Chapter Two
12 years later...
Labin dalawang taon na ang lumipas. Ngunit sariwang- sariwa pa rin sa ’kin ang lahat. Ginugul ko ang buong buhay ko sa pagtatraining. Hinasa ako ni tito. At ngayon magiging m’yembro na ako ng Black Spade.
Ang grupong ito ay isang organisasyon. Na ang layunin ay ‘Bigyan ng hustisya ang mga naaapi, kung walang magawa ang gobyerno. Kami ang gagawa ng batas’.
Ang groupong ito ay isa sa pinakamalaking organisasyon na nagbibigay katarungan sa mga naaapi. Hindi nga lang saklaw ng gobyerno ang mga pinaggagawa ng Black Spade. Binibigyan ng hustisya ng Black Spade ang mga taong inapi, at hindi magawang ipagtanggol ang sarili. Isa itong underground business, kami ang nagpapataw ng parusa. Kung ito ba ay kamatayan? O habambuhay na pagdurusa. Tanging kami lang dalawa ni tito ang nakakaalam tungkol sa pagsali ko.
Ngunit, madami rin namang kakumpitensya ang organisasyong ito na naging dahilan ng pagkakaroon ng hidwaan. Hindi lang naman kasi pagtatanggol ang ginagawa sa organisasyong ’to. Pati agawan ng business ay mangyayari rin.
Simula noong napuno sa paghihiganti ang puso ko, ipinangako na ako ni Tito. At itinakdang magiging isa ako sa kanila. Bata palang ako nun ay kinikwento na niya ang tungkol sa organisasyon.
“Bagong salta ka?” Ngumising tanong ng isa. Tinanguan ko lang siya.
Lumakad siya papalapit sa ’kin. Pinakiramdaman ko siya. At wala pa sa alas kwatrong napunta na siya sa likod saka tinutukan ng kursilyo ang leeg ko. Ngumisi ako, ganda ng simula hah. Mabilis na hinawakan ko ang kamay niyang may hawak ng kursilyo. At umikot ta’s binalibag siya. Nagulat siya dahil sa nagawa ko.
“Tsk, don't underestimate a woman,” saad ko bago siya binitawan. Naiwan siyang tulala sa sahig.
“Chicaina!” Nilingon ko ang tumawag. Natanaw ko si tito, at dalawang lalaki na kasing edad lang niya. May kasama silang isang babae, siya ang tumawag sa ’kin. Naka black fitted dress ang babae. Pati lipstick ay black din.
“Welcome to the group.” Ngumiti ang babae.
“Nakita ko ang ginawa mo kanina. And I was impress!” Ngumisi ako, at bumaling sa lalaking hanggang ngayon ay tulala pa rin sa sahig.
“Sumunod ka sa ’min,” ani ng isang lalaki. Naglakad na kami, nandito kami ngayon sa isang barko. sa groupong ito. Marami rami na kami.
Nandito na kami ngayon sa isang malapad na kwarto. Nakaupo sa isang upuang na sa gitna ang isang lalaking may balbas. Kasing edad lang ni Tito. Lumapit si tito at bumulong. Sinulyapan ako ng lalaki bago ngumisi.
“Welcome to the organization Chicaina Rivera!” bati niya, binati rin ako ng iba.
“We all know you, but you don't know us,” wika ng babae kanina. Tama siya halos kilala ako ng lahat. Pero si tito lang ang kilala ko dito.
Ngumisi muna ang babae. Bago nagpatuloy sa pagsasalita. Ramdam na randam ko ang titig ng lahat. Na tila kinikilatis ako.
“I'm Meliza San Diego.” inilahad niya ang kamay. Tiningnan ko muna ito, bago nakipagkamay.
“And he's Lord Hell.” Tinuuro niya ang lalaking may balbas. Siya ang may pinakamataas na rank.
“Tawagin mo siyang Lord,” bulong ni tito. Hindi ako nagsalita, tumango lang ako. Nalaman ko ring si tito ang second master. At ’yong babae ang asawa ni Lord Hell. Pero hindi nga lang halata.
