Chapter 2
"Follow"
Mga a-alas sais na nang gabi nagsiuwi ang mga bisita. Pagkatapos nila bumalik kami ni Joy sa pool area para ligpitin at linisin ang mga kalat. Hawak ko ang walis habang winawalis ang kaonting kalat sa sahig ng gazebo. Hindi sinasadyang napabaling ang aking tingin sa bush kung saan ko nakita si Sir Raikko at kasama niyang babae kanina.
"Uhm. Joy, kilala mo iyong naka-puting bikini kanina?" Hindi ko na napigilang magtanong ngayong bumalik na naman sa akin iyong nakita ko.
I did not see anything aside from the moans and the sweet voice I heard, pero hindi naman siguro ako puwedeng magkamali sa iniisip ko. Ano naman kasi ang ginagawa nila roon? At bakit doon pa sila? Hindi ko alam kung bakit hindi iyon matanggal sa isipan ko, maybe because of my experience with Clifford? Iyon siguro.
"Sa mukha lang." Aniya, sinulyapan ako saglit at binalik sa kinokolektang baso ang atensyon.
"Girlfriend niya?"
Tumawa siya na para bang nakakatawa ang sinabi ko. Napakunot ang noo ko. Muli siyang bumaling sa akin. Nahinto naman ako sa pagwawalis.
"Walang girlfriend si Sir no!"
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"So anong relasyon nila noong babae?" Mas lalo tuloy akong nakuryoso. Mukhang maraming alam si Joy. Hindi naman iyon nakakapagtaka. Matagal na rin siya dito.
"Isa lang 'yon sa mga flings niya!"
"Fling?" Inosente kong tanong. Medyo nagulat pa ako dahil sa narinig. Ibig sabihin marami siyang babae? Pero mas nakuha ang atensyon ko sa sinabi niyang, "flings".
"Hindi mo alam ang fling?"
Nahalata niya sigurong hindi ko alam ang salitang 'yon. Unang beses ko lang iyong narinig.
Napailing siya at talagang itinigil na ang ginagawa para lapitan ako. Pinamewangan niya pa ako na para bang handa ng mag-lecture sa akin dahil hindi ko alam ang salitang iyon.
"Ang inosente mo naman Denny. Fling, iyong parang kayo pero hindi. Touch-touch lang walang label, ganoon."
Mas napakunot ang noo ko. They kissed and maybe even more than that, yet they don't have a relationship or label? Puwede ba iyong ganoon?... Sandali akong napaisip hanggang sa may napagtanto. Parang landian lang! Fling pala tawag doon? So, fling din ba iyong kay Clifford at Edna? Hindi ko alam kung mamangha ba ako o mas madidismaya sa bagong natutunan.
I immediately shrugged my thoughts about my bastard ex. Naiirita na naman kasi ako. Bumabalik sa akin ang mga nakita ko.
Napaisip ako. Nakakapagtaka kasi na hindi naman na ako nasasaktan. Dalawang araw pa lang! Ang natitira na lang talaga iyong iritasyon ko. Nakakainsulto lang kasi. Hindi ko naman minamaliit si Edna dahil lang sa mga pinaggagawa niya sa buhay niya pero kasi, iyong lokohin ako ni Clifford para sa mababaw na dahilan ang nakakainsulto at nakakagalit. Kung gusto niya ang babaeng iyon bakit hindi na lang siya nakipaghiwalay? Sana sinabi na lang niya agad.
Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Ngayon, sa halip na ang kagagohan ni Clifford and naiisip si Sir Raikko naman. If Clifford is a playboy, then Sir Raikko is much more than that. Hindi naman nakakapagtaka, he has the looks and not to mention he is rich, very rich! Hindi niya na kailangang mabola ng babae. Mga babae na mismo ang magkakandarapa sa kanya. Hindi naman lahat pero marami talagang nahuhulog sa pisikal na anyo at lalo naman dahil mula siya sa may kayang pamilya.
Napailing na lang ulit ako, dismayado para sa maraming dahilan. Ngunit mas dismayado sa aking sarili sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa aking amo. He is my boss and I have no say on how he prefers to live his life. It's very wrong to give an opinion. Kaya naman isinaisip ko iyon sa gitna ng katahimikan namin ni Joy.
