Criselda pov
Binaba ko ang dala ko tray sa lamesa, Malayo sa maiingay na studyante, kasama ko si Siera na wala na ang espada sa likod nito dahil ipinagbabawal para sa unang klase namin.
"Akalain mo, maganda at masasarap parin pala ang mga pagkain dito kahit pang-Asassin ang school na ito, because of this...." Siera puckering her lips in sneering, habang nilalaro sa kamay ang gold card na nakasulat ang salitang 'platinum'.
"Look, They have Platinum Card, so meaning they from famous family clan of assasin. " naririnig namin bulong bulungan ng mga iba studyante.
"Huh! Dami talaga tsismosa sa mundo, Hindi na nawalan ng mga inggitera. Tss...." bulong ulit ni Siera.
Mahina ako napangiti at sinubo ang spaghetti ko.
Nagulat ako ng may tumapong juice sa balikat ko, Paglingon ko namukhaan ko ang babae nagbuhos ng juice sa damit ko. As far as I can remember, She is Tarice.
"opss, sorry. I did not mean it. " sabi ni Tarice na maarteng humawak pa sa bibig.
Tumayo si Siera sabay duro sa mga ito. "Hindi sinasadya? O baka talagang sinadya mo! Magsorry ka na ngayon!"
Alam ko nangigigil na si Siera, Maiksi lang kasi ang pasensya nito. Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan sa akmang pagsugod.
Naiirita tinitigan ako ni Siera, pinasingkit nito ang mga mata mahahalata mo ang pag-pipigil nito na sa pakiwari ko ay malapait na sumabog. Pinag-pagan ko ang balikat ko na natapunan ng Juice. Hindi ko gawain ang pumatol sa mga kagaya ng mga nito. At alam ko rin ang ginagawa nito sa akin ay parte ng pang-bubully.
"You don't know who are you messing up!" Hirit parin ni Siera na umiirap na ang mga mata.
Pinag-krus ni Tarice ang braso, "So? Sino nga ba kasi kayo? Ay wait, mga transfery nga pala kayo, kami ang hindi niyo dapat binabangga."
Akmang hahablutin nito ang buhok ko ng maagap ko nahawakan ang kamay nito at naipilipit. Kahit ayoko magkaroon ng kaaway, Hindi naman ako papayag na ma-agrabyado sa lugar na ito. Nasa instict ko na siguro ang balak nito gawin, Ngumiwi ito sa sakit.
Susugod pa sana ang isa sa kasama nito ng mabilis na nakalapit si Siera at sinuntok ang babae kasama nito sa mukha. Ang ginawa ko pag-palag kay Tarice ay isang hudyat para kay Siera.
"Wag mo na ako guguluhin, Pwede ba? Kasi wala ako panahon sa iniyo." Mahinahon ko sabi, bago ko binalibag ang kamay nito.
"Alam mo ba ang pinaka-ayaw ng tagapagmana ng mga 'Schiro' ang mga babae insecure sa katawan at higit sa lahat ginugulo ang pagkain niya? " tiningnan ni David ang pangalan nakasulat sa name plate nito. "Ahh, Lacson Family. Gusto mo ba magsara ang business niyo? O baka gusto mo mawalan ng business partner ang Daddy mo? Mamili ka lang. "
"David." Tawag ko dito. Ayoko ang way ng pag-sasalita niya at paraan ng pananakot nito sa babae. Hindi naman kailangan ipag-malaki o ipakilala ng mga ito kung saan kami napapabilang.
"Kalma, Señiorita. Dapat lang nila malaman na ang babae binabangga nila ay isa sa makapangyarihan angkan sa buong Mafia. Now, You! Get lost!" Binalibag nito ang kamay ng babaeng sasampal sana sa akin.
Nagmamadaling umalis sa harapan namin ang grupo nila Tarice
.
Lumapit sa amin ang isang babaeng maganda. Ang babae na ito ay nakita ko na noon sa welcome hall, ang mala-ombre nito buhok na kagaya ng sa akin at mayroong maamong mukha pero mahahalata ang katigasan ng puso.
Tiningnan ako nito ng masama bago nito tiningnan din masama si David.
"Ano ka niya, Knight and shining armor? Tsk... O isa ka lang din mahinang nilalang at kinakasangkapan mo pa ang pagiging highest mafia ng pamily mo? Ano nga bang rank ng mafia kayo?" hinawakan nito ang name plate ni David. "Genovese, rank five? Ginagamit mo ang surname ng pamilya mo eh, rank five ka lang naman pala!"
Tumingin ito sa akin, "Schiro? Hmmm... Nasa rank three ka naman pala! Akalain mo iyon may kapanalig na rin palang pumasok sa school na ito. Ang alam ko malalakas ang angkan niyo, pero bakit pinagtatanggol ka ng isang rank five? Meaning mali pala si Daddy sa piniling kapanalig?" nasusurang tumawa ito
Sinabi ba nito ang salitang kapanalig? Meaning ba nito sa pamilya 'Sakuragi' ito napapabilang? Tiningnan ko ang bracelet sa may pulsuhan nito, naka-embraid doon ang tila kunai na may mga bulaklak. Kapag ang isang embraid sa isang gamit ay mayroon bulaklak, palatandaan ito ng pamilya Akatsuki, ang kinatatakutan angkan noon at nawala dahil naging asawa ng isang Sakuragi. Madalas kasi nawawala ang mga ranking ng isang mafia kapag ito ay nawala sa mundo or nakapang-asawa ng isa sa mga ranking.
Ang angkan ng Akatsuki, ay mayroon dalawang prinsesa . Wala kasi hahalili sa angkan nila dahil naputol na ito sa natitirang lahi ng mga ito. At para maipagpatuloy kinakailangan ng mga ito humanap ng kasing lakas din at kasing tayog ng kanilang angkan para mapanatili nito ang kapangyarihan sa buo mafia.
