Leigh Risha Howthorn Nakatulala ako sa bintana ng aking kuwarto habang nakapalumbaba. Ngayon na ang araw na pag-alis namin sa lugar na 'to, pero wala akong ganang mag-impake ng mga damit ko. Wala pa kong ganang umalis sa lugar na 'to. Lumingon ako sa cellphone ko na kanina pa tumutunog. Natawag pala si Jhon kanina pa. Wala rin akong gana na sagutin siya. "Ate, are you still sleeping? You need to get up and pack your things immediately." Narinig ko ang boses ng kapatid ko na kumakatok na pala sa pinto ng aking kuwarto. Hindi ako sumagot sa kaniya. Lumingon lang ako sa pintuan ng kuwarto ko at pagkatapos ay binalik ko na ulit ang paningin ko sa bintana. Bumuntong hininga ako ng malalim. Pagkatapos ay sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis. "Bakit ba ko walang gana sa lahat