Tinapos ko ang pagwawalis. Iniwan ko saglit si Joy para isauli ang ginamit na walis at dustpan sa storage. Tinapon ko rin ang mga basurang nakolekta roon sa tapunan. Pagbalik ko, tinulungan ko na si Joy na dalhin ang mga baso at ibang gamit papasok ng mansyon.
The following hours, I helped in the kitchen. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makilala pa ang ibang kasamahan. Nakakuwento ko pa saglit dahil may mga trabaho namang inaasikaso.
Night came. Bumalik ang kaba ko nang pinasama ako sa dining para sa haponan. Kakain daw si Sir Raikko at kailangan talagang may taga silbi. Balisa na ako habang nakatayo at hinihintay na dumating si Sir Raikko. Tatlo naman kami pero hindi pa rin iyon nagpakalma sa akin.
I keep on fidgeting the hem of my apron.
Sisisantihin niya na ba ako? Wala naman akong ginawang masama, ah? Hindi ko naman intension na manilip sa kung anong ginagawa nila. Unahan ko na lang kaya siya, hihingi ako ng tawad. Pero para kasing mali. Nababahala talaga ako.
Napatuwid ako ng tayo nang pumasok na nga siya sa dining. Nakabihis na siya ng puting t-shirt at itim na short. Umupo siya sa kabisera. Mag-isa siya sa mahabang habang hapag. Habang paupo tumuon sa akin ang mga mata niya. Bahagya akong yumuko para mag-iwas ng tingin. I feel tensed under his penetrating stare. Pakiramdam ko nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Baka naman ipatawag niya ako pagkatapos niyang kumain?
Si Ate Yolly ang lumapit para asikasohin siya.
"Huwag na," he said politely.
Umatras si Ate Yolly at bumalik sa tabi namin ni Ate Minda.
Maraming pagkain ang nakahanda. Kung tutuosin masyadong marami para sa isang taong kakain. Ganoon talaga yata kapag mayaman. They always have options in everything.
"Kumain na kayo?"
Napasulyap ako sa kanya dahil sa bigla niyang tanong. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba, pero sa akin talaga siya nakatingin.
"Hindi pa po. Mamaya na." Hindi ako nakasabay sa pagsagot ng mga kasama.
He nodded and turned his gaze to his plate. Siya na ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya. Umangat ang kamay niya para pulotin ang kutsara at tinidor. Nagsimula siyang kumain. Nanatili namang tahimik at alerto sila ate para kung sakaling may ipag-uutos.
Hindi nakatakas sa akin ang mga tingin niya kahit na kumakain siya. Nagpalala lang iyon ng kaba ko. Nakakabingi pa ang katahimikan. Kahit tunog ng kubyertos ay hindi mo maririnig. Masyadong pino ang galaw niya sa kabila ng pagiging brusko ng pangangatawa.
Kapag ba sinisante ako, ano na lang ang gagawin ko? Iyon lang yata ang laman ng isip ko habang nakatayo at naghihintay ng utos at matapos siyang kumain.
Paranoid and nervous, mabilis ang pag-angat ko ng tingin nang tumunog ang upuan dahil sa pagtayo ni Sir Raikko. Tapos na siya.
Nagkatinginan kami. Now, I am sure that he is looking at me. I swallowed hard and decided to tore my first gaze again. Yumuko ako. Humakbang na siya at inilis sa akin ang tingin. Humugot ako ng malalim na buntong hininga nang tuloyan niyang nilisan ang dining.
Maybe I was just overthinking. Hindi naman nangyari ang iniisip ko hanggang sa pumasok na ako ng maids quarter sa pagtatapos ng trabaho. Nadatnan ko si Joy at iba pang kasamahan sa harap ng TV. Nanunuod sila ng Korean drama kagaya kagabi. Kung siguro ay hindi lang ako napagod sa sobrang pagiisip ay naupo na rin ako roon habang naghihintay na antokin.
"Hindi ka manunuod, Denny?" tanong sa akin ni Joy nang madaanan ko sila.
"Hindi na."
Tumang-tango naman siya at binalik muli sa TV ang tingin. Lumapit naman ako sa cabinet kung saan ang mga damit ko para kumuha ng pamalit. Nang makakuha na ay pumasok ako sa banyo para maglinis ng katawan at makapagpalit.
