Chapter 2
“Magandang umaga, Ma’am!” iyon agad ang bati sa akin nang makapasok ako sa Shore Corp. Ito ang dahilan kung bakit kailangan kong umuwi, dahil nalulugi na ang kumpanyang iningatan ni mommy nang ilang taon.
“Ma’am, marami na po ang nagde-demand, hindi pa po kasi nakakasahod ang iba pang trabahante.” napasinghap ako sa aking narinig, iyon agad ang bungad sa akin. “I’ll check that later, titignan ko muna kung may natitira pa sa funds.” tumango siya at agad nauna sa akin para ihatid niya ako sa office ni mommy.
“Masyado pong maraming nagtatanong sa akin, tungkol kay President Wendy pero wala po akong masagot, dahil wala naman po siyang ibinilin sa akin na-”
“Alam ko, maraming salamat.” yumuko na lang siya at umalis. Naiwan ako sa loob ng office at tinignan lamang iyon sa kabuuan nito. “Ang huling punta ko pa dito ay kami pang dalawa.” umupo ako nang walang buhay, saka ako umikot sa swivel chair.
“T-nginang buhay ‘to, ang hirap maging masaya.” punong-puno na ako nang hinanakit sa loob. Sa tuwing maaalala ko ang ilang na tiniis ko ang sumasakit ang dibdib ko.
“Iwan mo ang batang iyon, kung ayaw mong pabagsakin ko lalo ang nalulugi nilang kumpanya.” agad kong iniling ang aking ulo nang maalala ko ang sinabi ni lola.
Naalala ko pa kung paano siya magmakaawa sa akin na ‘wag ko siyang iwan. Naalala ko pa kung paano siya umiyak at lumuhod..
I’m so sorry, Gav..
Inalis ko ang butil ng luha sa aking pisngi, saka ako natawa nang bahagya. “Ano ba naman ‘yan! Ilang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon andito ka pa rin. Araw-araw na lang, Wensy Shore.” pagpapaalala ko sa aking sarili.
“Araw-araw na lang akong nabubuhay sa sakit,” isinantabi ko ang lahat. “Kailangan ko muna ayusin ang kumapanyang ito, hahanapin ko talaga ang lalaking iyon at humanda siya sa akin.” galit na galit akong tignan ang papel at gano’n na lamang kalaki ang gulat ko nang makita kong pumalo sa mahigit sampung milyon ang tinangay nito.
“Ang hayop na iyon! Makita ko lang talaga siya ay gugupitin ko ng nipper ang ngala-ngala niya!” napahawak ako sa aking sintido. Wala akong gano’n na kalaking pera. Alam kong umaasenso na ang buhay ko sa pagiging designer, pero hindi pa ako gano’n nakalaki kumita para mabayaran ang mga ito!
Tinawagan ko kaagad si Trix, siya lang naman ang makakausap ko ngayon pati na rin si Kim.
“Yes, girl? Parang kahapon lang tayo nagkita, ano miss mo na ako?” natatawa niya pang sagot sa tawag ko, “I really need to chill, can you we just go out later?”
Rinig ko ang kaniyang halakhak, “You really need to! Alam kong may problema ka, sabihan mo ako kung tapos ka na para naman makapaghanda na rin ako. Nai-stress na rin ako dito, bakit pa kasi pinagsama pa kaming dalawa sa iisang bahay!?”
“Galit ka na n’yan? Crush mo naman ‘yan dati.”
“Pero ikaw ang gusto.” natikom ang aking bibig, “Nagseselos ka na n’yan?” may gusto kasi sa akin si Shone. Ang kaniyang mapapangasawa, fiance niya na iyon dahil pinagkasundo silang dalawa. “’Wag ka nang magselos, mamahalin ka rin n’yan.”
“Kung makakalimutan ka n’ya, kaso hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal niya-”
“Trix, hindi habang panahon ay ako pa rin ang gusto niya. Makaka-move on rin ‘yan.”
“Ikaw? Kailan?” natikom ko ang aking bibig, masyado akong nataman sa sinabi niya. Kailangan nga ba? “S-siguro.. basta! Darating rin ‘yung panahon na makaka-move on na lang ako bigla, hindi na ako makakaramdaman ng sakit sa tuwing makikita ko siya at-”
“At hindi ka narin masasaktan, kapag nakita mo na siya na ikinasal.” iyon ang hindi ko pa kaya, “I need to go, sasabihan na lang kita mamaya.” ibinaba ko ang aking tawag sa kaniya.
Wala akong ginawa kagabi, kung hindi ang mag-isip lamang.
Iniisip ko kung paano ko gagawin ang lahat para makalimutan siya. Lalo na ngayon na naka-move on na siya, may fiance pa! “Sh-t!” taray ko sa kung saan, “Talagang nakalimutan niya na ang ganda kong babae,” alam kong malaki talaga ang ulo ko, gandang-ganda ako sa sarili ko, dahil totoo naman iyon.
“Ma’am?” nang may bumukas na pinto, “May naghahanap po sa inyo, Vessai raw po ang pangalan.” nanlaki ang mga mata kong napatayo, “What? Where is she?” paano niya nalaman na narito na ako?
“Asan ang babaeng iyan!” isang pamilyar na boses ang aking narinig at mabilis na pumasok sa loob. “Ma’am, kailangan po muna nang pahintulot ni Preside-”
“President my ass! Hoy, Wensy!” umawang ang labi kong makita siyang nakatayo, habang may sumunod naman sa kaniyang likod. “Den! Sai!” tawag ko sa kaniya, nagulat ako nang kasama niya pa ang kaniyang asawa na si Den! “’Wag mo akong ma-Sai-Sai, d’yan!” turo niya sa akin, “Kaibigan ko sila, salamat.” agad tumungo ang babae at mabilis na lumabas.
