"HI! PASOK, PASOK!" Malapad ang ngiting salubong sa amin ni Brianna pagdating namin, para sa kaarawan ng kambal niya. Lumapit pa ito sa akin at nakipag-beso sa magkabila kong pisngi. Bago si Kael ay mahina nitong hinampas sa balikat at inangatan ng kilay. "You're late." Sita pa nito sa kaibigan. Natatawang kunwa naman ay inilagan lang iyon ng lalaki. Hawak nito ang dalawang malalaking regalo na binili namin para sa kambal. "Sorry. I overslept." Nakangising dahilan pa nito bago tumingin sa akin at pasimple akong kinindatan. Nag-init ang magkabilang pisngi na nag-iwas ako ng tingin. Alas singko na. Alas kwatro na nang pumayag ito na tuluyan na kaming makapaligo at makapagbihis. Iyon ay pagkatapos kong sabihin dito na hindi na talaga ito makakaulit sa akin sa buong panahon ng pagbubunt

