XIII. Jealous

1070 Words
XIII. Jealous Ilang beses kong ginustong magmura dahil sa pagiging mabilis ng mga araw. Sabado na ulit at katulad nga ng napag-usapan naghahanda na kami papunta sa lugar ng pagshoshooting-an. "Susunduin raw tayo ni Josiah, Ma." Hindi nalalagpas sa akin ang paggamit ni Ali sa pangalan ng ama. Ayoko namang suwayin siya roon at sabihing igalang ang lalaki dahil ayokong maghinala pa siya sa pagiging 'mabait' ko sa sarili kong boss. "Akala ko ba ayaw mo sa lalaking 'yun?" matamang sabi ko. Hinuhuli ang posible niyang maging reaksyon. "Ayaw ko nga po," mabilis na sagot nito. "Oh, eh ano 'yan?" "Nabubusog ako, Ma." hindi ako makapaniwala kaya sumobra ang pagtawa ko. "Weakness ang food, ha." Hindi pa nagtatagal ang pagtatawanan nang makarinig na kami ng katok, si Josiah na 'yun. Hindi na kasi ako magdadala ng sariling sasakyan dahil ilang beses ring nagpilit si Josiah na sakanya na lang ang gamitin naming tatlo. "Ready?" bungad nito sa amin bago excited na lumabas si Ali at dumerecho sa sasakyan nito. "Anak, dahan dahan naman. Baka masuka ka na nyan," suway ko sa anak na wala nang ibang ginawa kundi ngumatngat ng kung ano sa byahe. Pag-alis sa bahay, iyon na ang ginawa niya at hanggang ngayon. Nagkibit-balikat lang si Ali, sensyales na hindi ko ito mapipigilan sa kakakain ngayon kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa dinadaanan. Ang totoo, kinakabahan ako. Pinag-aaralan ko namg mabuti ang mga pupuntahan doon kaya nasigurado ko na rin na hindi magkukrus ang landas namin nila mama. Paniguradong manggagalaiti iyon kapag nakita si Josiah lalo pa kapag kasama kaming dalawa ni Ali. Sa Polillo lang at Jomalig kami magpupunta. Samantala, nasa Lucban naman ang bahay namin doon. Mabuti at puro beaches ang pinuntahan ng mga bida ko kaya ganoon rin ang paniguradong susundin namin. "—Lucban, sa Lucban kami." naagaw ang atensyon ko ng biglaang pagsagot ng anak. Tinanong ata siya ni Josiah kung saan ang lugar namin sa Quezon. "Really? Isiaah told me na may property kami roon, we can go there if you—" "No!" sa biglaang pagsingit ay napatingin tuloy sa akin ang dalawa. Nagtatanong ang mga titig ni Ali samantalang madaling tingin lang ang naibigay ni Josiah bago tumuloy sa pagmamaneho. "'Wag. 'Wag na tayong magpunta. Hindi naman 'yun kailangan sa shoot." Iniba ko na ang tingin ko. Bakit ba ako nanginginig? Bakit ba ako kinakabahan? Malayo layo pa naman ang bahay nila Josiah sa bahay roon pero hindi ko kayang isugal ang pagpunta roon. Matagal ko nang kinalimutan ang lugar. Matagal ko nang binaon sa limot. Nagpatuloy sa pagkain si Ali na nasa passenger's seat. Samantalang ako naman ang nasa likuran. Inubos ko ang tatlong oras na byahe sa pagkakalikot sa telepono. Wala naman akong choice! "Tanya!" laking tuwa ko nang makita ulit ang direktor pati ang iilang staff na naroon pero mas natuwa ako nang makita ang mala-gintong buhangin ng Kanaway Beach sa Jomalig, Quezon Province. Kahit dito na ako lumaki, hindi man lang ako nakapunta rito. Madalas sa Lucban lang kasi naglilibot noon. "Hi! Kanina pa kayo?" Si Alice at Baste na ang kinausap ko ngayon. Naging abala na kasi si Direk AJ sa pangungumusta sa