Binagsak ko ang katawan sa malambot na higaan nang makasampa sa ikalawang deck. Si Joy ang umuukupa sa ibaba.
Kamusta na kaya sina mama at mga kapatid ko? Dalawang araw pa lang pero pakiramdam ko ang tagal na. Siguro dahil ito ang unang beses na nalayo ako sa kanila. Hindi ako sanay na malayo sa kanila. Malungkot akong ngumiti habang nakatitig sa kisame. Ilang sandali din akong nakatulala lang bago nahila ng antok.
Sa sumunod na araw ay dumating na sina Mr. and Mrs. Montalba. Napaaga ang uwi nila sa kung ano mang dahilan. Hindi rin nagtagal dahil umalis sila patungo sa ancestral home nila. Bakasyon ngayon kaya, doon muna sila mamalagi. Sa isang haponan bago sila umalis ay nakita ko na rin ang panganay nilang si Sir Rurik.
Lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan. Naging komportable ako at nakakasabay na sa mga kasamahan. Mas nakilala ko sila. I was at ease, siguro nasasanay na rin. Hindi na ako gaanong nalulungkot dahil masaya namang kasama sina Joy. Naging madali sa akin ang pag-a-adjust dahil mabait sila sa akin at tinutulungan din nila ako. Sa isang bagay lang naman ako hindi yata masasanay... o mas tamang sabihin sa isang tao.
"Yaya!" maarteng tawag sa akin ng isa sa mga bisita sa araw na ito.
Umirap muna ako bago umikot. Sa loob ng dalawang buwan ko dito sa mansyon ng mga Montalba, ay madalas ang pagpunta ng mga bisita dito. Madalas tuwing weekend. Kung hindi mga kaibigan ni Sir Raikko ay mga pinsan naman. Siyempre hindi mawawala ang mga maarteng babae. Lagi ay iba-iba ngunit may kaparehas na katangian, maganda, sexy at mayaman. Kagaya na lang ng isang 'to. Vanessa yata ang pangalan niya.
"Bakit po?"
"Can you get me a clean towel?" sabi nito habang hinahawi ang basang buhok.
"Okay po."
Muli akong tumalikod at naglakad palayo. Nagawa ko pang gayahin ang itsura niya habang sinabi iyon. Agad din akong natigil nang makasalubong si Sir Montelo, pinsan ni Sir Raikko. May hawid din siya kay Sir Raikko at Sir Rurik. Malamang dahil magpinsan sila. Kasama niya ang dalawa pa nilang pinsan sa pagbisita ngayong araw.
Huminto ako sa paglalakad at ganoon din siya. Natawa siya kaya napakamot na lang ako sa batok ko. Mabait at palakaibigan si Sir kaya naman ay nakagaanan ko na din siya ng loob gaya ni Sir Illias sa loob lang ilang buwan. Nakakabiruan ko rin siya tuwing bumibisita rito. Again, magaan siyang makasalamuha hindi kagaya ng iba diyan.
"Good morning, Sir," nahihiya kong bati dahil nahuli sa pinaggagawa.
He chuckled softly.
"Can you drop the Sir, Denny? Nagmumukha akong propesor. Ilang beses na ba kitang sinabihan."
"Para naman kasing mali kung Montelo lang ang tawag ko sa ‘yo," katwiran ko.
He shook his head. "Just do it."
Lumagpas ang tingin ko nang makitang palapit na si Sir Raikko. I stiffened when I met his intense gaze. Nasa akin na ang tingin niya. At gaya ng palaging nangyayari ay kinakabahan na naman ako. May napupuna ako. Hindi ko alam kung dala lang ng malawak na imahinasyon o kung ano pero pakiramdam ko talaga pinag-iinitan niya ako. I mean, para bang ayaw niya sa akin kaya madalas ay ako ang inuutosan niya kahit may iba naman. Hindi ako nagrereklamo dahil parte ng trabaho ko bilang katulong ang sumunod sa utos ng amo ko pero kasi... may iba talaga akong pakiramdam. May galit yata talaga siya sa akin.
