"HINDI KO NA NGA NAASIKASO NA TAWAGAN KA..." Pabalewalang turan ng madrasta ko nang komprontahin ko ito pagdating ko, kung bakit hindi kaagad sinabi sa akin ang paglabas ng papa ko sa ospital. "Sa dami ng ginagawa ko, uunahin pa ba kita?" Pagkapananghali na nang makarating kami ni Kael ng Milagros dahil nga inihatid pa namin si Nickos sa eskwela bago kami bumiyahe. Hindi tuloy namin inabutang gising ang papa ko. Ang sabi ng asawa nitong kauli ay nagsi-siyesta raw. "Eh, di sana sinagot mo man lang ang mga tawag ko," giit ko pa rin dito. Pigil na pigil ako na magtaas ng tinig, sa takot ko na magising ang papa ko at marinig kami. Kahit nakakaramdam ng inis ay pilit pa rin akong nagpaka-hinahon. Ayokong marinig na naman ng papa ko na nagtatalo kaming dalawa ng asawa niyang kauli at baka mak