Sininyasan ni Lord Hell ang isang lalaki sa tabi niya. Tumango ito at lumapit sa ’kin. “Miss Chicaina Rivera. I'm honor to give you this protection.”
Tinanggap ko ang isang box. Binuksan ko ito at tumambad sa ’kin ang dalawang rebolber.
Umuwi na ako sa bahay matapos kanina. Si tito ay nagpaiwan doon dahil may aasikasuhin pa raw sila. Mag-isa akong naglalakad sa kalsada. Naka hoddy na kulay black at ripped jeans.
Pinagmasdan ko ang paligid. May mga naglalaro na mga bata sa park. May nag da-date at nag pi-picnic. Sa isang bench naman, may isang lalaking tulala lang.
Inaamin kong may itsura ang lalaki. Basi sa obserbasyon ko, Halo halong emosyon ang tinatamasa ng mga tao. May masaya, malungkot. Kung isusulat ko ang mga sitwasyon ngayon. Makakabuo ako ng isang mapait na may halong sayang kwento.
Lumakad ako papalapit sa isa pang bench at umupo muna doon, mas mabuti pang dito nalang ako. Sariwa pa ang hangin. Maraming magandang tanawin. Pero pag na sa bahay ako, mapupuno lang ako sa sumbat. Na sa bag ko ang box. Alam kong delikado dahil may dala dala akong armas. Pero wala akong pakialam.
Tumunog ang cellphone ng lalaking na sa kabilang bench. Palihim akong sumulyap sa kanya. Nakahood din siya, kaya lang ay kulay dirty white.
Hindi ko maikakailang may itsura siya. Matangos ang ilong , maputi matipuno ang pangangatawan at maganda ang labi. Kung ibang babae lang ako. Siguro nawindang na ako kanina pa.
At kinilig na, pero iba ako sa lahat. Tsk, alam na alam ko na ang mga ordinaryong babae. ’Yong pagnakakita ng gwapo ’di magkamayaw. Kinikilig tas yung pananalita ay nagiging ganito 'enebe be kenekeleg eke.’
Syempre alam na alam ko. Bukod sa gusto kong maging doctor. Gusto ko rin ang pagsusulat ng nobela. Ganyan na ganyan ang mga babae sa mga nababasa ko. Pati na sa totoong mundo.
“Yes...picturial?...okay okay...umm... bye.” Nawala na ang lungkot sa mga mata niya. Ngumiti siya ng bahagya, mas maganda siya tingnan pag nakangiti. Naglakad na siya papalayo.
Ang lapit ko lang sa kanya. Pero hindi niya ko napansin. Tsk, umalis nalang ako. Naglakad lang ako pauwi ng bahay. Nang biglang mag ring ang cellphone ko.
“Hello tito?” sagot ko sa tawag.
“Bukas ka na magsisimula sa misyon mo sa mga Trinidad.” Naganahan ako, magsisimula na ako. Kinuyom ko ang aking kamao . Naalala ko pang hindi naniwala ang mga pulis sa sinabi ko noon.
Dahil wala kaming mabisang ibedensiya. At isa pa hindi naman daw kami kilala ng mga Trinidad. Hanggang sa dumating sa punto na naging close na ang imbestigation tungkol sa kaso nila mama.
“Bilang isang katulong,” dugtong ni tito bago pinatay ang tawag. Kahit pa maging yaya ako. Kung ’yon lang ang paraan para makapaghiganti ako.
Nandito na ako ngayon sa bahay. Nag text naman si tito. Sabi niya stay-in daw ako sa bahay ng mga Trinidad. Habang abala ako sa pag-iimpaki bigla kong narinig ang sigaw ni tita Olivia.
“Chicaina! Hindi ka manlang nagsabing nandito ka na!?” Narinig ko ang mga yapak niyang papaakyat sa kwarto. Hanggang sa nakita ko na siyang bigla nalang binuksan ang pinto ng kwarto.
“Sorry tita, nakita ko pong busy kayo. At ba ka magalit na naman kayo sa ’kin.” Yumuko ako ng bahagya.
“Aba sumasagot ka na! Ang kapal mo talaga ano? Pinalamon ka na nga namin. Tapos sasagot sagutin mo lang ako!?” bulyaw niya habang dinuduro duro ako, pinigil ko ang mga nagbabadyang luha.
“Bwesit ka! 'Wag na 'wag kang kakain ngayon. Bababa ka lang kapag may ipag uutos ako sayo!” bulyaw niya at napalakas ang pagduro sa ’kin. Kaya nawala ako sa balanse at napaupo sa sahig.
Tumakip ang mahaba kong buhok sa mukha. “Opo,” sagot ko habang pinipilit pigilan ang mga namumuong luha sa mata.
Naiwan akong nakayuko, habang si tita ay nagpunta na sa kusina. Hindi ko alam kung bakit sunod-sunod na ang kamalasang nangyayari sa buhay ko.
Gusto ko na ngang mamatay e, pero may misyon pa ako. Ayaw kung mapunta sa wala ang pagkamatay nila mama.
Hindi naman siya ganito noon e.
Namulat nalang ako na naging ganito na ang trato niya sakin.
Sunod sunod na malakas na katok ang narinig ko. Binuksan ko ang pinto. At tumambad sa harapan ko si ate Charm.
“Saan ka galing hah!? Gumagala-gala ka na? Para hindi ka mautusan ni Mom? Ang kapal ng mukha mo!” Lumakad siya sa harap ko hinawakan ang baba ko at inikot ang mata niya, hindi ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik.
Tiningnan niya ang kabuuan ng kwarto, at tumaas ang kilay nang makita ang maleta sa ibabaw ng kama. Kinuha niya ang damit ko doon at tinapon sa ’kin.
Nakapameywang niya pa akong hinarap.
“Aba nag iimpake ka? Sasama ka na ba sa lalake mo? Ang kapal talaga ng mukha!” Pinigil ko ang damdamin, nag-init ang sulok ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim, bago tumayo at sinagot siya.
“Wala akong lalaki, may trabaho na ako. Magsisimula ako bukas. At stay-in ang trabaho ko.” Nagpigil ako ng luha.
“Aba, Mom!” Nangunot ang noo niya at umabot hanggang langit ang kilay.
“May trabaho na siya at stay-in daw. O, ba ka palusot niya lang para makalandi kahit kanino!” sumbat ni ate Charm.
Humawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko, alam ko ganito na siya sa ’kin noon pa mas lalo pa ngang lumala ngayon. Pero, kahit ganoon ate ko pa rin siya.
“Sino pa ba ang lalandiin mo? Matapos mong landiin si Fred. May iba ka na naman?” dagdag niya.
“Wala akong gusto sa kanya.” Plastic siyang tumawa. “Argh! Malandi ka talaga, Mom. Turuan mo yan ng leksyon.” Namumula ang mukhang umalis si ate Charm, naiwan si tita. Mula ulo hanggang paa niya akong tinitigan.
Si Fred Salazar ang boyfriend ni ate Charm. Naghiwalay sila nang umamin si kuya Fred na may gusto raw siya sa ’kin. Pero hindi ko naman siya pinatulan. Kaya nga lang, ako ang sinisisi ni ate sa paghihiwalay nilang dalawa.
“Minsan kasi bawas-bawasan mo ’yang pagiging malandi mo. Naku, kung hindi mo nilandi ang boyfriend ng anak ko. Masaya pa sana sila ngayon,” asik ni tita, bago sinundan si ate Charm.
Hindi ko sila magawang sagut-sagutin ng pabalang. Dahil kahit papaano ay may naitulong sila sa ’kin. Kung hindi dahil sa kanila palaboy laboy na sana ako ngayon. Siguro palagi akong gutom, at walang matutulugan. Kaya kahit papaano mahalaga sila sa ’kin.
Buong magdamag ako sa kwarto. Hindi ako bumama, kahit na nagugutom na ako. Eh kahit na bumaba naman ako, hindi ako pwedeng kumain. Dahil pagnapagalitan ako, bawal kumain o uminom man lang ng tubig na galing sakanila. Tinignan ko ang drawer ko. Buti nalang at may isa pang biscuit.
Kinaumagahan...
Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong inabot, unknown number ang tumatawag. Pero sinagot ko pa rin ito.
“Hello?”
“This is Meliza, pumunta ka dito,” aniya. Pumipikit pa ang mata ko ngunit nilabanan ko ito. Kinusot ko ng dalawang beses ang mata. Sinabi niya rin sa ’kin ang addres.
“Dalhin mo ang mga gamit mo. Ako ang maghahatid sayo,” dagdag niya at pinatay ang tawag. Umunat ako at kinuha ang tuwalya sa drawer, nagtungo ako sa banyo at naligo. Matapos maligo at magbihis, nilapitan ko si tita, nakaupo siya sa sofa. Tumikhim ako.
“Tita aalis na po ako.” Magalang na saad ko, habang si tita ay nakabaling lang ang atensyon sa panonood ng TV.
“Edi mas mabuti! Haays, wala na akong palalamunin! Kaya shoo umalis ka na!” Ginaya niya ang kamay na parang aso ako, hindi ako umimik kaya tiningnan niya ako at pinanlakihan ng mata.
“Ano pang tinutunganga mo d’yan? Pero teka, tutal may trabaho ka na kunin mo ’to.” May kinuha siya sa pitaka niya at binigay sa ’kin ang isang papel. Kumirot ang puso ko ng makita kung ano ang nakasulat sa papel.
“Oh, iyan tulala ka d’yan?! 'Di ka ba marunong magbasa? Mga babayaran mo ’yan! 'Yong sa pagpapaaral ko sa ’yo. Sa mga binili kong damit, mga pagkaing kinakain mo. At ang pagtira mo rito! Akala mo ba libre lang? Babayaran mo lahat ’yon!”
Pinigilan ko ang pagluha, simula nang nawala sina mama at papa nawala na ang salitang pag ibig sa buhay ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi upang pigilan ang pag iyak bago tiningnan ng deretso si tita.
“Sige po tita, magpapadala po ako. Maraming salamat.”
*****
Nagpunta na ako sa adress na binigay sa ’kin ni Meliza. Nandito kami sa loob ng isang cafeteria. Kaunti pa lang ang mga tao. Nilibot ko ang paningin, nakita ko siya sa pinakadulong mesa malapit sa glass na bintana. Hindi na siya nakasuot ng black, kung ikukumpara sa suot niya noon. Masasabi kong pang normal at simply ang suot niya.
Lumapit ako sa kanya. “Nandito ka na, take a sit.” Tinuro niya ang kaharap na upuan. Tumango ako bago umupo doon.
“First of all dapat matutu kang makisama. Alam mo ba ang mga gawaing bahay?” Muli akong tumango.
“Pipi ka ba? Matutu kang magsalita.”
Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Kaya ko nga ba? “You act disrespectful, dapat pagkinakausap ka tumugon ka. ’Wag ‘yong puro tango ka nalang,” aniya.
“Okay.”
Matapos ang usapan namin ni Meliza. Hinatid niya ako sa apartment. Akala ko bahay ng mga Trinidad? Pumasok kami sa isang unit, ang ganda sa loob at sa mga desinyo at gamit, halatang mayaman ang nakatira.
“Si Cloud ang magiging amo mo,” wika niya.
“Akala ko si---” Naputol ang pagsasalita ko nang bigla nalang siyang yumuko.
“Goodmorning sir.” Nagpasalit-salit ang tingin ko kay Meliza at doon sa lalaking tinawag niyang sir. Nang mapagtanto kong dapat yumuko rin ako. Pero huli na.
“No need,” saad ng lalaki. Ngumiti ito. Teka, napaka familiar ng mukha niya. Siya ‘yong lalaking nakita ko sa park.
“Sir, she's Chicaina Rivera. The new maid,” ani Meliza.