Kung dati ay madalas na nakangisi siya ngayon ay parang iritado siya lagi sa akin. Wala naman akong maalalang pagkakamali na nagawa aside from that scene I saw when I started working here. Hindi rin naman ako pinatawag tungkol doon. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito siya sa akin.
"Denny, please clean my room," utos ni Sir Raikko nang tuloyang makalapit sa amin.
"Opo," sabi ko at nag-iwas na ng tingin. Na-master ko na nga ang madalas na pagiwas sa kanya. Binalingan ko si Sir Montelo at suminyas na papasok na sa mansyon.
Pagdating sa loob kung saan nakalagay ang mga tuwalya para sa bisita, nagmadali akong kumuha ng isa at bumalik sa pool. Nadatnan ko silang maingay dahil sa kung ano mang nakakatawa. Inabot ko ang tuwalya kay Miss Vanessa. Tinanggap naman niya ito.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sir Raikko habang nakatitig sa akin kaya wala pa man siyang sinasabi ay nauna na ako. "Inihatid ko lang po ang tuwalya, lilinisin ko na po ang kwarto niyo."
Hindi ko na hinintay ang tugon niya at akma ng iikot nang may ipag-utos na naman ang isa sa mga babaeng narito. Pamilyar siya sa akin, natumbok ko agad kung sino siya nang maalala ang napanuod na commercial sa TV noong isang araw. Isang mestiza at pinakamatangkad sa tatlong babaeng narito.
"Can you please get me some water?" May accent pa ito.
"Sige po. Sandali lang po."
Hindi sinasadyang mapasadahan ko ulit siya ng tingin si Sir. Mas lalong kumunot ang noo niya. Para bang may hindi siya nagugustohan. Isinawalang bahala ko na lang at bumalik ulit sa mansyon para sa pagtugon panibagong utos.
Ngayon lang naman daw madalas ang mga bisita dahil walang pasok si Sir Raikko at hindi umalis para magbakasyon sa ibang bansa ang pamilya. Iyon ang sabi ng mga kasamahan ko.
I returned to the pool area bringing a pitcher filled with cold water and a clear glass. Pagdating ko ay lumalangoy na sila sa pool maliban kay Sir Raikko na nakaupo pa rin sa sun lounger. Nilapag ko ang dala sa lamesang naroon. Ramdam ko ang matiim na titig sa akin ni Sir Raikko.
I sighed and calm myself down. Lagi na lang ganito ang epekto niya sa akin. Apektadong-apektado ako kahit sa simpleng sulyap niya lang.
I turned my back when I am done, paalis na ako. Hindi pa man nakakalayo ay tinawag na naman ako. I inwardly groaned. Nakakainis na ang mga ‘to.
"Yaya! Do you have bottled water? Iyong hindi malamig. Iyon na lang pala," sabi noong mestiza.
Sinasadya ba nilang paisa-isa ng utos? Puwede naman kasing noong unang punta ko palang dito para dalhin ang pagkain nila ay sinabi na lahat ang mga request nila, 'di ba? Kaya naman naiirita si Joy tuwing ganito. Madalas ay nakikipagpalit siya sa akin ng gawain. Tumataas daw ang alta presyon niya sa kaartehan ng mga babaeng bisita. Totoo naman. Masyado silang demanding. Again, hindi ako nagrereklamo, sumusobra lang talaga sila.
"Kukuha lang po ako panibago," sabi ko kahit ang sarap ng ibuhos sa kanya ang isang pitsel ng tubig.
"Stop it Courtney," narinig kong suway ni Sir Montelo. "Ayos na 'yan Denny. Pumasok ka na sa loob."
Napatanga ako saglit dahil sa sinabi ni Sir Montelo. Nalilito naman ako kung tama bang sundin ko siya gayong may pinapakuha ang bisita. Nagtalo pa silang dalawa.
"I want a bottled water."
"Then get it yourself Courtney."
"It's her job. Com'on Montelo."
Nabahala tuloy ako. Kaya hindi ko na napigilang sumabat.
"Kukuha na lang po ako."
"No, Denny. Sige na," Montelo urged.
Although, still undecided, I walk away. Iniwan ko na ang pool area. Nang makabalik sa loob ng mansyon, inisip ko pa ulit kung kukuha ba ng panibagong tubig o aakyat na para linisin ang kuwarto ni Sir Raikko. Baka iyon ang ikanakairita niya kaya ang sama na naman ng tingin niya.