anak ko. Pagkatapos ng kaonting usapan, pinili na namin na magpunta sa sarili-sarili naming kwarto. Kasama ko ulit ang anak ko sa kwarto pero mas malaki iyon kaysa sa nauna naming kwarto sa Batangas. Sinikap kong madaliin ang pagliligpit ng iilang gamit bago inunahan ang anak bumaba para sa dalampasigan. Masarap sa pakiramdam ang ganoon. Madaling kinuha sa akin ang pagkabata. Sa edad na dise-sais, pinilit ko ang sarili kong magpakananay kay Ali. Mahirap iyon. Mas malaki ang tsasang mangulila sa mga bagay na hindi mo na maaaring gawin. Kaya ang anyong tubig na nasa harap ang nagbalik ng pagkabata ko. Hinubad ko tsinelas na ipinalit ko sa pumps pagkarating ko rito at tinungo ang mas malapit na view sa lugar na iyon. Inilulubog ko madalas ang mga paa ko sa buhangin, paminsan minsan ay magtatampisaw sa tubig. Sinubukan ko ring isulat ang pangalan ko at pangalan ni Ali sa gintong buhanging naroon. Nang maipanganak ko si Ali, buwan lang ang inantay noong lumipat kami sa Maynila para isabak ko ang sarili sa trabaho. Wala ng naging oras sa pagsasayang katulad nito. "Hi!" napasinghap ako noong biglang may nagsalita sa gilid. Grupo pala iyon ng mga lalaki, iilan ay foreigner at ang iba ay mga Pilipino. Nagkataon lang na may halong amerikano ang kumausap sa akin ngayon. Nginitian ko agad ang grupong iyon bago ko sinilip ang mga kasama. May kalayuan ang pwesto nila pero tanaw ko roon si Ali na mukhang nag-e-enjoy rin naman. Nang binalingan ko ulit ang lalaki ay doon ko pa lang napagtantong lahat pala ng kasama nito ay may kanya kanyang pares at siya lang ang wala. "Hello," nakangiti kong sambit. Isinuot kong muli ang tsinelas ko nang namataang papalapit ito sa akin. "Tourist?" "Work," tipid kong sagot. Ngayon, alam ko na kung bakit hindi ako nagkakaroon ng kahit lalaking kaibigan man lang bukod sa pambabakod ng anak ko. "I'm Rodney, by the way." napansin ko ang pagsulyap nito sa kamay ko bago ngumiti. "You are?" Naglahad siya ng kamay sa harap ko kaya lang nang akmang aabutin ko iyon ay napaimpit ako ng biglang may kamay na humawak sa beywang ko. "She's... mine." nang bumaling ako sa lalaking iyon ay ang kakisigan ni Josiah ang tumambad sa akin. Anong ginagawa nito? "I'm Josiah." ang kamay niya ang siyang umabot sa nakaambang kamay ng lalaki sa harap ko. Mukhang nakuha naman iyon ng amerikano kaya mabilis din itong umalis matapos magpaalam. "Mine na pala ang pangalan ko?" Hindi ko alam pero bigla na lang may nagtudyo sa aking mas asarin pa si Josiah. Pero imbes na gatungan pa iyon ng lalaki ay nanahimik lang ito at sumimangot. "Huy! Anong problema mo?" Nagpagpag na ako ng damit, pinaplano nang puntahan ang set. Nakakahiya naman kung magtatagal ako rito at umarteng bakasyon ang pinunta. Nang hindi pa rin nagsasalita ang kasama ay mariin ko pa itong tinawag, "Anong problema mo—" Natutop ang labi ko nang nagawa niya akong siilin ng halik. Mabilis lang iyon pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magpabaling baling sa lugar para malaman kung may iba bang nakakita noon. "J-Josiah!" Dapat magalit na ako, ha! Nakakadalawa na ang lalaking ito! "Tanya, nagseselos ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD