Leigh Risha Hawthorn
Pagkalabas ko ng aking kuwarto ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Nagtataka nga ko dahil pagkarating ko ay nakatingin kaagad sa akin ang tatlo kong kasama. Kaya nagtataka ko rin silang tinitigan pabalik.
May nagawa ba ko sa kanila? Sa pagkakaalala ko ay wala naman eh.
Inalala ko lahat ng mga pangyayaring naganap kahapon at biglang nanlaki ang mata ko nang may maalala akong isang bagay.
Alam din kaya ni Mom at Ray ang nagawa ko? Kaya ba sila nakatingin sa akin ngayon? Waah! Hindi ko naman 'yon sinasadya eh!
Pinagdikit ko ang dalawang kamay ko at yumuko ako sa kanilang lahat.
"Mom, dad, I'm sorry. Hindi-"
"Leigh, anong dahilan at maaga ka yatang gumising ngayon?"
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Mom. Akala ko ay pagagalitan nila ko dahil sa nagawa ko. Hindi pala tungkol doon ang dahilan kung bakit sila nakatingin sa akin ngayon. Hehe.
Sandali, kaya pala ko gumising ng maaga dahil nga sa nagawa ko. No. Mali, mali. Hindi ako gumising ng maaga. Ang totoo ay wala akong tulog dahil sa nangyari. Gusto ko talaga matulog, pero hindi ako makatulog at sa tuwing ipipikit ko ang mata ko ay mukha ni Aizen ang nakikita ko. Napabuntong hininga tuloy ako ng malalim.
Pakiramdam ko tuloy ay habang buhay akong isusumpa ni Aizen.
Walang gana akong umupo sa pagitan ni Mom and Dad habang ang tatlo kong kasama ay pinagmamasdan lamang ako habang nakain sila ng pang-umagahan.
"Leigh, are you thinking about what you've done yesterday?"
Napalingon ako kay Dad. Ang galing talaga manghula ni Dad. Lagi niyang hinuhulaan ang nasa isipan ko lalo na kapag malungkot ako. Minsan nga iniisip ko na may super power talaga si Dad eh. Sana ako mayroon din para maayos ko ang nasirang castle. Napabuntong hininga tuloy ulit ako ng malalim.
Hinawakan ko na ang kutsara't tinidor na nasa harapan ko, pero hindi pa rin ako nagsimulang kumain. Parang wala pa rin kasi akong gana. Bakit kaya? Masarap naman ang mga pagkain na nasa harapan ko.
"Hindi ka ba pupunta sa katapat na bahay?"
"No, Dad! Baka hindi pa ko nakakapasok sa loob ay napatay na nila ko."
Nagulat ako sa pagtanong ni Dad kaya hindi ko na rin napigilan ang labi ko. Pati sina Mom at Ray ay napatingin na rin sa akin na parang may napakalaki akong nagawang kasalanan.
Yumuko ako at nagbuntong hininga.
"Hindi mo ba aayusin 'yong nasira mo kahapon, Leigh?"
Napasimangot ako sa sinabi ni Dad subalit pagkalipas din ng ilang segundo ay tumango ako sa kanya.
"Tama ka, Dad. Kailangan ko ngang pumunta doon."
Bumuntong hininga ako ng malalim at saka tumayo. Nakatitig lang sa akin ang mga kasama ko at tila nagtataka sa aking kinilos.
"Pupunta na ko doon."
Nakangiti akong naglakad paalis ng bahay, pero nakakailang hakbang pa lang ako ay narinig ko na ang tinig ni Mom sa likod ko.
"Aalis ka ba talaga na ganyan ang itsura, anak?" Tinuro ni Mom ang suot kong pajama at malaking T-shirt.
Napatapal ako sa noo ko. Nakalimutan ko na kakagising ko lang pala. Ay, hindi nga pala ako natulog. Ngayon ko lang din napansin na hawak ko pa pala ang kutsara't tinidor.
"Well, Mom. Ate is always like that. You don't need to be suprise if she really walk outside wearing her night dress." Narinig ko ang mahinang pagtawa ng kapatid ko, pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.
Kumaripas ako ng takbo patungo sa aking kuwarto upang mag-ayos ng aking sarili. Naligo ako, nag-tooth brush at pagkatapos ay hinanda ko ang aking sarili sa pagpunta sa katapat ng bahay.
Pagkababa ko ay tapos nang kumain sina Mom and Dad pati na rin si Ray. Nanonood na sa television sina Dad at Ray habang si Mom naman ang naghuhugas ng pinggan.
"Aalis kana? Hindi ka ba mag-aalmusal?" tanong sa akin ni Dad nang hindi tumitingin sa direksyon ko.
"Yes, Dad. Bye."
Pakiramdam ko ay may oras akong hinahabol at kailangan kong magmadali umalis kahit na sa tapat ng bahay lang naman ang punta ko.
Pagkadating ko sa tapat ng bahay nina Aizen ay muling bumangon ang kaba na nararamdaman ko.
"Huwag ko na lang kaya ituloy?"
Biglang bumukas ang pinto na nasa harapan ko at sa sobrang gulat ko ay napaupo ako at napayuko.
"Sorry po. Hindi ko sinasadya. Nandito lang naman ako para ayusin 'yong nasira ko."
Naghantay ako ng ilang minuto, pero walang sumagot sa akin. Kaya naman nag-angat na ko ng aking paningin. Napangiti ako ng bahagya nang makita ang mukha ng Lolo ni Aizen na nakatingin sa akin.
"Hehe. Magandang araw po sa inyo."
Ngumiti siya pabalik sa akin. "Magandang araw. Pumasok kana lang sa loob. Aalis ako at kung hahanapin mo si Aizen ay nasa loob lang siya ng kuwarto niya. Mas mabuti siguro kung hindi mo muna siya pupuntahan. Sige, paalam." Hinawakan niya lang ang balikat ko bago niya ko tuluyang iniwan.
Napailing ako at nagdalawang isip na pumasok. Hindi ko sigurado kung safe ba ko sa loob. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagpasiyahan na pumasok sa loob.
Sobrang bigat ng paghinga ko habang naglalakad ako papasok. Nagpalinga-linga pa ko sa paligid dahil baka bigla na lang sumulpot si Aizen sa harapan ko.
Dumiretso ako sa lugar kung saan ko nakita at nasira ang castle. Maingat at tahimik lang ako naglakad dahil ayoko munang malaman ni Aizen na nandito ako.
Naabutan ko ang mga baraha na nakakalat lang sa pinaglagyan ng castle. Gano'n pa rin ang lagay nito katulad nang masira ko ito kahapon.
Naalala ko bigla ang mukha ni Aizen habang nakatingin sa akin. Galit at pagkamuhi.
Umiling ako habang nakahawak sa aking kaliwang dibdib nang makaramdam ako ng kirot. May sakit na ba ko sa puso? Hahaha.
Bumuntong hininga ako ng malalim at tumingin sa mga baraha.
"Kaya ko ito. Ilang buwan kaya o linggo ang lilipas bago ko matapos ito?"
Iniisip ko pa lang ay para na kong tinatamad kaya hindi ko na lang 'yon pinagtuunan ng pansin.
Sana lang, maging okay na kami ni Aizen.