Naiwan na ako dito. Habang si Meliza ay umalis na. Seryoso akong nakaupo dito sa sofa, habang hinihintay si Sir Cloud. Kaedad ko lang pala ang magiging boss ko. Hinihintay ko siya dito sa sala. Dahil magbibihis pa raw siya. Mukhang mabait naman siya. Pero hindi ako basta bastang magtitiwala dahil isa siyang Trinidad.
Pagkatapos niyang nagbihis agad siyang nagtungo dito. Nakasuot siya ng black shirt na pinaresan ng white above the knee short. Ang simple ng suot niya. Pero bagay na bagay sa kanya.
“Ehem....” Tumikhim siya kaya umiwas ako ng tingin.
“In case you don't know me, I'm Cloud. The most famous model.” Ngumiti ito ng husto. Ang hangin niya, hindi ako umimik at nakatitig lang sa gawi niya.
“Hindi ka man lang magugulat?” Hindi siya makapaniwala.
‘Pagkinakausap ka tumugon ka.’
Naalala ko ang sinabi ni Meliza. Kaya ilang segundo ang lumipas bago ako nagsalita.
“Bakit ako magugulat?” tipid na tanong ko. Nanlaki ang mata niya at napahawak sa ulo . Ta’s my iniisip ’ata siya. “You know, model ako, gwapo, dagsain ng chicks, kaya ’yon,” pagmamayabang niya.
“By the way, ayaw ko yang emotionless na expression mo.” Tinuro niya ang mukha ko. Huminga ako ng malalim. Paano ko nga ba mababago ang sarili ko?
“Anong gusto mo?” Tumayo siya sa sofa.
“Nevermind, sumunod ka sa ’kin. Ituturo ko kung saan ang kwarto mo,” dagdag niya.
Sumunod ako habang dala dala ang maleta. Tahimik akong nakasunod sa kanya. Habang siya ay nakasuksuk ang dalawang kamay sa bulsa habang sumipol sipol.
“Ito na ang magiging kwarto mo.” Yumuko ako, para mag bigay galang bago pumasok sa kwarto.
“Deadma ang kagwapuhan ko.” Mahinang wika niya. Hindi ko siya pinansin. Kaaway rin dapat ang tingin ko sa kanya. Dahil anak siya ng taong nagpapatay sa mga magulang ko.
Kinaumagahan maaga akong nagising at naligo muna. May sariling banyo ang kwartong ito. Kaya hindi ako mahihirapan. Pagkatapos maligo agad akong nagbihis. Teka, hindi pa binigay sakin ni sir Cloud ang uniform ko. Kaya simpleng black shirt at maong na ripped jeans ang sinuot ko.
Lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa kusina. Ano ba ang paborito niya? Nilibot ko ang paningin. At naghanap ng maluluto. Kumuha ako ng isang itlog at sausage, nikuto ko muna ang itlog na sunny side up ang style. Bago pinirito ang sausage.
Tiningnan ko ang wrist watch, 6:00 palang ng umaga. Inihanda ko ang pagkain sa mesa. At hinantay nalang siya, Mayamaya pa ay natanaw ko siyang papalapit dito sa kusina. halatang bagong ligo, dahil basa pa at buhaghag ang buhok.
“Goodmorning,” bati niya. Bumaling siya sa ’kin, nakangiti na naman siya. Ganito ba talaga siya? Tumango lang ako bilang tugon sa pagbati niya. Tumugon ka pagkinakausap ka. Naalala ko na naman ang sinabi ni Meliza.
“Goodmorning.” Napatingin siya sa ’kin, bago umupo sa stool.
“Pfft--- late ka na nag good morning.” Nagpipigil siya sa pagtawa. Good mood yata siya palagi. Sinimulan na niyang kainin ang itlog. Nagtimpla ako ng kape at binigay sa kanya.
“Salamat,” saad niya, tipid akong tumango bago lumakad palapit sa kawali at binaba ito sa stove. Kinuha ko ang natitirang suasage at nilagay ito sa plato. Tahimik kong nilagay sa harap niya ang sausage. Nag-angat siya ng tingin.
“Kumain ka na ba?” Umiling ako.
