"NASA MILAGROS SILA PAPA?" Kunot noo ko pa ring usisa kay Kael. "Hindi. Nasa San Clemente." Minsan pa, ay sinamaan ko ito ng tingin. "Ano ba talaga? Pinagloloko mo ba ako?" Napapangiwi namang napakamot ito ng batok. "I mean, nasa San Clemente pa sila, at doon din ako natulog." Hindi pa rin nawawala ang pagdududa sa mga mata ko. Kapag lang talaga ako, niloloko ng lalaking 'to. "Eh, ano 'yung sa Milagros?" "Doon gaganapin ang kasal natin." Ilang sandali akong napatitig dito. Hindi pa rin masyadong ma-absorb ng utak ko ang mga pinagsasasabi nito. "B-bakit doon pa? Bakit hindi na lang sa San Clemente?" Tanong ko. Bagaman sa kailaliman ng puso ko, may isang mainit na kamay na tila humaplos doon. Hindi ko sukat akalain na magiging parte pa rin ng buhay namin ni papa ang bahay na iyon,