Ang arte naman kasi. Para tubig lang. Sa amin nga umiinom kami kahit tubig galing sa bukal.
Sa huli ay kinuha ko na lang ang panglinis bago umakyat sa kuwarto ni Sir Raikko. Inisip-isip ko pa ano ang lilinisan ko. Kahapon lang pinalisan iyon. Nang nautosan naman ako noong nakaraan, wala namang kalat. Napansin kong masinop at organisado sa gamit si Sir.
Ayos lang din naman sa aking maglinis, napagmamasdan ko kasi iyong gawa niyang tulay na nakasilid sa glass. Namamangha ako sa ganda ng istraktura. Sigurado akong ginugulan iyon ng panahon para maging ganoon ka detalyado. Engineering din ang kursong kinuha niya gaya ng nakakatandang kapatid. Nasa huling taon na siya ngayong darating na pasokan.
Pinihit ko ang hawakan at tinulak pabukas ang pinto. Pumasok ako at mabilis na ginala ang paningin, naghahanap ng kalat. Kumunot ang noo ko nang walang makita. Maayos ang higaan, ang bookshelf, ang study table at buong silid.
Alin ang lilinisan ko dito?
I shook my head. Baka ayaw lang talaga ni Sir na may kahit kaonting alikabok. Sa tingin ko naman kahit alikabok wala rin. Kaya talaga naiisip kong may problema talaga siya sa akin, e.
I walk closer to the glass cabinet. Binaba ko muna dalang panglinis. Maingat kong inangat ang kamay para haplosin ang nakapagitnang salamin, na para bang mahahawakan ko iyong tulay. Kung hindi ako nagkakamali, isa iyon sa pinaka-pamosong tulay sa buong daigdig. Hindi ko maalala ang pangalan, ngunit pamilyar naman sa akin ang istraktura. Tanyag ito at madalas makita sa mga libro sa araling panlipunan.
Napatalon ang balikat ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Mabilis akong pumihit paharap at nakitang pumasok si Sir Raikko. I feel so guilty, like I did something wrong... o dahil na naman sa kaba.
"Maglilinis na po ako," agap ko.
His thick brows furrowed before he walked towards me. I panicked. I am sure he saw me touching the glass case. Ito ang unang beses na maglilinis ako na nandito siya. Baka naman ayaw niya na hinahawakan ang personal niyang gamit? Sa kaalamang iyon ay nakaradam lalo ako ng kaba.
Huminto siya sa paghakbang.
"From now on, you will only follow my order." He said sternly. Bakas ang iritasyon sa mga mata niya.
"P-po?"
"At huwag ka na ulit tatanggap ng utos mula sa mga bisita... or better yet don't entertain them."
"Pero po... trabaho ko po..." Nalilito kong ani at hindi naman makuha ang ibig niyang sabihin.
His jaw clenched, mas lalo lang nadepina kung gaano ito kaperpekto.
"Who's your boss?"
"K-kayo po."
"Then you should only follow me."
Humakbang pa siya palapit, hindi ko alam pero kusang umatras ang mga paa ko kaya bahagyang tumama ang likod ko sa salamin. Mabilis ang kalabog ng dibdib ko, malamang dahil sa matinding kaba ngayon na hindi ko magawang umiwas sa mabigat niyang titig. Isang metro pa ang distansya namin pero kabadong-kabado na ako.
"Naiintindihan mo ba?"
"Opo!" Mabilis kong sagot dala ng panic nang humakbang pa ulit siya.
Tumaas ang kilay niya. Huminto siya at pumikit ng mariin. Mukhang iritadong-iritado na siya at pinipigilan lang ang sarili na sumabog. Hindi ko tuloy alam kung alin ang mas mabuti iyong nakangisi siya o ganito na mukha pang galit. Either way parehong kaba lang din naman ang nararamdaman ko.
"Why are you so f*****g afraid of me?" he fired; napigtas na nga ang pasensya.
"Huh?"
"Why can't you treat me like Montelo and Illias? Huh, Denny?"
Umawang ang labi ko kasabay ng pagkurap.