CRISELDA POV Tintigan ko ang mapupula nitong nga mata, may kung anong hipnotismo ang bumubulong sa akin na hawakan ang mukha nito. Bumaba ang tingin ko sa mga labi nito, kumabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang mapula nitong labi na kagaya ng mga mata nito ay nang-aakit sa akin. May tila ba nagsasabi na sunggaban ko ang mga labi nito, naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko tanda ng nararamdam ko pagkapahiya sa sarili dahil sa naiisip ko. Kung ako marahil si Camilla maaaring hindi ako magdadalawang isip na gawin ang gusto ng isipan ko, pero dahil nasa original ako na pagkatao hindi ko magagawa iyon. Hindi ko alam kung ilang lalaki na ang nahalikan ng mga labi ko sa tuwing nagpapalit ako ng pagkatao, pero hanggang doon lang at hindi naman ginagawa ni Camilla ang ginagawa ng ib

