Chapter Ninety Three

1641 Words

"ANO'NG GINAGAWA MO RITO?" Sandali akong natigilan sa pagpasok sa silid ni Bogs dahil sa bungad nito. Nasa likod ako ni Vico, na kasunod ni Kuya Rafael. Sa likod ko ay ang iba pa naming pinsan. Lumingon pa ako sa likod ko. Si Aiken ang naroon. Pagbalik ko ng tingin kay Bogs ay sa akin nga ito nakatingin. Itinulak ako ni Aiken nang hindi ito kaagad makadaan kaya't wala akong ibang napagpilian kung hindi ang humakbang papasok. Umangat ang gilid ng mga labi ko rito. Dala ang bote ng alak na iniinom ko ay tinungo ko ang lazy boy malapit sa may bintana at doon naupo. Saka pahinamad na ibinaling ang tingin sa nagmumukmok naming pinsan. Nakasunod pa rin ang masama nitong tingin sa akin. "Tng ina mo, akala mo ba gusto kong pumunta rito?" Pinukol ko ng masamang tingin ang mga pinsan namin na sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD