Chapter 55 “Stop!” nang itaas ko ang aking tingin sa lalaki ay nahimasmasan ang puso ko. “What the heck, Gav!” hampas ko pa sa kaniyang braso. “Sa susunod ay ‘wag mo nga akong hilain na lang bigla!” suway ko pa, “Tinatawag kita kanina, pero tumakbo ka.” kunot na ang noo niya. “Sino ba ang hinahabol mo? Ayos ka lang ba?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Nilingon ko muli ang pinanggalingan ng isang namumukhaan ko kanina. “Namamalikmata lang ako. Akala ko kaibigan ko,” “Bakit ka umalis ng hindi ako kasama?” “Bumili lang ako, pizza.” itinaas ko ang aking dala na box. Kita ko ang kaniyang paglunok at pagtiim ng bagang. “Next time, ‘wag kang aalis ng hindi ako kasama. Naiintindihan mo, Shore?” “Oo na, bumalik na lang tayo.” naiisip ko pa rin ang mukha ng akin

