Chapter 39 Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Gav na nakatayo at madilim ang mga titig sa akin. Ramdam ko pa rin ang hininga ni Duke sa aking leeg, ngunit mas nanlaki ang mga mata ko nang maramdam kong dampian niya iyon ng halik. “F-ck!” mas lalong umalingasaw ang mura ni Gav, ngunit gano’n na lang ako nabigla nang may humila sa braso ko patayo. Tila isang saglit lamang nang matagpuan kong nasa dibdib na ako ni Gav. “Tsk..” rinig kong ngisi ni Duke, kahit ako ay natatakot para sa kaniya. Iba magalit ang isang Rejanjo, iba magalit ang isang Gavin Luke Rejanjo. “Duke! What’s the meaning of this? Bakit.. bakit may mas gwapo sa ‘yo?” napaangat ako ng tingin kay Gav, kita ko kahit ang kaniyang paglunok. Ang adams apple niyang galit na galit, kahit ang kunot niyang noo

