Chapter 70 “Ang tagal n’yo naman?” nang makababa kami ay iyon agad ang tanong sa akin ni Vessai. Nakaupo na silang dalawa ni Den sa upuan, habang si Tita Luna naman ay inihahanda ang pagkain. “Masyado ‘bang marami ang dala n’yo, Anak?” agad na tanong ng kaniyang ina kay Gav. “Kumain ako sa taas,” simpleng sagot ni Gav sa ina nito na ikinakunot ng noo. “Ano naman ang kinain mo? Sana ay hindi ko muna kumain at alam mo naman na naghanda ako.” “Okay lang, nagutom lang ako. Kaya kumain ako.” isang silip niya sa akin ay napakagat na lamang ako sa labi ko. “Mukhang masarap ang kinain mo, ah? Gav?” bulong na tanong ni Vessai saka tumaas-tass ang kilay nito. “Masarap, sobrang sarap.” binangga ko ang braso nito at pinanlakihan ng mga mata. “Wow, sarap!” agad nag-iwas ng tingin sa akin si Gav

