn nasaan po si Afsheen?”...si Clea
“Nasa room niya akyatin mo nalang.”...si ate Jaylyn
Speaking of bulinggit andiyan na siya.
Wow nilagpasan lang ako, hello hindi ba niya nakikita na nandito lang ako sa coach.
Hoy bulinggit hindi mo man lang ba ako kukumustahin kong okay lang ba ako. Huminto sa paglalakad si Clearose at lumingon sa'kin.
“Why should I greet you if I know that you have been crippled for several days? Life is good when you eat, sleep, bathroom, sit, watch TV right?”
Aba hawak na nga niya ang alas at nagyayabang na ang babaeng ito. How to tamed her? baka kapag hinalikan ko ito pwedi ko ng patahimikin...ana ng isip ko. Clearose Hindi pa tayo tapos maniningil pa ako.
“G*go, I don't owe you anything to charge you. You are the initiator of everything so don't turn your back on me. Learn from your mistakes but never blame the person who made you aware of what to learn.”
Himala at hindi kana nag-iinarte ngayon Clea. Ayaw mo na bang gamitin ang conyo mo?
“I'll just use it on the right person. Not everyone deserves what comes out of my mouth. I'll go ahead.”