Ang bulaklak na mayroong kunai ay isang signatura na tanging sa dalawang anak na prinsesa lamang ng pamilya Akatsuki ibinibigay. Mayroong sabi-sabi na namatay ang unang anak ng pamilya na si Aphrodite dahil sa taksil na kapanalig ng pamilya Akatsuki. At ang natitirang anak ng mga ito na si Athena na naging asawa ni Zeus Sakuragi. Pinag-isa ng mga ito ang dalawang angkan kaya ang dati rank ng pamilya Sakuragi ay rank two ay kasalukuyang naging rank one sa buong mafia.
Ang naka-embraid sa bracelet nito ay para bang familiar sa akin. Para bang nakita ko na sa kung saan, Pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.
"Oh, Natulala ka na diyan? Back to earth ghorl!" anito habang pumipitik sa harapan ko.
Kinurap ko ang aking mga mata saka bumuntong-hininga at tumingin akomula sa babaeng ito. "what are you talking about? Hindi naman namin pinagmamalaki angkan na pinang-galingan. Kung nag-aalinlangan ka dahil sa tingin mo mahihina ang angkan namin so be it! Tell to youre parents! Princess Sakuragi."
Nakaka-insultong tumawa ito. "Impressive! Ibang klase! Tipikal na Schiro! Ganyan na ganyan din ang leader ng angkan niyo siguro ikaw ang nag-iisang anak niyang babae! A friendly advise, bawal ang inosente dito baka ikapahamak mo. Hindi lagi nandiyan sa tabi mo ang knight and shining armor mo." matalim ang mga mata nito na tila ba isang pag-babanta nais nito sabihin.
Sinundan ko ang pag-alis nito nakita ko pa ang pag-irap nito kay David ng mapatingin sa lalaki bago tuluyang umalis sa harapan namin.
"Napaka-yabang, Tipikal din na Sakuragi!" himutok ni David. "eh, ano kung rank five lang angkan ko, Nakaka-asar ang babae na iyon!"
"Sus! David! Ganyan kaya klase ng babae ang dinadate mo sa Italy, Wag nga kami!" pang-aasar pa ni Siera na hindi man lang naiirta sa sinabi ng Babaeng Sakuragi.
"Ang tipikal na gusto ko iyon kagaya ni Criselda!" sabay kindat sa akin. "kapag natuloy kasal namin ni Criselda nasa rank three na rin kami no!" Sabay tawa.
"Asa ka! Hahaha. Kahit i-anounce nila tito na fiancé ka ni Criselda, ang pinsan ko parin ang mamimili ng mapapangasawa niya. Dapat alam mo na iyan! Kayang iwan ni Criselda ang angkan kapag pinilit ipakasal saiyo. Sorry ah, it's really hurts dude! Pero masakit talaga ang katotohanan."
Ginulo ni David ang buhok ni Siera. "Napaka-bastos mong bata ka! Tipikal na Schiro ka talaga diretsa magsalita!'
Tipid ako ngumiti kay David. Alam ko nasaktan ito sa sinabi ni Siera. Pero alam din naman nito totoo ang lahat ng sinabi ng pinsan ko. Ilan beses na rin ito nagsabi sa kanya ng nararamdaman pero diretsahan ko bina-basted.
Bigla ko naalala ang lalaki mayroon mapupulang mga mata. May takot ako naramdaman sa tuwing maaalala ito, pero may bahagi ng isipan ko gusto ko siyang muling makita. Ano ba nararamdaman ko ito? Tila ba may gumugulo sa isipan ko, na-aamaze ba ako sa mga mata nito? O meron ako gusto tuklasin kung gumagamit ba ito ng contact lens o natural ang mga ito. Sa pagkakatanda ko kasi sa mga turo noon sa akin, ilang dekadang taon na pilit gumagawa ng eksperemento ang angkan ng mga ito para mahigitan ang nangungunang Akatsuki noon. Mayroon ding lihim ang mga Akatsuki na sa hanggang sa ngayon pilit tinutuklas ng mga kalaban nito sa mafia.
Muli kaming umupo sa lamesa at pinagpatuloy ang pagkain. Si Siera naman umorder ulit ng pagkain para kay David. Napalinga ako sa paligid, pakiramdam ko kasi mayroong nakatingin sa akin. Iniisip ko marahil guni-guni ko lang, isa siguro sa mga tsismosang binabantayan ang bawat galaw ko. Pakiramdam ko tuloy, I mean always ko namang nararamdaman na agaw-pansin talaga ako kahit saan ako magpunta. Pero iyong pakiramdam ko kasi ngayon tila ba kakaiba. Ipag-sasawalang bahala ko na lang sana kaso napatingin ako sa may kisame napansing ko ang isang cctv.
Napansin ko ang pag-pula ng mga tila light nito, isa ito Wi-Fi Cctv. Ibig ba nitong sabihin nakikita at naririnig nito ang lahat ng nangyayari sa canteen? Sino gagawa nito? Naalala ko, ang elite school pala na ito ay pag-mamay-ari ng kalaban ng aming angkan. Ang may-ari ba ang may pakana ng Wi-fi CCtv o ang President of Council?
Tinaasan ko ito ng kilay na para bang ipinapa-alam ko sa mga ito na alam ko wi-fi cctv na mayroon audio sound ang gamit ng mga nito, saka ako umi-rap. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-kain at hindi na ito pinansin pa. Siguro ang president of council ang nag-install nito, may pagka-tsismoso pala ang lalaki na iyon, kaya pala nalalaman nito ang lahat ng nangyayari sa buong campus.