“Kumain ka na,” aniya at inabot ang platong may sausage.
Tiningnan ko siya, bakit inaalok niya akong kumain? Tsk. “Hoy, it’s an order from your boss. Eat.” Umiwas ako ng tingin, at kumuha ng tinidor. Tsk. Hindi man lang siya nahihiya, masyado siyang feeling close o sadyang friendly lang siya?
Sa gitna ng katahimikan. Biglang tumunog ang cellphone niya agad niya itong in-open. Tiningnan niya ang screen at ngumiti nalang bigla. Naguluhan ako dahil para siyang abnormal. Pero nanatili ako sa position.
“Pfft--- hahahahaha. ” Humagalpak siya sa pagtawa, napahawak ito sa tiyan at naningkit ang mata. Tsk. Sana ganyan din ako kasaya.
“Chicaina, take a look.” Binalingan niya ako, at tumayo sa kinauupuan niya. Nakangisi pa rin siya, lumapit siya sa ’kin. Naamoy ko tuloy ang mabango niyang pabango.
Hanggang leeg niya lang ako. Kaya bahagya siyang yumuko at pinakita ang na sa cellphone niya.
“Hhahahaha ’di ba nakakatawa, haahahah.” Lagatik ang pagtawa niya sa tainga ko. Seryoso ang mga mata kong tumitig sa kanya. Anong nakakatawa doon?
Isang memes ang pinakita niya sa ’kin. At ang ginamit na mukha sa memes ay ang mukha niya. Hindi naman nakakatawa.
Tumigol siya sa pagtawa, nang mapagtantong para siyang baliw na tumatawa mag-isa at umayos ng tindig.
“Bakit hindi ka tumawa?” tanong niya. Dismayado siyang bumalik sa kinauupuan at tinago ang cellphone.
“Kasi hindi nakakatawa,” tipid kong sagot. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa pagkain.
Nakabusangot siya habang sumusubo ng pagkain. “Wala ka ’atang sense of humor.” Ininom niya ang kape. Tsk. Childish.
Natapos na kami sa pagkain, kasalukuyan kong hinuhugasan sa sink ang mga ginamit namin kanina.
“Magbihis ka may pupuntahan tayo,” saad niya, na bahagyang kinakunot ng noo ko. Pero agad kong binawi ang naging reaksyon. Nilingon ko siya. “Nakahubad ba ’ko?” Kumunot ang noo niya.
“Haays ’wag ka nalang nga magbihis hintayin mo ko sa sala.” Tumango ako. Narinig ko pa ang bulong niya. Pero hindi nalang ako nag react.
Nagpunta ako sa sala at umupo sa malampit na sofa. Ang tagal niyang magbihis. Nang makabalik siya, nakasuot na ito ng hoddy. At mask, ang init ta’s naka hoddy siya. Parang may pinagtataguan ‘ata.
“ 'Wag mo kong titigan ng ganyan. Baka matunaw ako. Naiintindihan ko namang nakakahumaling talaga ang kagwapuhan ko.” Pagmamayabang na naman niya.
“Nagtataka lang ako sa suot mo. Ang init ng panahon naka hoddy ta’s may mask ka pa.” Nalaglag ang panga niya sa gulat. Abnormal ba ’tong amo ko?
“Nag-eexpect ka ba ng ibang sagot?” Umigting ang panga niya, may nasabi ba akong masama?
“Don't talk to me like that.” Walang bahid ng galit ang boses niya. “Sorry, ganito talaga ako,” sagot ko atsaka yumuko ng bahagya.
“Tsk weird, halikana nga.” Nanlaki ang mata ko nang bigla niya nalang hawakan ang kanang pulsuhan ko. Saka niya pa ko binitiwan, nang makababa kami sa apartment. Titigan ko siya, umiwas ito ng tingin at namula ang tainga niya.
“G-get on the car,” saad niya, at deretsong nagtungo sa driver seat. Pumasok ako sa kotse. Bigla ko nalang naramdaman ang kakaibang pakiramdam. Anong ibig sabihin nito?