“Paano mo nalaman?”
“Aba’t nakuha mo pa’ng magtanong, kami dapat ang nagtatanong n’yan sa ‘yo? I mean, kami dapat ang nagtatanong sa ‘yo.” turo niya sa akin, “Mag-best friends tayong tatlo, hello! Sabay hindi ko alam na una mo pang kinasama ang mga late mo lang na naging kaibigan?” tinutukoy niya si Trix at Kim.
Sa mga hindi panakakaalam ay silang dalawa talaga ang best friend ko. Si Rayden Lacaba at Vessanie Bernal, sadyang hindi ko lang sila na tawagan, dahil alam kong magpi-freak out ang dalawang iyan.
“S-syempre, may baby na kayo. Saka ayokong maistorbo kayo.”
“Sus! Kita mo? Ang dami niyang dahilan talaga!” naniningkit pa ang mga mata nitong tumingin sa akin, “T-ngina mo, pa-hug nga! I miss you!” agad niya akong sinunggaban ng yakap.
Ang tunay na kaibigan, nagmumurahan.
“Motherf-cker ka rin.” hinampas niya ang pwetan ko na aking ikinagulat, “Hoy, alam kong ingleshera ka, pero ‘wag mo ako murahin ng ingles!” natawa na lamang ako, “Paano niyo nalaman na narito na ako? Wala naman akong pinagsabihan.”
“Sinabi ni Jacob, invited si Den kahapon. Kaso hindi ka naman niya naabutan, dahil umuwi ka na raw.” tinignan ko si Den at mabilis na yumakap sa kaniya, kahit hawak niya ang isang baby na babae, “Anak niyo?”
“Hindi, anak mo.” pagbabara niya pa, “Alam mo, Sai. Matanda ka na, may anak ka na nga pero hanggang ngayon feeling kid pa rin.” ngumuso ito at agad akong tinarayan, “Atleast ako may baby na, ikaw?”
“Hindi ko gusto ang bagong girl friend ni Gav,” napatingin ako kay Den nang sabihin niya iyon. Nakatayo lamang siya, habang si baby naman ay nakadikit ang pisngi sa kaniyang dibdib.
“Masama ang ugali, mas masama pa sa ‘yo.” wow naman! Nakaka-overwhelm! “Salamat, ah!”
“Pero seryoso, hindi maganda ang ugali niya, Wens.” hinawakan ni Sai ang braso ko, “Hindi ko rin alam kung ano ang nagustuhan ni Gav sa babaeng iyon, pero kasi parang ginagaya ka lang niya. Iyong babae, parang ginagaya ka niya.”
“Hindi niya ako magagaya, mas matangkad siya sa akin.”
“Galing rin siya sa mayaman na pamilya, pero ang totoong ugali no’n? nakakasuka.” lumunok na lamang ako at inisip ang pwede pa naming pag-usapan bukod doon. Ayoko na muna kasing maisip pa ang bagay na nakakapagpasakit sa akin.
“A-ano pangalan ng baby niyo?” iyon na lamang ang naisip kong dahilan, para mabago ang usapan. “Ay! Hindi ko pa pala napapakilala sa ‘yo! This is Rise..”
Tumaas ang kilay ko, Rice?
“Rice? As in kanin?”
“Rise! Es! Ar-Ay-Es-Ih!” Rise, magandang pangalan. “Risanna Elena Lacaba,” gusto ko sanang hawakan ang baby ni Vessai, ngunit natatakot ako. “Sige, buhatin mo.”
“Ayoko, wala akong pamalit d’yan, pagnahulog ko.”
“Mataas naman ‘tong building n’yo, Wens. Pwede rin naman kitang ihulog dito, kung ihuhulog mo ang anak ko.” kabang-kaba ako nang ibigay sa akin ni Den ang bata.
Ang akala ko ay iiyak siya, ngunit nang inimulat niya ang kaniyang mga mata ay bahagya niya akong tinignan.
Naluha ako nang makita ko siyang ngumiti, “May anak ka na talaga. Hello, Rise!” hawak ko rin sa kaniyang isang kamay, “It’s me, Tita Wensy..”
“Sumama ka sa binyag niya, ah! Next week na iyon!”
“Agad-agad!?” tumungo lamang siya at ngumiti, “Kaso..” tumingin siya sa kaniyang asawa, “Kaso..” sunod niya pang sabi, “Kaso, ninong si Gav.” patuloy ni Den, agad akong kinabahan. Mabilis kong ibinalik ang bata kay Den, “Wens, sorry..”
“N-no! It’s okay! Pupunta pa rin naman ako, don’t worry.” kahit ang totoo ay kinakabahana ako. Hindi pa talaga ako handang makita siya ngayon, “Sa Tagaytay iyon, naparito talaga kaming dalawa ni Den, para ibigay sa ‘yo ang invitation.” inilapag niya sa mesa ang isang magandang papel.
“Sana ay sumama ka, Wens. Kahit para sa anak ko, ikaw lang naman ang pinagkakatiwalaan ko. Please..”
“Ano ka ba! Sasama nga ako!” itinago ko ang kaba sa aking mga ngiti, “Saka, gusto ko ikaw ninang para may Ferrari siya agad.”
“Sabi na nga ba! May utang ka pa sa akin nu’ng college na one-hundred pesos! Akala mo, hindi ko nakakalimutan iyon?” turo ko pa sa kaniya.
“Ano? Hindi mo na makalimutan ‘yon? Mag-move on ka na! Parang one-hundred lang!”