Chapter two

1469 Words
"B*llsh*t find this girl and bring her to me"galit na galit na sabi ni Gustavo.Habang nanlilisik ang matang nakatingin sa isang magazine kung saan naka cover ang larawan ng isang magandang babae. "Keith come here." Tawag nito sa kanya.Lumapit naman siya dito. "Ikaw ang gusto kong trumabaho nito dahil ikaw ang bago sa grupo dito mo mapapatunayan kung gaano ka kagaling."sabi nito na inakbayan siya. "No problem."maikling turan niya.Inabot nito sa kanya ang isang magazine.At hindi niya mapigilan ang sariling titigin ang mukha ng babaeng nakalarawan doon sa cover. "Siya ang huling kausap ni Gill bago siya mamatay kaya hindi impossible na ibinigay ni Gill ang diamonds sa babaeng yan." Inalis niya ang tingin sa larawan ng babae at ibinalik ang tingin kay gustavo."Dadalhin ko siya sa inyo."Malamig ang tinig niyang turan. "Very good!Umalis kana at hanapin mo kung sang lupalop ng lugar naroon ang babaeng yan."taboy nito sa kanya. Iniyuko b niya ang kanyang ulo bilang paggalang dito bago siya umalis sa harap nito kapit ang magazine.Nagtagis ang kanyang bagang habang palabas ng malaking bahay.Sumakay siya sa nakaparadang BMW na pagaari ni gustavo.Binuhay niya ang engine at pinatakbo iyon palayo. Habang nag da-drive hindi niya mapigilan ang sariling muling sulyapan ang larawan ng babae na seryoso ang mukhang nakatingin din sa kanya. Ibinalik niya ang atesyon sa kalsada at nag concentrate sa pag mamaneho. Cassandra Naalimpungatan siya na parang may nakamasid sa kanya.Iminulat niya ang mata at sumalubong sa kanya ang kadiliman.Bumangon siya at umupo sa kama,inilinga niya ang paningin sa paligid at sinanay ang kanyang mga mata sa dilim. Nang biglang gumuhit ang kidlat sa kalangitan na nagbigay ng saglit na liwanag sa kanyang kwarto.Natakot siya sa nakitang bulto ng lalaki na nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang nakaharap sa kanya. "Sino ka?"takot na takot na tanung niya .Isinisik niya ang sarili sa pader. "Hindi ko alam kung bakit kailangan mong madamay sa gulong ito."anang malamig at seryoso nitong boses. Muling gumuhit ang kidlat at muli saglit niyang nakita ang bulto ng lalaki. "Pano ka nakapasok dito?Sino ka at anong kilangan mo?"sunod sunod niyang tanung habang palakas ng palakas ang kabong ng kaniyang dibdib. Hindi ito nagsalita.Mabilis siyang bumaba ng kama at binuksan ang ilaw.Lumiwanag ang buong paligid pero ang ikinasindak niya ay makita ang isang baril na nakatutok sa kanya.Itinaas niya pareho ang kanyang kamay.At tumaas ang tingin niya sa mukha ng may hawak niyon. Matiim ang tingin nito sa kanya ang mga mata nitong sing dilim ng gabi na animoy umaarok sa kanyang kaluluwa.May ilang hibla ng buhok ang bumagsak sa may mata nito na lalong nagbigay ng kakaibang karisma sa gwapo nitong mukha.Tumutubo narin ang balbas nito na lalo namang nakadagdag ng ankin nitong kagwapuhan.At ang katawan nito sigurado siyang alaga iyon sa gym dahil kahit nakasuot ito ng leather jacket bakat na bakat sa pangilalim nitong damit ang malapad nitong dibdib.Muling bumalik ang tingin niya sa hawak nitong baril na nakatutok sa kanya.Kaya naman bumalik sa tunay na reyalidad ang isip niya. "One wrong move i'll shoot you!"Anito na hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha.Wala siyang nababasa kahit anong emosyon sa mukha nito.Blangko. Lalo naman siyang natakot, kaya hindi siya kumilos nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang nakataas ang kamay. "Nasan ang mga diamonds?"Tanung nito. Oh god tama ako malalagay ang buhay ko sa panganib dahil sa diamonds na iyon.Pero pano nalaman nito na nasa kaniya ang mga diamonds.Pero hindi niya pwedeng ituro iyon dito.Gagawin niya ang sinabi ng lalake sa bus ibibigay niya iyon Kay Savan Vega.At hindi sa kung sino lang. "Wala akong alam sa sinasabi mo!"aniya sa mataas na tinig.Kailangang hindi nito mahalata na nagsisinungaling siya. "Again where is the Diamonds!"nangigigil na sigaw nito sa kanya. Napaigtad naman siya sa takot.Pero paninindigan niya ang una niyang sinabi.Wala siyang sasabihin dito ,hindi niya ibibigay ang Diamonds kahit patayin pa siya nito. "I don't know what are you talking about! I don't have your diamonds okay... so please don't point that stupid gun at me because you're f*****g scared me!"galit na sigaw niya dito. Marahan itong lumapit sa kanya umatras naman siya hangang lumapat ang likod niya sa pader.Habang palapit ito ng palapit lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.Lumapat sa tiyan niya ang dulo mg baril na nagpatindig ng balahibo niya sa katawan. Mamatay na yata siya pero hindi pa dapat 28years old palang siya at kahit minsan hindi pa siya nagkaka boyfriend at ni hindi pa niya nararanasang mahalikan.Kaya hindi pa siya pwedeng mamatay.Gusto pa niyang matikman ang kaniyang first kiss.Pero pano kung papatayin na siya ng lalaking ito pano pa niya mararanasan iyon. "Wait mister pwede bang bago mo ako patayin can you give me a favor?"tanong niya na nakapikit ang mata. "What is it?"anito na malapit na malapit sa kaniya ang katawan.Siguro naman wala ng masama kung hilingin niya ditong halikan siya para naman kahit mamatay na siya ngaun hindi na virgin ang kaniyang labi.Wala na siyang paki kahit criminal pa ang maging first kiss niya mamimili paba siya e mamatay na nga siya.Pinalakas niya ang loob bago nagsalita bahala na kung pagtawanan siya nito. "Kiss me before you end my life i want to have my first kiss before im dead." "You what?oh dear don't play with me miss because i don't believe you! Stop teasing me because im not a patience person.So turn around!. "Im not teasing you it was true!"she said. "Don't talk just turned around!"anito na masdumiin pa ang dulo ng baril sa kanyang tiyan. "Okay okay!!aniya na marahang tumalikod.Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang batok na nagpatayo ng maliliit niyang balahibo roon. "Sana hindi ka nalang nakialam!"turan nito bago niya naramdaman na may gumuhit na masakit sa kanyang batok hangang mawalan na siya mg malay. ** Nang imulat niya ang mata nAgulat siya dahil nakabaligtad na yata ang mundo.Ay mali siya pala ang nakabaligtad habang pasan siya na parang kahoy sa balikat ng kidnapper niya. "Put me down your Damned asshole."aniya na pinagbabayo ang likod nito.Pero hindi manlang ito natinag at parang wala lang ang kaniyang ginawa. Hanggang sa makarinig siya ng mga tinig na nagpapalitan ng salita.Lalo namang nabalot ng kaba ang kaniyang dibdib.Kaya lalo siyang nagwala. "Put me down!!sigaw niya habang paulet-ulet na binabayo ng hampas suntok ang likod nito.At nagulat naman siya sa sunod nitong ginawa pabagsak siyang binitawan nito kaya naman bumagsak siya sa sahig. "D*mned you bakit mo ako binitawan!"singhal niya habang sapo ang nasaktang balakang. "Sabi mo bitawan kita oh di sinunod ko lang ang kagustuhan mo.! seryosong turan nito na hindi tumingin sa kanya. "F*ck*d you!galit na sabi niya.Narinig naman niya ang malakas na tawanan ng ibang mga lalaking andun habang nakatingin sa kanya.Gusto na niyang umiyak sa galit anong balak gawin sa kanya ng mga ito.At ang lalo pang nagpasakit sa kalooban niya ay walang alam ang pamilya niya sa nangyayari sa kanya.And her mother siguradong maghihinagpis ito pag may mangyaring masama sa kanya.Tumingin siya sa kanyang kidnapper na nuon ay nakaupo na sa silya sa harap ng bilog na lamesa kasama pa ng ibang mga kalalakihan bahang nakatutok sa kaniya ang tingin. Inilinga niya ang paningin sa paligid hindi niya alam kung sang lugar siya dinala nito pero sa tingin niya ay nasa loob siya ng isang lumang bahay. "Kung sa magazine napakaganda ng babaeng yan mas lalo pala sa personal nakakatakam," Nangilabot siya sa narinig na sinabi ng isang lalaki na kitang kita niya ang pagnanasang bumabalot sa mga mata nito.Nagtawanan pa ang apat na lalaking may malalaking katawan,Maliban sa kidnapper niya na matiim lang na nakatingin sa kanya. Tatayo sana siya ng mapagtanto niyang nakatali pala ang kanyang mga paa."Pakawalan nyo ako wala kung ginawang masama sa inyo!"sigaw niya na niyakap nalang ang sarili. "Sa kanila wala pero sakin meron!"Anang matigas na tinig na pagaari ng isang may edad nang lalaki na pumasok sa sirang pinto.Kasunod naman nito ang dalawa pang lalaki na pawang mga nakaitim. "Who are you?!Pano mo nasabing may ginawa akong masama sayo eh ngayon lang kita nakita!?sigaw niya. Mabilis itong nakalapit sa kanya at mariing hinawakan ang kanyang mukha na halos lumubog nang mga daliri nito sa kanyang pisngi. "Where's my diamonds?! bulyaw nito sa magmumukha niya. "I don't know what are you talking about, please I begging you let me free," nagmamakaawa ng sabi niya hindi narin niya napigilan ang pagpatak ng dalawang butil ng luha sa kanyang pisngi.Napapikit siya ng diinan pa nito ang pagkakahawak sa kaniyang pisngi."you hurting me."anas niya "Talagang masasaktan ka sakin pag hindi mo sinasabi kung nasan ang mga Diamonds!ikaw ang huling kausap ni Gill bago siya mamatay at walang nakita ang mga tauhan ko na diamante sa kanya so kanino pa niya iyon ibibigay.!anito na marahas na binitawan ang kaniyang mukha. Gill pala ang pangalan ng lalakeng yun,Ang lalakeng naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon,"aniya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD