"ARE YOU OKAY?" Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay tanong sa akin ni Kael. Papunta kami ngayon sa mansyon ng mga Da Silva para sa kaarawan nga ng nag-iisa nitong kapatid na babae. At sa totoo lang, ay kanina pa talaga ako kinakabahan. Mula pa kahapon ay nagtatalo na kami nito tungkol sa kung ano ang susuotin ko sa pagpunta roon. Umuwi ito kahapon dala ang isang kahon na naglalaman ng isang napakagandang evening dress, na ayon dito ay binili nito sa isang kakilalang tumatahi ng mga damit para sa iba't ibang selebrasyon. At iyon daw ang nais nito na suotin ko para sa party na aming dadaluhan. Na mabilis ko namang tinutulan. Nakalimutan na ba nito kung saan kami pupunta? Tiyak na magtataka ang mga magulang nito, pati na rin ang ibang mga kasambahay sa mansyon kapag nakitang naka

