Chapter 34 "Playgirl" Sa sobrang iritasyon ko sa kanya pinaghahampas ko ang dibdib niya. Sa pangatlo nga lang nahuli niya na ang kamay ko. "Nakikinig ka ba!?" "I am." "Ano na lang sasabihin ni Maam? Ni Engineer kapag nalaman nila 'tong pinaggagawa mo? Sa tingin mo matutuwa silang malaman na... na nagkakainteres ka sa isang katulong?" Tuloy-tuloy kong sabi. "My parents got nothing to do with my life choices." Sinubukan kong bawiin ang kamay ko para hampasin ulit siya pero pinirme niya ito sa hita ko. "Where did you get that idea?... That's too much soap operas, Denielle Ele." Nakagat ko ang labi ko sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko. Mas tinaliman ko na lang ang titig sa kanya. Wala nga naman siyang pinaniniwalaan kung hindi sarili niya, remember? Argument is useless. "You do

