MESINA FUJIWARA POV Pumasok ako sa office ng aking asawa na si Denaro sa loob ng mansion. Pinagmamasdan ko ang magarbo nitong office. Hinanap ng mata ko ang ama ng mga anak ko na nakatayo ngayon sa bintana habang nasa likod ang dalawang kamay. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang mga nakakalat na larawan sa lamesa. Isa-isa ko ito tiningnan, lalo lumalim ang kunot ng noo ko ng makitang ang nagiisang anak ko na lalaki ang nasa larawan. Si Drake habang kahalikan ang anak ng kalabang angkan. Ang nagiisang anak ni Ezio. Tumikhim ako at umupo sa upuang katapat ng lamesa nito. Nilapag ko ang mga larawan. "Ano pinaplano mong gawin, Denaro?" "What do you think me to do, Mesina?" Tumingin ito sa akin, mababakas ang pagkaseryoso sa mga mata nito, "Kung hindi lang siguro magkalaban ang m

