Chapter 23 "Hihintayin" "Who gave that bag?" Binaling ko sa kanyang ang tingin. Kanina ko pa napapasin na panay ang sulyap niya sa bag hanggang ngayon na nandito na kami sa loob ng mall. Pinagiinitan na naman niya. At mukhang hindi na nga siya nakatiis pa. "Binili ko." He arched his brow. Hindi siya naniniwala. Hindi naman talaga kapanipaniwala. "Ano na naman pong problema niyo sa bag?" "Sa bag wala, sa nagbigay meron." Umirap na lang ako. "Saan puwedeng makabili ng cellphone rito?" Ginala ko ang paningin. Wala yata sa first floor. "You're here to buy a phone?" Binalik ko sa kanya ang tingin. "Oo." "I told you, gamitin mo na 'yang cellphone." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Magtatalo lang kami at hindi puwede 'yon. He will surely win the argument and I will lose. Kaya h

